pag-amin ng pusong hindi mawari kung paano nahulog gayong aminado namang wala ito sa kahit ano at saan kong plano.
nais kong ipabatid ang nararamdaman ko sa iyo gamit ang bagay na ito. nais kong ipaalam sa iyo ang aking paghanga na nauwi sa pagkagusto. anuman ang nararamdaman ko, nais kong sabihin na ito ay hindi ipinipilit at kusang nabatid- wala akong hinihintay na kahit anong kapalit.
ang sulat nito ang aamin sa nararamdaman ko. lahat ng mga pangungusap at kataga na hindi ko inakalang aking maihuhulma ay kusang inilabas ng aking tinta. hindi ko alam kung paano magsisimula pero susubukan kong ayusin at dahan-dahanin ang mga nais kong sabihin sa 'yo. kung sakali mang nakabibigla ito, ipagpaumanhin mo.
hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaliwanag ang bagay na ito. hindi ko alam kung saan, kung paano, at kung kailan nagsimula ang aking paghanga na nauwi sa pagkagusto. para kang isang napakagandang salita na sa tuwing aking nakikita at naririnig ay nakabubuo ako ng kung ano-anong akda. para kang isang nakaaadik na parte sa isang kanta na bagaman ilang libong beses kong ulit-uliting pakinggan ay hinding-hindi ako magsasawa.
" isa kang napakagandang salita,
isa kang nakaaadik na parte sa isang kanta.
isa kang napakagandang tanawin,
hinding hindi ako magsasawa na ikaw ay tingalain. "
sana ay nabigyan kita ng ideya sa kung ano ang nais sabihin ng aking likha. kung ano man ang natakbo sa isip mong ideya habang binabasa na ang parteng ito, nais kong kumpirmahin iyan sa iyo
gusto kita.
alam kong masiyadong mataas at napakalayo ng agwat ko sa lahat ng mga bagay na sinasabi mong gusto mo sa isang tao. wala akong magagawa roon at wala rin naman akong inirereklamo. ang nais ko lang sabihin ay. . .
" kahit gaano k a l a y o,
kahit gaano k a t a y o g
ang d i s t a n s i y a ko sa
mga bagay na gusto mo,
walang problema iyon sa akin.
ang nais ko lang gawin ay ang
hayaan mo ako na ikaw ay
t i n g a l a i n. "iii.
gusto kita. gustong gusto kita. kung ano man ang maging desisyon mo matapos kong aminin sa 'yo ang pagtingala ko, nirerespeto ko iyon at tinatanggap ko.
" ikaw ang aking paksa
sa halos lahat ng akda.
ikaw ay isang salita
na sa lahat ng bagay ay
palaging natugma. "
ang aking paghanga" kay tingkad ng kulay mo.
kahit gaano pa karami ang
mga ulo sa maladagat na
samahan ng mga tao,
unang una pa rin kitang
makikita kahit pa magtago
ka sa likod ng puno ng
matibay at matayog na acacia. "ay tuluyan nang nauwi sa
pagkagusto." ikaw ang tanawin na hinding
hindi ako magsasawang titigan
kahit pa sa daan ay abutin ako
ng magdamagan. "gusto kita.
YOU ARE READING
The Anthology of Unspoken
Poetryかて:: 𝐬 𝐨 𝐟 𝐞 𝐢 𝐧 𝐠 𝐜 𝐮 𝐭 :: collectenea of unspoken thoughts.