Chapter 1

14 1 0
                                    

Simula

"Ano ba Ashly, kunin mo nga yong mga sinampay ko sa labas! Puro lang naman selpon ang inaatupag mo diyan!" utos ni mama sakin. Pumasok na siya sa kusina at may ginagawa doon.

"Teka po ma!" sigaw kong sagot sa kanya.

"Puro ka nalang teka, sandali, mamaya na! Ano ba ayusin mo nga yang sarili mo Ashly, hindi ka na bata!" saad na naman ni mama.

Ano ba naman to si mama. Nakakahiya naman sa kapitbahay palagi nalang siyang ganyan. Napaka-bungangera. Hindi man lang nauubusan ng mga salita.

Ipinasok ko na lang sa loob ang mga sinampay na pinakuha ni mama. Tinupi ko na rin iyon dahil tiyak akong mapapagalitan na naman ako nun!

"Tawagin mo na nga iyong kuya mo para makapaghapunan na tayo!" aniya nang nakabalik na ako sa sala. Hahays! Babalik na naman ako sa kwarto.

"Kuya! Lumabas ka na diyan! Maghahapunan na tayo!" medyo inis kong saad sa kanya. Nakatayo lang ako sa pinto ng kwarto niya at nag-c-cellphone din siya.

"Oo! Susunod ako! Mauna ka nang bumaba!" sagot niya.

Gaya nga nang sinabi niya ay bumaba na rin ako at inayos ang mga plato't mga kubyertos.

Maya't maya ay bumaba rin si kuya galing sa kwarto niya na nakabusangot ang mukha. Kauupo lang din ni mama.

"O anong mukha iyan Angelo?" tanong ni mama.

Hindi lang sumagot si kuya at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang din kaming kumain.

Sana makapasa ako sa entrance exam sa university na papasukan ko. Eto namang si kuya ay naghahanap ng trabaho. Siguro itong mukha na ipinakita niya ngayon ay dismaya.

Sana makahanap na rin si kuya ng trabaho. Hindi na nga rin sana ako papasok ng kolehiyo pero pinipilit nila ako na dapat ay makatapos ako ng kolehiyo. Gusto ko na rin sanang maghanap ng trabaho dahil ayokong maging pabigat sa kanila.

"Ma! Hindi po ako natanggap sa trabahong in-apply-an ko!" dismayadong saad ni kuya.

Nanatili pa rin ang tingin niya sa plato. Si mama naman ay nakatingin na sa kanya.

"Ok lang anak! Huwag mong i pressure ang sarili mo. May tama namang oras! Baka siguro mga ilang araw pa bago ka makahanap at makapasok sa trabaho." sagot ni mama.

Tumango lang si kuya sa sinabi niya. Kung hindi sana tumigil si kuya sa pag-aaral ay siguro nasa 3rd year college na siya. Pero mas inuna nila ako.

Ganoon talaga kapag mahirap siguro noh? Hindi mo agad makuha ang gusto mo. Na dapat ay paghirapan mo muna.

Narito na ako sa kwarto ko matapos naming kumain. Hinihintay ko ang update galing sa university kung pasado ba ako. Nakakakaba naman. Samatalang sina mama at kuya ay kampanteng pasado na raw ako. E ako walang tiwala sa sarili.

Pwede namang si kuya nalang muna ang magpapatuloy sa pag-aaral di ba? Bakit ako pa? Sana si kuya nalang ang nasa katayuan ko ngayon. Pero ganoon pa man susundin ko ang gusto nila.

Palagi rin nila akong sinusuportahan sa kahit anong mga gawin ko. Katulad na lamang ng pagsali sa anumang mga academic activities sa school. Kahit na grumaduate akong valedictorian ay hindi pa rin ako kampante. Dahil alam kong may mga mas matalino pa sa akin.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng cellphone ko. May unknown number na tumawag sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Siguro ito na ang dean ng school.

"Hello?" magalang kong bati.

"Bes! Ako ito! Sorry ah? Ibang number ang ginamit ko! Nawala kasi ang phone ko!" ani Carly.

Siya ay ang bestfriend ko simula pa noong grade four kami. Siya na ang palagi kong kasama papunta sa school. Sobrang close na kami sa isa't isa at tinuturing na naming kapatid ang isa't isa.

"Ano ba naman bes! Akala ko yung dean na ang tumawag sa akin! Ikaw lang pala!" dismaya kong saad.

"Ok lang yan bes! May good news naman akong ibabalita sa iyo! Di ba naghahanap ka nang trabaho?"

"Oo!"

"Eto na nga! May nahanap na ako! Kaso kasambahay nga lang!" aniya na sa tono ay nahihiya.

"Ok lang yan bes! Saan naman iyan?"

"Sa cousin ko bes! Nasa kabilang baranggay lang naman. Pwedeng stay in kung gusto mo!" aniya.

"Naku! Uuwi na lang ako! Ayokong mag stay in bes!" sagot ko.

"So? Papasok ka?" masayang saad niya.

"Ahm. Sige papasok ako. Pakisabi na lang sa tita mo na kailan ako magsisimula!"

"Okay bes! Makakarating ito! Sige bes bye! Sorry sa abala! I love you!"

"Sige bes I love you din. At tsaka salamat!"

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na ako at nagsipilyo na pagkatapos ay nagtungo na sa salas. Nakaupo na doon si kuya at kinakamot pa ang ulo.

"Good morning kuya!" masayang bati ko. Lumingon siya sa aking gawi.

"Good morning Ash! Ganda ng ngiti ah!" aniya.

"Siyempre!" iyan lang ang tanging nasagot ko.

Umupo na rin ako sa kanyang tabi. Nakita ko si mama na nasa kusina at busy sa kanyang ginagawa. Saludo rin ako sa mama ko dahil kahit anong hirap ay nakakaya niya. Na matatag siya sa kahit anong mga pagsubok. Kaya saludo ako sa mga nanay na grabe ang sakripisyo para sa kanilang mga anak!

"Mga anak! Hali na kayo! Kakain na tayo!" anyaya ni mama.

Nagtungo na kami doon ni kuya. Pareho pa kaming hindi naliligo. Mamaya na ako maligo pagkatapos kong kumain.

Iba kami ng pangangatawan ni kuya. Ako ay medyo payat samantalang siya ay mas mataba sa akin. Flat tummy ako samantalang siya ay may bilbil.

Hindi ko rin alam kung may nagustuhan ba siyang babae pero imposible naman kung wala di ba? May mga barkada naman si kuya pero sa ngayon ay mas inuuna pa niya ang makahanap ng trabaho.

Hindi ko nga malilimutan noong may crush ako sa isa sa mga barkada ni kuya. Tanging si kuya lang ang sinabihan ko at siya naman ay palihim niya akong kinakantsyaw kapag nasa bahay namin ang mga barkada niya.

Siyempre palihim rin akong kinikilg. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa isang hot at gwapo na kaibigan niya.

At ito pa hindi ko rin malilimutan iyong scene na nasa cr pala siya at hindi niya ni lock ang pinto dahil kampante raw siya na walang papasok sa oras na iyon. Pero nagkakamali siya. Iyong mga barkada niya ay nasa salas samantalang kami ni mama ay naglalaba sa labas. Inutusan ako ni mama na kunin ang ibang sabong powder doon sa cr.

Hindi ko inakala na may tao pala sa cr kasi nga hindi naka lock. E ako binuksan ko agad ang pinto. Ay naku jusme! Hindi ko inakalang may isang gwapong nilalang pala doon. Hindi pa nga ako nakakilos noon agad.

Nakahubad siya noon ng upper niya kaya kitang-kita ang shinning abs niya dahil sa pawis. Ang pota! Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko at dahan-dahang pinatalikod sa kanya. Nagtaasan ang mga balahibo ko kahit na hawak lang iyong ginawa niya.

Naramdaman kong humangin sa likod ko at parang nawala na ang kaluskos. Sa puntong ito ipinikit ko na ang aking mga mata dahil baka haharap ulit siya. Pero huli na ang lahat dahil nakita ko naman na ang katawan niya.

Nang naramdaman kong parang wala nang tao sa loob ay hinarap ko ulit iyon. Hindi nga ako nagkakamali wala na siya roon. Nanghina tuloy ako. Ni hindi man lang siya nagsabi na aalis na siya. Ni hindi siya nagpaalam.

This I promise You [ONGOING]Where stories live. Discover now