Chapter 6

7 1 1
                                    

Madame

NAKAUWI na ako sa bahay namin. Quarter to seven pa pala ako nakauwi. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Bakit ang bagal ng oras nung kasama ko ang lalaking iyon?

Maraming tanong ang lumabas sa kanilang bibig at ang una nilang tanong ay bakit daw ako naka pajama! Sabi ko sa kanila na baka ito siguro ang trip ni Carly pero sa totoo ay ang lalaki ang bumili dito.

Nakokonsensya na ako sa pagsisinungaling pero tinatakpan ko lang naman ang nangyari di ba? Nakakahiya kaya! At ayokong paghinalaan ni mama na may jowa na ako, nangako pa naman ako sa kanila na magtatapos muna ako ng pag-aaral.

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang linggo. Kinakabahan ako sa unang pasok ko sa trabaho ko. Tinext lang ni Carly ang exact na lugar sa tita niya.

Naalala ko ang usapan namin nung lalaki bago siya umalis kagabi.

"Pangatlo na! Ibig sabihin pangatlong beses na kitang sinagip!"

"Anong gusto mong mangyari?"

"Ako? Simple lang naman! Magsilbi ka sa akin ng ilang buwan! Hanggang sa matapos na ang kontrata mo sa akin ay malaya ka na! Hindi na ako manggugulo! At sa lunes mo na iyon sisimulan!" sagot niya.

"Kung ganun ilang buwan naman?" Napa-isip siya.

"Okay na siguro ang tatlong buwan?" pabalik niyang tanong.

"Okay sige! Payag ako basta pagkatapos ay hindi mo na ako guguluhin ha? Wala ka nang pakialam sa akin pati rin ako!" saad ko at nakipagkamayan sa kanya.

"Manghihingi rin pala ako ng number mo para ma update kita kung ano-ano ang mga ipapagawa ko sa iyo!" saad niya.

"Deal!" sabay naming sabi. Ibinigay ko sa kanya ang number ko. Kahit ang bigat ng responsibilidad ko sa kanya ay gagawin ko. Tinatanggap ko ang hamon niya bilang kabayaran sa ginawa niya sa akin.

Bumaba na ako at umalis. Hindi na ako lumingon pa. Hindi rin pala siya nagpapakilala sa akin, ganun rin ako.

Pagkapasok ko pa sa amin ay nag text siya.

Unknown number:

Ako ito! Mag reply ka kung natanggap mo ang text ko para malaman ko kung tama ba ang numero na ibinigay mo.

Ako:

Oo natanggap ko!

Hindi na siya nag-reply sa text ko. Ayoko rin munang magpaka-busy sa cellphone dahil may mga mahalagang bagay pa akong dapat gagawin.

From unknown number to Mr. Bossy. Ito ang nilagay kong pangalan sa contact ko. Medyo pangit pakinggan pero wala akong ibang maisip na ipangalan sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan niya.

Naka-base lang kasi ako sa mga kinikilos niya kaya iyan ang naipangalan ko. Sobrang bossy niya kasi talaga.

"Ah ale pwede po bang magtanong? Saan po ba dito ang bahay ni Mrs. Charmaine Valderama?"

"Si Mrs. Valderama ba kamo? Mula dito sa bahay namin, magbilang ka pa ng limang bahay pagkatapos ang pang-anim ay iyon na ang bahay nila!" pagtuturo niya.

Na gets ko naman ang sinabi niya. Pinasalamatan ko siya pagkatapos ay nag paalam na hahanapin ko na ang bahay ni Mrs. Valderama. First time ko pa dito sa lugar na ito. Hindi kasi ako masyadong gumagala.

Bahay at pag-aaral lang ang inaatupag ko. Pero minsan gumagala naman ako kapag sinusundo nga lang ako ni Carly sa bahay namin. Si Carly kasi ang close friend ko at tinuturing ko na parang kapatid kaya ganyan kami ka close.

Nahanap ko na ang bahay ni Mrs. Valderama. Ang ganda ng bahay nila! Sobra! Kahit nasa labas ka pa lang how much more kung nasa loob kana di ba? Hindi naman nagsabi si Carly na mayaman at bigatin pala itong tita niya.

Nag-door bell ako sa bahay. Nag door bell pa ako ng ilang beses tsaka pa may nagbukas. Lalaki ang nagbukas ng gate nila. Siguro ay nasa mga 40's na ang edad nito.

"Nong sadya mo dito ma'am?" tanong niya. Wow ha ma'am agad? Pero sige na nga baka sanay lang siya.

"Hello po kuya! Nandito po ba si Mrs. Charmaine Valderama?" tanong ko. May nakita akong babaeng sumulpot galing sa likuran ni kuya. Ang ganda niya. Ang kinis pa ng balat at ang puti. Parang siyang greek goddess!

"Ako nga iyon hija! Bakit? Anong sadya mo?" tanong niya. Mahinhin pa siya kung makapagsalita.

"Ahm magandang umaga po! Ako nga po si Ashley Juarez!" pagpapakilala ko at yumuko sa kanila bilang pagbigay respeto. Nakakahiya naman kung makikipag-kamayan ako sa bigating tao di ba?

"Oh, Carly already told me about you! So ikaw pala ang mag-ta-trabaho sa akin? Sorry kung kada linggo lang ako magpapalinis! Okay lang ba sayo?" pagpapaliwanag niya. Naglakad na siya papunta sa mansion nila habang nakasunod naman ako.

"Okay lang naman po madame! Mabuti naman po ang schedule na ito!" saad ko at nakasunod pa rin ako sa kanyang likuran.

Nahinto lang kami sa paglalakad ng nasa salas na pala kami. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda talaga ng bahay nila.

"Ito ang salas namin!" aniya. Nanatili pa rin akong nakatayo. Naglakad ulit siya at nasa likuran niya ulit ako. Kanina pa pala umalis iyong lalaki na nagbukas sa akin ng gate. Siguro driver siya o hardinero.

"Ito naman ay ang kusina namin!" saad niya ulit.

Tahimik pa rin akong sumusunod sa kanya hanggang sa natapos na siya sa paglilibot. Sabi niya na pupuntahan ko lang siya sa garden nila kapag natapos na akong magbihis ng uniporme.

"Magsisimula na po ako madame!" ganadong saad ko. Siyempre unang pasok ko sa trabaho at ito rin ang una kong trabaho kaya dapat maging masipag tayo!

"Okay! Ikaw na ang bahala doon! Pwede bang ang mga kwarto ang una mong linisan doon hija?" sagot niya.

"Opo, okay po!" tumango lang siya at umalis na ako doon at tsaka bumalik na sa salas. Umakyat na ako para simulang linisan ang dulong kwarto.

Ilang kwarto kaya ang narito sa bahay? Ang laki kasi at para bang walang katao-tao. Parang sila madame lang at ang lalaki kanina ang nandito.

Ang tahimik rin sa bahay na ito. Talagang sila si madame lang ang nandito? Pero sabagay ganito naman talaga ang mga mayayaman!

Natapos ko ng linisan ang dalawang kwarto mula doon sa pinakadulo kaya ito naman ang pangatlo! Tatlong kwarto lang pala ang meron dito sa dalawang palapag. Itong kwarto rin ay ang katapat ng hagdan.

Sa dalawang kwarto ay tahimik at parang napag-iwanan na ng ilang taon. Medyo madami na rin ang mga dumi doon pero dahil sanay akong maglinis ay nalinis ko iyon agad.

Samantalang dito sa kwartong 'to. Maganda siya kulay gray ang pintura. Samantalang sa dalawang kwarto doon ay kulay puti lang. May mga picture na nasa frame rin na nakalagay sa mesa. Ang cute naman ng batang to! Chubby cheeks at tsaka ang singkit ng mga mata lalo na kapag tumatawa ay natatabunan ang kanyang mga mata.

May picture rin ang batang ito na fierce ang pose, ang cute niya pa rin kahit saang anggulo. Sa kabila naman ay may kasama siyang babae, naka-upo ang babae samantalang naka-upo rin sa lap ng babae ang batang lalaki. Ito pala ang batang Charmaine Valderama. Kumpara ngayon ay may iba na sa mukha ni madame may mga make up na kasi samantalang dito sa picture ay wala siyang make up.

Kahit simple lang si madame noon ay maganda siya. Lalo na ngayong may make up na siya. Hindi ko na napigilan, kinuha ko na ang isa pang picture ng binatang lalaki. Familiar siya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita. Nahinto rin ako sa paglilinis dahil sa kakatitig sa picture.

This I promise You [ONGOING]Where stories live. Discover now