Chapter 4

3 1 0
                                    

Mysterious Guy

MATAPOS ang morning class namin ay nag lunch na kami sa cafeteria. As usual, libre na naman daw niya. Pero hindi ako pumayag, mas gusto kong ako na muna ang bibili para sa sarili ko.

Umupo kami ngayon sa pinakadulo malapit sa pinto ng cafeteria. Kaming dalawa lang din ni Carly dito. Wala pa akong masyadong kaibigan kasi nga kasisimula pa sa klase. Hindi katulad ni Carly na may nakilala na siya dahil nga medyo attractive siya sa paningin ng iba hindi kagaya ko na parang yaya niya lang.

"Bes! Ba't tahimik ka? Nakatulala ka rin!" tanong niya.

Nakabalik ako sa ulirat ko nang narinig kong nagsalita siya. Hindi gaanong clear ang narinig ko galing sa kanya. Kaya nagtanong ulit ako.

"Ha? Anong sabi mo bes? Sorry hindi ko gaanong klarong narinig!" sagot ko.

"Ano bang problema mo bes? Ba't kanina ka pa tulala diyan?" tanong niya.

"Wala! Iniisip ko lang kung nakahanap na ba ng trabaho si kuya!"

"Hindi pa rin nakahanap ng trabaho si kuya Angelo hanggang ngayon?"

Umiling ako. Sana makahanap na si kuya ng trabaho. Para naman masiyahan na rin si mama. Para din madagdagan na ang perang pambili namin sa araw-araw.

Pumasok ulit kami sa room para sa afternoon class namin. Pagpapakilala lang muna ang una naming ginawa. Medyo may kilala na akong mga pangalan sa mga kaklase ko pero lahat ng iyon ay mga babae.

Ayoko munang makipag-kaibigan sa mga lalaki dahil hindi ko pa sila gaano kakilala. Pero kung lalapit sila sa akin ay pakikitunguhan ko naman sila ng maayos. Ayoko namang magmukhang suplada sa kanila dahil bago lang naman ako dito.

Ayoko ring tumulad sa ibang babae dito na lalaki lang ang habol. Na porket mga mayaman sila ay hindi na sila maghirap sa pag-aaral at tanging lalaki lang ang aatupagin nila.

Ako? Ang gusto ko lang naman ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral nang sa ganoon ay matulungan ko sila mama at kuya. Gusto ko ring makapagtapos ng pag-aaral si kuya. Iyon ang isusukli ko kay mama dahil sa kanyang pagsasakripisyo at paghihirap.

Natapos na ang klase ay dumiretso na kami sa sasakyan ni Carly. Ihahatid niya ako. Iyon ang sabi niya na araw-araw niya akong susunduin at ihahatid. Nakakahiya man pero pinipilit niya ang gusto niya.

Sasakay na sana ako kotse nila pero nahagip ng paningin ko ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo noong nakaraan araw. Imbes na sasakay ay hinabol ko siya. Sobrang layo niya at imposible na makita niya ako. Habang siya naman ay nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol ko siya dahil gusto kong isuli itong panyo niya. Nilabhan ko ito at nilagyan pa ng fabric conditioner. Nakakahiya naman kung isusuli ko itong hindi mabango dahil binigay niya ito sa akin na mabango at dapat isusuli ko rin itong mabango.

Narinig kong tinatawag pa ako ni Carly. Hindi ko na siya nilingon dahil baka mawala sa paningin ko ang lalaking ito. Tumitingin pa sa akin ang mga taong nadadaanan ko. Well, wala akong pake sa kanila.

Ilang dipa na ang layo namin ngunit sa kasamaang palad ay natisod ako sa bato. Akala ko ay babagsak ako sa daan pero nasalo niya pala ako. Buti ay napansin niya ako at nasalo pa.

Ilang segundo ang titigan na ginawa namin pero pinatayo niya na ako ng maayos. Nasa bulsa ko lang ang panyo niya samantalang naiwan ko pala ang bag ko doon sa kotse ni Carly. Kinuha ko na sa bulsa ang panyo at ibinigay sa kanya.

"Salamat nga pala sa pagpapahiram! Heto! Huwag kang mag-alala dahil mabango naman iyan!" pormal kong sabi.

"Wag na!" sagot niya at tumitingin sa mga tao sa paligid.

Hanggang ngayon parin ba ay nakatingin pa rin sila? Napaka-chismosa naman nila.

"A-anong huwag na? Malinis at mabango naman iyan!" angal ko.

Hindi siya sumagot at lumapit siya sa akin. Mas lalo pa siyang lumalapit hanggang sa naramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga.

"Huwag na dahil mas kailangan mo 'yan ngayon!" bulong niya. Nanatili pa rin siya sa kanyang posisyon.

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Anong kailangan? May panyo naman na ako dito kaya hindi ko na ito kailangan. O baka nag-iinarte lang siya? Baka nandidiri lang siya?

"H-hindi ko naman na ito kailangan dahil may panyo naman ako!" sagot ko.

Mukhang mas naiinip siya dahil nagtagal pa ang pag-uusap namin. Hindi ako komportable sa posisyon namin dahil hanggaang ngayon ay malapit pa rin siya sa akin. Hindi na siya sumagot at lumayo sa akin.

Akala ko ay aalis siya pero hinubad niya ang jacket niya na kulay itim. Siguro ay naiinitan siya kaya niya hinubad. Inilahad ko ulit ang panyo ngunit lumapit ulit siya sa akin.

Sa puntong ito ay akala ko'y yayakap siya sa akin. Pero mali pala! Yung jacket na hinubad niya ay nilagay niya sa beywang ko. Tinali niya iyon at bumulong sa akin.

"Dalawang beses na!" aniya.

Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa ginawa niya ngayon. Hinubad niya lang ang jacket niya at ngayon ay nasa beywang ko na. At ang huli itong sinabi niya. Anong dalawang beses? Hindi ko siya maintindihan.

Lumayo ulit siya sa akin at nagsalita ulit.

"Paano ba yan! Naiwan ka na ng sasakyan niyo!" saad niya.

Bumaling ako sa likod. Oo nga hindi ko na mahagilap ang sasakyan ni Carly. Ayos lang sa akin na maglakad wala namang problema iyon sa akin. Bumaling ulit ako sa kanya at sinagot siya.

"Ayos lang maglalakad na lang ak—" naputol ang sinabi ko dahil sumingit siya.

"Seriously? Maglalakad ka? Are you out of your mind? Sa ganyan pang sitwasyon?" sunod-sunod niyang tanong. Medyo naiinis na siya base sa tono niya.

Anong problema nito? Bakit namomroblema siya kung maglalakad ako? Hindi naman iyon big deal! At tsaka sanay naman na akong maglakad kaya walang problema iyon.

Tinitigan ko siya. Ang perfect niya! Sobra! Ang kinis pa ng mukha. Ngayon ko lang din napansin na medyo makapal din pala ang kanyang pilik-mata. Walang mga bakas ng peklat at pimples kung meron nga lang. Ano kayang skincare ang ginamit niya?

"HOY!" inis niyang saad at pinitik ang noo ko. Hindi naman gaano ka lakas ang pagpitik pero naramdaman ko ang kirot. Kaya nainis ako sa ginawa niya.

"Bakit ba? E wala namang problema kung maglalakad lang ako di ba? Bakit big deal iyon sayo?" inis kong saad. Naiirita na ako sa kanya ngayon.

"Hindi mo ba nahahalata? O naramdaman man lang?"

Heto na naman siya. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Kanina pa siya sa mga sinasabi niya ah. Naiirita na ako ni hindi niya man lang dinediretso ang sasabihin niya. Pinapabitin niya lang lalo. Gusto kong matapos na ang pag-uusap namin.

"Bakit? Anong nahahalata? Anong nararamdaman ha?" naguguluhan kong tanong.

"May tagos ka miss! Hindi mo ba nararamdaman na may period ka ngayon? O yung sumasakit ang puson mo?" aniya. Medyo sumeryoso ang tono niya.

Putek! Para akong nabingi sa sinabi niya. Iniisip ko kung ngayon nga ba talaga ang dalaw ko. Napaka-traydor naman! Naalala kong paparating nga talaga at base sa pag kalkula ko ay ngayong week ang dalaw ko.

Nakakahiya naman. At mas lalo lang akong nahihiya nang maalala kong kaya niya pala hinubad ang jacket niya para matakpan ang tagos sa likuran ko. Feeling ko namumula na parang tamatis itong pisnge ko.

Hindi na ako makatingin ng maayos sa lalaking nasa harap ko. Habang siya ay nakatingin sa mga taong nasa paligid. Nahihiya na rin ako sa mga tao. At mas lalong nakakahiya kung maglalakad lang ako pauwi.

Saan ba ako nito patungo? At tsaka naiwan ko pala ang bag ko sa kotse ni Carly. May laman pa naman iyong napkin. Palagi akong may dalang isa o dalawang napkin dahil baka matagosan ako at nagkatotoo nga ang pangyayaring ito.

Ang kapal naman ng mukha ko kung makikisakay pa ako sa lalaking ito. Hindi ko siya kilala at baka saan niya ako dadalhin. Pero hindi naman masama kung manghihinge ako ng pabor di ba?

This I promise You [ONGOING]Where stories live. Discover now