Chapter 2

8 1 0
                                    

Nakapasa

"Ma aalis ulit ako ngayon! Maghahanap ulit ako ng trabaho!" saad ni kuya.

Napatingin ako sa kanya pati na rin kay mama. Sa mga mukha nila ay para bang may malaking problema. Pero iyon naman ang totoo. May problema naman kami. Mga bayarin sa kuryente, sa tubig, sa pang araw-araw din naming bilihin. Isama pa itong pagko-kolehiyo ko.

Nag-apply naman ako ng scholarship at pasado na ako kaya ang tanging inaantay ko lang ay kung pasado ba ako sa unibersidad na gusto ko.

"Ahm ma, may sasabihin po sana ako!" singit ko sa kanilang dalawa. Magkasabay pa silang napalingon sa akin.

"Ano iyon anak?" tanong niya.

Kinakabahan tuloy ako. Alam kong ayaw kasi ni mama na magtatrabaho ako. Ang gusto niya lang ay uunahin ko ang pag-aaral at iyon ang aatupagin ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero bahala na atleast alam nila.

"Ma! Ahm may nahanap kasi akong trabaho!" nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko. Kumunot naman ang noo ni mama.

"Tapos?"

"Ano po kasi! Ahm magtatraba—" naputol ang sinabi ko.

Padabog na nilagay ni mama ang tinidor sa lamesa at tiningnan niya ako ng masama. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kontra talaga siya sa desisyon kong ito.

"Eto na naman tayo Ashley! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pag-aaral ang pagtuonan mo ng pansin? Hindi ba iyon pumasok sa kokote mo Ashley? Simple lang naman ang hinihingi ko diba? Bakit mahirap sayong gawin? Ang tigas talaga ng ulo mo!" sa puntong ito ay pasigaw na ang pagkakasabi niya. Nakakatakot naman kung magalit si mama.

Bumaling muna ako kay kuya bago ako sumagot kay mama.

"Ma, hindi ko naman po pababaya—" naputol ulit ang sasabihin ko.

"Anak naman! Hindi pababayaan? E paano kung nasiyahan kana sa ginagawa mo? Na enjoy na enjoy ka na? Paano na?"

"Ma! Magtiwala naman po kayo sa akin oh! Gusto ko rin pong tumulong sa inyo ma!" pagmamakaawa ko. Natahimik kami saglit.

Naaawang tumingin sa akin si kuya. Masama ba ang tumulong? Bakit ganito sila umasta?

Tumayo siya at nakapamaywang siyang humarap sa amin. Nakataas pa ang isang kilay niya. Siguro ay kumalma na ito.

"Okay! Sige! Iyan ang gusto mo di ba? Desisyon mo iyan Ashley! Papayag na ako pero huwag mong ibigay sa amin ang pera mo ha? Iponin mo nang sa ganon ay may panggastos ka sa pag-aaral mo!" saad niya.

Tila nag-iba na ang desisyon niya. Pinayagan niya na ako. Hindi na rin siya gaanong galit. Napalitan nang tuwa ang kaninang takot na nararamdaman ko.

"Ok po ma! Pangako po!" sagot ko. Tumango lang siya at bumaling kay kuya. Pati rin ako ay napabaling na rin sa kanya.

"At ikaw Angelo! Maghahanap ka pa rin ng trabaho! Pati rin ako ay magpapatuloy sa pagtitinda!" saad niya na ngayon ay kay kuya parin nakatingin.

Tumango lang si kuya bilang sagot. Umupo ulit si mama sa lamesa at pinagpatuloy ang pagkain namin. Nauna na akong matapos dahil may gagawin pa ako.

Napatingin ako sa phone nang mag vibrate ito. May nag text. Galing sa unknown number.

Good morning Ms. de la Peña. Congratulations! You are enrolled now in Northern Colleges. Have a blessed day!

Ito ang nakalagay sa text. Yeheyy!!! Salamat sa diyos at pasado na ako! Magandang balita ito para kina mama at kuya.

Bumaba ulit ako at sinabi ko sa kanila na pasado ako. Sobrang saya nila nang nalaman ito. Excited na akong pumasok sa school dahil pangarap ko rin ang makapasok dito.

Nag text rin ako kay Carly to inform na pasado ako.

Ako:

Bes! Pasado ako sa university na iyon! Sobrang excited akong pumasok doon!

Carly:

Congrats bes! Mag-celebrate tayo mamaya!

Ako:

Ok! Sige bes mag text ka lang ulit mamaya kung saan natin gaganapin. See you! I love you!

Carly:

Sige bes! See you mamaya! I love you too!

Kanina pa nakaalis si mama dahil nilalako niya na ang mga kakanin na niluto niya kanina. Si kuya naman ay wala rin dito dahil naghahanap pa rin ng trabaho.

Nilinis ko ang buong bahay pagkatapos ay nagluto nang sa ganoon kapag umuwi na sila ay may nakahain na na pagkain.

Dumating na ang dapit hapon at naunang umuwi si kuya. Pagod siya. Kumuha ako ng baso na may lamang tubig at ibinigay iyon sa kanya.

"Salamat Ash!" aniya at iniligay ang tubig sa maliit na lamesa dito sa salas namin.

"Your welcome kuya! Teka bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko at tinuro ang mukha niya.

"Eto naman pagod lang! Hindi pa ba nakauwi si mama?" aniya. Umiling ako bilang tugon.

Tumayo na siya at nagtungo sa kusina. Chineck niya kung nagluto na ba ako. Nilagpasan niya lang ako at nagtungo siya sa kwarto. Ganun din ang ginawa ko. Nagtungo muna ako sa kwarto at chineck ang phone kung nag text na ba si Carly.

Nang may narinig akong kaluskos sa baba ay bumaba na rin ako. Nakauwi na pala si mama. Nadatnan ko siyang hinihilot niya ang kanyang sintido. Sumasakit siguro ang kanyang ulo.

Babad kasi siya sa init buong araw. Medyo nangingitim na rin ang balat niya. Kung saan-saan rin kasi niya nilalako ang kanyang paninda.

Pinapangako ko na sa oras na maging maluwag-luwag na kami at may pera na rin kami ay hindi ko na palalakuin ng paninda niya si mama. Gusto kong ako naman ang babawi sa kanila.

"Oh anak nandiyan ka pala!" aniya. Nabalik ako sa aking huwisyo. Ngayon ay nilipat niya na ang kanyang tirang paninda at ibinigay sa akin. "Oh eto kainin mo iyan! Nang sa ganon ay tataba ka na rin kagaya nang kuya mo!" aniya at inabot sa akin ang kakanin na natira.

"Salamat ma!" sagot ko at tinananggap iyon. Inalis ko na ang plastic na nakabalot at sinimulan na itong kainin.

Binibilang ni mama ang perang kanyang kinita.

"Nakauwi na ba ang kuya mo Ash?" tanong niya. Tumango ako. "O siya, tawagin mo na iyon nang sa ganon ay maghapunan na tayo!" aniya.

Nasa hapag na kami at kumakain. May ibabalita pala ako kay mama ngayon. Magpapaalam pala ako na may lakad kami ngayon ni Carly. Tahimik lang kaming kumakain at tangin tunog lang ng kutsara ang maririnig.

"Ah ma, may lakad pala kami ngayon ni Carly! Pwede po ba akong sumama sa kanya?" pagpapaalam ko.

"Anong oras kayo uuwi anak?" tanong niya.

"Mamayang 9 pm ma!"

"Okay sige mag-ingat kayo doon. Umuwi kayo sa tamang oras ha? Huwag magmatigas ang iyong ulo!" paalala niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis ako ng panglakad. Kakain lang daw kami diyan sa murang restaurant. Ako lang ang nagsabi sa kanya na sa mumurahin lang kami kakain dahil tama lang ang pera na dinala ko.

Ayaw niya pa sana dahil gusto niya ay doon kami sa medyo mahal pero nagmatigas ako. Siya naman daw ang magbabayad pero ayoko pa rin. Gusto ko ako mismo ang magbayad dahil nakakahiya naman kung magpapalibre ako.

This I promise You [ONGOING]Where stories live. Discover now