Chapter 7

7 1 0
                                    

Sakay

INAALALA ko kung saan ko siya nakita. O siguro kamukha niya lang ito. Lahat kaya tayo may kamukha kaya siguro ay kamukha niya lang ito.

Ibabalik ko na sana sa mesa pero may nahawakan akong papel sa likod ng frame. Napaka-alamera ko naman kung bubuksan ko pa ang papel na ito.

"SINO KA?!" pasigaw na saad ng boses na lalaki. Sa tono pa lang ay naiinis na. Hinay-hinay akong humarap sa kanya. Nakakatakot naman!

"IKAW?!" sabay naming saad. Geez baka guni-guni ko lang ito. Pero nagsalita naman siya di ba?

Napatingin ako sa katawan niya. Shit! Bagong ligo kasi siya kaya nakatapis lang ng tuwalya ang hanggang beywang niya lang kaya kita ko ang abs niya. Shit!

Shinning abs! Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya papunta sa katawan. Plus six pack pa! Ang yummy! Ay este ang sakit sa mata!

"Anong ginagawa mo dito? Trespassing ka ah! Pinagnanasahan mo pa ang katawan ko!" seryosong sabi niya.

Nakita kong naglakad siya papunta sa gawi ko. Nilagpasan niya ako at tiningnan ko naman siya. Kahit nakatalikod siya ang sexy niya pa rin tingnan. Nagtungo pala siya sa closet. Nasa likod ko lang pala ang closet?

Shit! Dali-dali ko siyang tinalikuran! Lalabas na lang ako at mamaya na ako babalik dito kapag tapos na siya sa gagawin niya. Nakakaabala na ako at hindi ko pa nagawa ng maayos ang trabaho ko.

Lalo na kapag nakatingin siya. Bubuksan ko na sana ang pinto pero mabilis niyang hinawakan ang door knob at pinigilan niya ako sa paglabas.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba o sa takot? Ay bahala na basta hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hinarap niya ako sa kanya at ang likod ko ay nasa pinto na habang ang mukha at katawan niya sobrang lapit na sa akin. Ang kanan niyang kamay ay nakasandal na sa pinto, nasa gilid lang ng ulo ko. Habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa gilid ng beywang ko.

"Are you planning to escape me huh?" seryosong saad niya at tumingin siya sa suot ko. "Wearing a maid's uniform?" hindi ako makasagot dahil sobrang lapit niya talaga sa akin.

Mas lalo lang niyang linapit ang lips niya sa akin at dahil sa takot ay pinikit ko na lang ang mga mata. Lord! Ano ba itong pinasok ko?

Narinig ko ang halakhak niya. Medyo lumayo na rin siya sa akin. Hanggang ngayon pa rin ba ay wala pa siyang t-shirt?

"Dreaming?" seryoso niya ulit na sabi. Bakit ba hindi ako makasagot? Bakit ba walang salita ang lumalabas sa bibig ko? Ano bang ginawa mo sa akin Mr. Bossy?

"Mag damit ka nga!" sa wakas ay nasabi ko rin!

"Ba't naman ako susunod sayo? Don't you remember our deal? At isa pa nandito ka sa teritoryo ko!" nag smirk siya.

Pinandilatan ko na lang siya at tinalikuran ulit siya. Lalabas na muna ako. Nakakailang kapag kaming dalawa lang dito. Ba't lock? E kanina hindi naman ah! Ang daya talaga ng lalaking ito. Hinarap ko ulit siya ay nakangiti pa rin. Ipinakita niya ang susi at iwinagayway.

"Anong bang kailangan mo ha?" medyo nairita na ako sa kanya.

"Wala lang! Gusto ko lang na pagtripan ka!" simple niyang sagot.

"Tsk! Buksan mo na nga ang pinto! Marami pa akong gagawin doon sa baba!" saad ko.

"Oh ba't baba ka na agad? Hindi ka pa tapos dito baba ka na? Tapusin mo muna dito!" seryoso niyang saad ulit. Hindi na rin siya nakangiti. Nakapa-bossy talaga nito.

Imbes na lalabas na sana ay nagpatuloy ulit ako sa paglilinis. Natapos na pala ako sa paglilinis sa side table niya. Ang nakakapagod na gagawin ko ay itong bed niya. Paano ba naman nakahiga siya dito. Anong gusto niya, buhatin ko siya?

This I promise You [ONGOING]Where stories live. Discover now