CHAPTER 11

2.5K 90 20
                                    

CHAPTER 11

Tristan's P.O.V

“Tumabi ka...” seryoso kong utos kay Yanna na haharang-harang sa dinadaanan ko. Pero nakatunganga lang siya kaya tinignan ko siya.

“Are you deaf? I said tumabi ka.”

Humarap siya sakin at pinagkrus ang braso niya.“ Ang laki ng daan Sir!sobrang taba mo ba na hindi ka magkasya dyan?”

Did she just called me Sir?

Tinapunan ko siya ng masamang tingin at tsaka ko lang narealized na magkasama na naman sila ni Rian.

Napapadalas na silang magkasama.Pumoporma yata si Rian sa babaeng 'to eh boses tanke naman.

Tinignan ko si Rian at tinapunan siya ng masamang tingin bago umalis sa harapan nila. Sumasakit mata ko sa pagmumukha nilang dalawa.

Dumiretso na ako sa canteen at pagpasok ko sa loob ay tanaw ko na agad sina Stanley at iba pa naming classmates na naka-upo sa gilid ng glass window katapat ng lamesa nina Irene kasama ng mga barkada niya. I looked at Irene but she seems so busy of her cellphone.

Katext na naman niya yung boyfriend niyang akala mo pinaglihi sa Xondrox sa sobrang puti.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at lumapit kina Stanley. Pagkalapit ko sa kanila ay tumabi ako kay Stanley at tinapik siya sa balikat.

“Bro...”

As usual tinignan lang ako tapos binalik ang tingin niya sa pagkaing nasa lamesa. This past few days naninibago ako kay Stanley. Palagi nalang siyang tulala, nakikinig ng musics at bigla-biglang nawawala every weekends.

Kumuha ako ng isang slice ng Pizza at kakainin ko na sana nang bigla nalang inagaw sakin ni Vince ang Pizza na hawak ko at kinain niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero ngumisi lang ito.

“Sorry Bro, nagugutom ako eh.” sabi niya at tumawa ng malakas kaya naman ay napatingin samin ang ibang students dito sa loob ng cafeteria.

“You know what Vince? change yourself. Hindi yung patay-gutom ka parin kahit kanina ka pa kumakain.”

“Hayaan mo na yan si Vince bro. Hindi yata kumakain bago umalis ng bahay.” sabi ni Adrian.

“Oo nga, kung makakain dito sa cafeteria ng school, Akala siguro niya kusina ng bahay nila.” sunod namang Sabi ni Rylle habang ngumunguya-nguya ng Burger.

Tinignan ko naman si Stephen. Busy lang ito sa kakatipa ng Cellphone niya.Malamang si Charity na naman yang tinetext niya.

“Stephen.” tawag ko sa kaniya.Lumingon naman siya sakin at napapansin ko na natutubuan na siya ng eyebags. Kakaiyak niya siguro 'to gabi-gabi.

“Bakit?”

“Hayaan mo nalang kaya 'yang si Charity. Total hindi ka na naman nirereplayan niyan. For sure she already moved-on. Ikaw?kailan mo planong mag-move-on?” tanong ko sa kaniya at di sinasadyang napatingin ako sa likod niya kung saang part naka-upo si Charity kasama ang mga kaibigan niya at may katabi itong lalaki na nakikisabay sa tawa ni Charity. Binalik ko naman ang tingin ko kay Stephen na ngayon ay nakakunot ang noo.

“What do you mean Tristan?” naguguluhang tanong niya.

“I said, mag-move-on ka na. Marami pa namang babae diyan na nagkakandarapa sayo. I'm sure nakamove-on na si Charity, masaya na yun sa iba at ikaw lang 'tong naghihirap ngayon.” bored kong sagot.

“Stop it Tristan.” sita sakin ni Steve kaya nilingon ko siya.

“Sinabi ko lang 'yon Steve para matauhan yang kambal mo na hindi na siya mahal ni Charity.” sabi ko kay Steve.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon