CHAPTER 63
A/N: Grammatical and typographical errors ahead.
:Bitin ba yung chapter 62?Pasensya na Pearls.Yung pinsan ko kasi sobrang atat umuwi kesyo alas dose na raw kahit alas onse pa naman ng gabi.Yung Wifi kasi namin nasa kabilang bahay namin nakakabit.Dito sa nilipatan namin wala pa kasing kuryente kaya hindi pa malilipat yung Enternet connection namin,Plus 13% nalang cellphone ni Mama.Pasensya na talaga.Anyways keep safe pearls!and don't skip your meals too!iwas-iwas po kayo sa init ng panahon at pati sa maling tao ay umiwas na rin kayo😊.
SHIANNA ZENAIDIE
Nakasimangot akong sumunod kina Tita Sandra at Tristan na pumasok sa bahay.Pagpasok ko ay nadatnan ko ang Quirky na nakangiting nakikipag-usap kay Tita Sandra sa sala.
Ows?masaya ka na sa lagay na yan?ako dito nabubuwesit na sayo Opo yes po tama!kaniinis!
Lumingon si Tristan sa gawi ko at ngumiti sa'kin.Napapadalas na pagngiti niya huh?pansin ko lang mga labin-dalawang beses na siyang ngumiti ngayong araw eh.Masaya siguro 'to na palaging nakasimangot ang mukha ko.
Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan.
“Tita sa taas po muna ako.Magpapalit lang ako ng damit.” agaw ko sa atensyon ni Tita.Lumingon naman ito kaagad at ngumiti.
“Bilisan mo sa taas Shianna para makapaghapunan na tayo.” bilin sa'kin ni Tita.
“Opo!” sagot ko naman nang na sa kalagitnaan na ako ng hagdan.
Pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa aking kama at pinikit ang aking mga mata.
Ang stress-stress ko na.Nalilito na ako.Siguro hindi pa ako nakakagraduate,nasa isang selda na ako at nakasuot ng puting gown.In short na sa mental na siguro ako nang hindi pa natatapos ang taon.
Kung noon ang pinoproblema ko lang ay ang pagiging basagulera ko.Ngayon ay dumoble na ang problema ko.Hindi man ako basagulera.May tao na yatang sisira ng buhay ko ng maaga.
Ginulo mo talaga buhay ko Tristan eh.
Ahy hindi niya pala ginulo beng!niyanig niya buhay ko oo!shutangina siya!Kainis!Bwiset!
“Ayoko na yatang maghapunan.Bahala sila,hindi ako lalabas ng kwarto na'to.Mamayang madaling are nalang ako kakain.” mahinang bulong ko sa sarili ko.
Minulat ko ang mga mata ko at huminga ulit ng malalim.Tumayo na ako at pumasok ng banyo para maglinis ng katawan.
TRISTAN JAKE
“Mabuti nalang at naihatid mo si Shianna pauwi Tristan.Nagtext kasi sa'kin si Zander na matatagalan siya sa pag-uwi.Naku yung batang yun matigas pa naman ang ulo.Kapag siya lang mag-isang umuwi,baka gabi na makakarating yun sa bahay dahil sasaglit na naman yun sa Ice Cream Parlor dun sa unahan ng bahay namin.” mahabang sambit ni Tita.Napangiti nalang ako at umiling dahil sa sinabi ni Tita Sandra.
Mahilig pala yun sa Ice Cream?Akala ko walang favorite yun dahil sa nakikita ko lahat yata ng pagkain nilalantakan.
“Sinabi niyo pa Tita.May pagkamatigas talaga yung ulo ni Shianna.” natatawang sagot ko.
Nagkukwentuhan lang kami ni Tita hanggang sa lumingon siya sa may hagdan.
“Asan na ba yung batang yun?Bakit hindi pa rin bumababa hanggang ngayon?” nagtatakang tanong ni Tita.Tumingin ito sa'kin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETED
Novela JuvenilWELCOME TO SAINT CELESTINE HIGH SCHOOL! Isang skwelahan kung saan mayroong section na naiiba sa ibang Section. Section na pinangungunahan ng lalaking nagngangalang Tristan Jake Claveliena. Ang "SECTION Z" Ngunit sa di inaasahang pagkakataon,may isan...