Kefálaio 2

42K 1.1K 649
                                    

-

It's already 4:30 pm nandito ako ngayon sa locker room nagbibihis kasama si Gabriella nag shower kasi kami kakatapos lang ng practice namin,yes kasama si Gab sa varsity she's libero of our team.

Mamayang 5:30 kami magkikita ni ate Xav sa bar, buti na lang talaga nag aya si Ate Xav gusto ko rin uminom at mag chill.

"Hey, anong time tayo pupunta?" Gab asked, which made me look at her.

"Sino ba may sabing kasama ka?" pang aasar ko rito, inirapan naman ako ni gaga.

"Akala mo talaga hindi kaibigan no, nandoon si Luis malamang bar nila yon edi s'ya kasama ko. Hindi ka naman gold." barumbadong sagot nito.

"Who cares, btw mauuna nako uuwi pako sa bahay para makapag ayos." bulalas na sagot ko.

Naglalakad na'ko papuntang parking lot ng school para umuwi at makapag ayos, may nahagilap akong pamilyar na babae nakatalikod s'ya mukhang may problema ata sasakyan n'ya.
Nang makarating ako sa kinatatayuan n'ya tama nga ang nasa isip ko si Miss Maureen nga 'to nasa malayo pa lang kasi ako I still smell her feminine scent. "Miss Maureen you need help?" magalang na tanong ko. Hindi man lang ako kinibo, parang wala s'yang narinig.

"Miss Ortiz." pagkuha ko sa atensyon n'ya.

"I told you to not call me on that way!" she said habang naka taas ang isang kilay n'ya

"I'm sorry Miss Maureen, hindi n'yo po kasi ako kinikibo. Nagtatanong lang naman po ako kong kailangan nyo ng—" hindi ko pa natutuloy ang paliwanag ko ng bigla s'yang nagsalita

"I don't need your help Miss Varcaesca, just leave me alone." she said in her cold voice

Ganito ba talaga s'ya? Ako na nga tong nagmamagandang loob, edi bahala s'ya sa buhay n'ya gusto ko ng umuwi at mag pahinga ng kunti para ready ako mamaya uminom kasama si Ate Xav. Hindi nako nagsalita ako naglakad na lang paalis sa pwesto n'ya habang papunta kong nasan naka park yong sasakyan ko.

Hindi pa ako nakakalis biglang may kumatok sa bintana ng Ferrari ko, agad ko naman binuksan ito laking gulat ako na si Miss Maureen pala. Nagbago siguro isip ni Ma'am kaya s'ya nandito.

"Gu-Gusto n'yo po bang sumabay Miss Maureen." nauutal na sambit ko, she rolled her eyes.

"Isn't obvious?" mataray na sagot n'ya

Ang taray talaga n'ya buti na lang maganda s'ya, I bit my lower lips para pigilan ang pag ngiti kasi kahit mataray s'ya at least sasabay s'ya sakin mahirap na marami pa namang loko loko d'yan sa kalsada, hindi ko naman hahayaan ang future girlfriend kong mabastos d'yan sa kalsada joke.

Ang landi.

Pagkasakay n'ya ng kotse ko hindi na s'ya nagsalita, nagdadrive naman ako palabas na kami ng University.

"Miss Maureen san po ang bahay n'yo? Para alam ko kong san ko kayo ibaba." tanong ko rito, hindi naman ako manghuhula para malaman kung saan s'ya nakatira.

"D'yan na lang sa tapat ng Vuiltor Village." malamig na saad nito

....

Nasa parking lot ako ng bar kung saan kami magwawalwal este maguusap ni ate papasok na rin ako pina una ko na lang s'ya kasi nag park pa'ko.

Pagkatapos kong hinatid si Miss Maureen sa tapat ng Village kong saan s'ya nakatira dumiretsyo na rin ako sa bahay para makapag pahinga at makapag bihis.Mabilis ko namang nahanap si Ate Xav nasa counter s'ya nauna ng lumaklak ng alak.

Tumikhim ako."What's your problem ate? Ngayon lang ulit tayo pumunta dito sa bar siguradong may problema ka." panimulang saad ko

"You, you're my problem Lira." seryosong sagot n'ya

My Heart Only Wants You [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon