Chapter 22

699 13 1
                                    

"B-bye." Iyon ang huling sabi ko matapos nilang magpaalam na aalis na sila at mauunang bumalik sa Manila.

Nakatingin lamang ako kay Chandria na siyang may hindi mapangalanang tingin ang pinupukol sa akin. Ngumiti ako ng pilit. Ni hindi ko mabaling ang tingin sa iba dahil mula kagabi ay iwas ako sa kanilang lahat, matipid sumagot at hindi kayang makipagtagalan ng titig.

Masyado akong nahihiya dahil sa nakita nila kahapon. Ikinahihiya kong nakita nila akong malambot.

Nagmamadali akong pumasok sa loob at bumuga ng hangin nang makaalis na sila. Narinig ko ang pagsunod ng yapak ni Sunshine kaya agad akong naupo at kinalma ang sarili.

"I think we also need to go back in Manila, Haina." Seryosong sabi niya.

Tumango ako. Malamya at tila'y kulang na kulang sa enerhiya.

"You know what..." Pabagsak siyang naupo sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya, seryoso pa rin ang tingin. "We should focus in our studies, iwasan na muna natin ang pag-ibig. We're both young and we still have time to find people who will treat us right."

Nangilid ang luha ko. Suminghap ako at niyakap si Sunshine. Kagabi ni hindi ko man lang sila nakausap ni Chandria dahil sa bugso ng damdamin ko.

"G-gusto ko lang n-naman siya Sunshine...p-pero bakit sobrang s-sakit naman? B-bakit parang...pumapantay sa sakit noong namatay si Kierra?"

Hinagod niya ang likod ko. "Hindi lang simpleng pagkakagusto 'yan, Haina. Mahal mo na siya..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal? Ganoon kabilis? Ilang buwan pa lang kaming magkakilala at masyadong maaga kung mahal ko na agad siya...tanggap ko pa kung gusto ko siya pero kung mahal...parang nagdadalawang isip ako.

Masyadong mabigat ang salitang 'Mahal' para sa isang katulad kong bata pa.

"Rule number one, focus on your studies."

Seryoso akong nakikinig habang nagbibigay sa akin ng rule si Sunshine. Nakasakay na kami sa eroplano at dahil wala naman kaming magawa ay napag-isipan naming magbukas ulit ng topic. At dito kami napadpad.

Tumango ako.

"Rule number two, never ever looked at his eyes."

Tumango ulit ako. Nakakapanghina ang mga mata niya, iyon ang sabi ko kay Sunshine kaya siguro niya isinali sa rules. Masyadong nakakapanghina ang mga berdeng mga mata ni Hiro, na kahit mga buto ko ay natutunaw at bumibigay.

"Rule number three, maghanap tayo ng ibang papable."

Nanlaki ang mata ko. "Akala ko ba focus sa studies?" Nagtataka kong tanong.

Umirap siya. "Syempre, hindi pwedeng aral lang dapat may konting landi rin. Paano kung may gusto sa 'yo ang isa sa mga hearthrob sa school? Hihindi ka pa ba? Syempre, grab na."

Napaisip ako. Bakit parang nadadala ako sa sinasabi ni Sunshine?

Pinaling ko ang ulo at isinantabi ang nasa isip. Sabi ko sa sarili ay pag-aaral ang aatupagin ko pero ngayong nagkakagusto ako sa isang lalaki ay para akong binudburan ng asin.

"Nevermind," sabi niya. "Rule number four, ituring mo siyang hangin just like what he did to your feelings! Akala niya ba siya lang ang marunong makipaghanginan?" Asik niya.

"Anong makipaghanginan, Sunshine?"

"Ewan ko sa 'yo, basta 'yon na 'yon. Last rule, kapag nagsorry siya sa tingin mo anong gagawin mo?"

"Papatawarin siya?" Sagot ko ngunit hindi sigurado.

"Huh? Iyon na agad? Syempre ang rule number five natin ay bawal marupok. Kapag nagsorry huwag agad bibigay. Ang trauma na binigay niya sa 'yo ay unforgettable! Sabihin mo sa aking nakalimutan mo na."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon