The weekend came and I can't believe this is so hard!
I looked at the bunch of articles that I need to read. Napalingon ako kay Hiro na busy sa kausap niya, it was his secretary. Ang nakakagulat nga ay hindi ito sexy at maganda na iniisip ko, dahil lalaki ito! Naloka naman ako sa nalaman, ang iniisip ko kasi ay ang secretary niya ay iyong mga napapanood kong magaganda at nagsesexihang mga babae.
"Read the articles." Malamig na baling niya sa akin.
Suminghap ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Wala akong maintindihan!
Lumingon ulit ako pero sumalubong sa akin ang nakataas niyang kilay.
"That's all, inform the boards for an urgent meeting." Sabi niya sa secretary niya.
Lumabas na ang secretary niya kaya naman tipid akong ngumiti nang magtama ang paningin namin. Walang ekspresyon niya akong tiningnan at naupo sa swivel chair niya.
"How many books you had finish?"
Napaawang ang labi ko dahil sa biglaang pagtatanong niya. Napatingin ako sa hawak na libro.
"Wala pa." Nakanguso kong sabi dahil siguro mahigit benteng libro ito at ang kakapal!
"What?" Gulat niyang tanong. "For 5 hours, you haven't finish at least one book?"
Napakunot noo ako. Anong akala niya sa akin, robot?
"I'm halfway in this book!" Depensa ko sa sarili.
"Halfway." Asik nito. "Stop reading, wala ka rin naman atang naiintindihan diyan."
"Buti alam mo..." Mahina kong sabi at tinabi ang librong hawak.
"What?"
Ngumiti ako ng pilit at umiling.
Bumuntong hininga siya. Mauubos ata ang pasensiya niya sa akin, willing naman akong ubusin iyon.
Naisip ko tuloy kung bakit ganito ako makitungo sa kanya o siguro mas okay na rin ito kaysa maging ilang ako sa kanya. I'm doing my best to make this situation lightly. I want to be comfortable being with him because he is my half-brother...
Right, if he is treating me as his sister, I'll treat him as my brother.
"Kuya Hiro,"
Pareho ata kaming nagulat ngunit mas nauna siyang nakabawi dahil sa sinabi ko.
Dumilim ang tingin niya sa akin at pabagsak na sumandal sa upuan niya. Umiwas ako ng tingin...I didn't mean to call him that! Kung ano-ano kasing iniisip ko!
"What did you say?" Kulang na lang ay manlamig ako dahil sa sobrang lamig ng tanong niya.
Hindi ako umimik. Napatingin ako sa kamay niyang sobrang higpit ng hawak sa ballpen.
"Saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong dahil lalabas ata siya ng opisina niya.
Hindi ito tumingin sa akin, nanatili ang kamay sa doorknob at sobrang higpit ng hawak niya.
"You're not my sister nor my father's daughter, stop pushing it." He coldly said then he open the door and left.
Napaawang ang labi ko dahil sa nakakainsulto niyang sinabi. Ano raw? Hindi niya raw ako kapatid at hindi ako anak ng ama nila...
Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng kakaibang sakit. Para akong itinakwil ng mga magulang ko dahil hindi ako nararapat bilang kasapi ng pamilya. Nag-unahang magsitulo ang luha ko.
Nang tumunog ang pintuan ay agad akong nagpunas ng luha at tiningnan ang pumasok. It's him. Hindi ko na siya tiningnan pa at kinuha ko ang bag na dala at walang paalam na tumungo sa pintuan.

BINABASA MO ANG
Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) Complete
Roman d'amourLa Isla Prinsesa Series #1 Started Date: January 21, 2022 Ended Date: May 28, 2022