Chapter 36

663 14 2
                                    

"Tita," tawag ko kay Tita Naih nang maabutan ko siyang nagluluto ng pinakbet. Nilingon niya ako at mukhang nagulat dahil nakapang-alis ako.

"Where are you going hija?" Pinatay niya ang stove.

Ngumiti ako. "Makikipagkita po sana kina Chandria at Sunshine."

"Gabi na, 'nak. Teka lang," dinukot niya ang cellphone sa bulsa niya at may tinawagan. "Are you busy? No, I have a favor. Pakihatid naman itong si Haina ko sa pagkikitaan nila ng mga kaibigan niya. Eh hayaan mo na at malaki naman na ito. Masyado kang mahigpit. Sige na at baka maisipan niya pang magcommute. Wala! Nagbakasyon lahat ng drivers natin. Oo na anak, sige na. Bye, ingat ka."

"A-ayos lang po kung magcocmmute a--"

"Ay hindi ayos sa akin." Umiling agad si Tita.

"Sa bar po kami, ayos lang po?"

Mukhang nagulat si Tita, nakita ko pang nag-isip pa ito pero agad ding tumango na parang may naisip.

"Okay lang. Enjoy ka ha. Next week ay focus ka na sa trabaho kaya naman i-enjoy mo ito. Napag-usapan niyo na ba ni Kuya Akihiro mo ang pag-alis niyo papuntang La Isla Prinsesa sa susunod na linggo?"

Natigilan ako. It's been months since we last saw each other, dahil kapag pumupunta ako sa kompanya ni Lolo ay lagi siyang wala, tuloy ay ang secretary niya ang naabutan ko at siya ang nagtuturo sa akin sa mga bagay na curious ako at gusto kong matutunan.

"Ayos lang ba hija kung sa mansion niyo kayo tumuloy sa La Isla Prinsesa? Kung magbabakasyon din sina Chandria at Sunshine, you can bring them. Marami namang kwarto sa mansiong 'yon kaya ayos lang kung marami kayo."

Tumango ako. Bakasyon naman namin kaya malamang ay sasama talaga 'yong si Sunshine, lalo na ngayong umalis na siya sa puder ng mga magulang niya. Laging nakabuntot sa akin 'yon.

"Bibisita rin ako roon."

Nag-usap pa kami ni Tita sa ibang bagay hanggang sa may dumating. I didn't expect his presence, lalo na ngayong aalis ako at ganito pa ang suot ko. Natigilan ako dahil sa naisip. Bakit ba nacoconscious ako? Is not that he has a say about what I wear! Lahat ng tao nagbabago, I used to wear conservative clothes but as I was with the two bestfriends I have, I learned to wear clothes that I didn't know I am capable of wearing. And I am not a kid anymore, I should wear the clothes I wanted to.

"Ingat kayo hija, anak, ingatan mo si Haina ha."

Napakagat labi ako at tiningnan si Hiro, ngunit seryoso lang itong naglalaro sa susi niya, pinapaikot sa hintuturo.

"We'll get going ma," paalam nito at tumalikod na.

Tinapik ako ni Tita sa likod bago ako hinayaang sumunod kay Hiro.

"I didn't know you are fond of bar." Sarkastikong sabi ni Hiro. Napatingin ako sa kanya, seryoso lang itong nagdadrive.

"Now you know."

He hissed. Tahimik na ulit kami. Medyo naguilty ako dahil mukha namang maayos ang pakikipag-usap niya pero tinarayan ko.

Tumikhim ako. "Hindi ba nakakaabala?"

"I won't be here if it does."

Naudlot ang guilt ko. Parang gusto ko na lang tuloy siyang taray-tarayan! Bakit ba ganito siya makipag-usap? Wala naman kaming samaan ng loob ah? At ilang buwan din kaming hindi nag-usap tapos ganito pa rin siya makitungo?

"May galit ka ba talaga sa akin?" Hindi ko mapigilang itanong.

"What makes you think?" Kunot noo niyang tanong nang lumingon siya saglit sa akin.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon