Chapter 4

1.1K 16 0
                                    

May groupings daw kami at kailangan daw naming lumabas. Mabuti nga at may nakakausap ako sa room, hindi sila masungit.

"I really like your eyelids, girl! Isang lid lang kasi, ang cute!" Yumapos ang mga braso niya sa braso ko.

Napangiti ako ng hilaw, nahihiya dahil sa sinabi niya. Iyon din daw ang napuna ni Brent sa akin, sabi ni Chandria. Ang sabi nga ni Chandria ay crush daw ako ni Brent dahil sa eyelids ko. Okay lang naman, crush lang 'yon parang pagkacrush ko kay Hiro.

"Huwag mo ngang inisin si Quintero." Sabi ni Xairon. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng tubig. Nasa tambayan kasi kami, iyong mushroom na parang kubo. Apat lang kami kaya naman katabi ko si Sunshine at katapat namin si Xairon at Kent.

"Salamat Xairon."

"Ako ang bumili niyan." Hirit ni Kent na agad kinapok ni Xairon. Natatawa ko silang tiningnan na agad na ikinapula ng mga pisngi nila.

Presko naman ang hangin dito dahil open ang tambayan na ito. Ewan ko lang bakit sila namumula.

"Pera ko naman." Sabi ni Xairon.

"Huwag na nga kayong mag-away! Manhid ang isa rito kaya wala kayong pag-asa." Si Sunshine na natatawa rin sa dalawa.

"Anong type mo sa lalaki, Haina?" Tanong ni Kent habang nakapangalumbaba.

"Hoy, anong type-type? Bata pa 'to! Siya nga ang bunso sa section natin e. Tigilan mo Kent!" Banta ni Sunshine at kinurot si Kent sa balikat.

"Nagtatanong lang." Nakangusong sabi ni Kent.

"Magaling kumanta at marunong maggitara ang attractive para sa akin Kent."

Napahawak si Kent at Xairon sa mga dibdib nila at parehong umaktong nasasaktan.

"Bagsak na agad kayo, kawawang mga nilalang. Oh siya, let's start na."

Napangiti ako ng hilaw dahil hindi ko nagets ang sinabi ni Sunshine, minsan hindi ko sila maintindihan dahil masyadong malabo ang mga sinasabi nila, minsan naman masyadong nakakalito at hindi ko alam kung bakit nila nasasabi iyon. Wala namang konek sa pinag-uusapan namin.

Reporting ang gagawin namin kaya naman hinati namin ang topic. Madali lang pero si Kent at Xairon ay medyo hindi agad nakuha, kaya naman tinutulungan namin ni Sunshine. Ako ang nagtuturo kay Kent at si Sunshine naman kay Xairon.

"Haina," natigil ako sa pagsasalita at pagpapaliwanag kay Kent nang sumulpot si Chandria at nilayo ang ulo ko sa pagkakatunghay kay Kent.  "Let's eat, just continue that later."

"Hi Chandria!" Bati ni Xairon.

"I don't know you." Masungit na sabi ni Chan.

Napangiwi ako dahil ako ang nainsulto sa sinagot ni Chandria.

"Period." Maarteng sabi ni Sunshine at binali pa ang kamay na parang lantang gulay.

"Basag." Sabi naman ni Kent at tinapik-tapik ang balikat ni Xairon. "Okay lang 'yan, pre. Masyado lang tayong pinagkakaisahan ng panahon. Hindi pa siguro para sa ati--"

"Let's go." Hinatak na ako ni Chandria kaya naman gaya nang ginagawa ko kapag hinahatak na niya ako ay kumakaway at ngumingiti na lamang ako bilang paalam.

"Hindi pa ako guto--"

"I'm not asking."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang pinapantayan ko ang lakad niya. Agaw-pansin si Chandria sa mga estudyante, kaya noong mga panahon na magkasama kami o sinasama niya ako sa cafeteria ay nababawasan ang nambubully sa akin. Meron pa namang panunukso pero nabawasan na.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon