Chapter 38

633 14 2
                                    

"Ano pa bang pinunta mo rito ha, Syria?!" Galit na tanong ni Tiyong kinabukasan nang bisitahin ko siya. Kailangan kong malinawan, dahil hangga't hindi niya nasasabi sa akin ang mga dapat kong malaman ay mananatili akong nangangapa sa dilim.

Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Kumusta ka na po?" Instead, I asked him.

"Ano sa tingin mo?" Sarkastikong tanong niya. Napakagat labi ako. "Sobrang saya ko rito, Syria!!" Sigaw nito. Umalerto ang ibang mga pulis at handa nang alisin si Tiyong sa harapan ko pero pinigilan ko sila.

"Konting oras lang po ang binigay sa akin para makausap kayo kaya sana magsabi kayo ng totoo." Nangilid ang luha ko. "G-gusto ko pong malaman lahat-lahat dahil nalilito ako."

He glared at me. "Gusto mong malaman ang lahat?! Sige, makinig kang mabuti dahil ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo!" Galit na sigaw niya. Pabagsak niyang nilagay ang dalawang kamay na nakaposas sa lamesa bago mariing tumitig sa akin. "Ibinigay kayo sa amin ng mag-asawang hindi namin kilala! Ibinigay kayo dahil maraming humahabol sa kanila, hindi ko akalaing may mga interesado sa inyo. At alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay nandirito pa rin ako? Dahil sa potanginang mga Saldivar na 'yan! Aba'y nalaman pa nila 'yong ibebenta sana namin kayo?! Tanginang mga mayayaman 'yan."

Ano raw? Ibebenta?

"Ibebenta?" Hindi makapaniwala kong tanong dahil sa iyon lang ang nakaagaw sa atensyon ko.

"Oo! Pero dahil sa katigasan ng ulo mo, umalis ka papuntang hindi namin alam! Wala kang utang na loob! Matapos namin kayong pakainin, ito ang isusukli mo?!"

Hindi ako nakaimik. Iyong umalis ako rito sa La Isla Prinsesa ay may balak siyang ibenta kami? Pero dahil wala na noon si Ke ay ako lang? Kaya ba siya nakulong o dahil may iba pang dahilan?

"Tiangco! Ano bang koneksyon niyo sa mga Tiangco'ng iyon ha?! Pati kami ni Rose ay nadamay!! Mga wala talaga kayong kwenta! Anong atraso niyo sa mga Tiangco'ng iyon at kung makapaghanap sa inyo'y parang katapusan na ng mundo?! Ano rin 'yong tinatanong nila kung nasaan ang mga papeles ng kompanya ng Lolo niyo kuno?! Mga demonyita talaga kayo ng kambal mong patay na 'no?! Pati kami nadadamay sa mga kawalang kwenta niyo!!"

Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan at hindi na makagalaw sa kinauupuan. Para akong nabato at kahit ang pagkurap ay hindi ko na magawa pa. Kumalabog ang dibdib ko.

"Tama na, bumisita ka na lamang sa susunod na araw." Sabi ng pulis at tinayo na si Tiyong.

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling tumayo. Pinasok ulit nila si Tiyong sa bilangguan. Para akong tanga na lumabas nang wala sa sarili. I even saw people watching me like I am some of specie they first saw.

Pagbalik ko sa bahay ay agad akong tumungo sa kwarto at nilibang ang sarili sa pagtanaw sa dagat mula sa balkonahe ng kwarto ko.

Tiangco. Kanina ko pa iniisip kung saan ko narinig ang apelyidong 'yon, ngayon ko lang naalala. That surname was the reason why my father died. Ibig sabihin...hinahanap nila kami ni Ke? They know that we are Saldivar? Paano? Eh hindi ba noong maliliit pa kami ni Ke nang iwan kami ni Lolo sa mag-asawang nagbigay rin sa amin kina Tiyang?

Gulong-gulo ang isipan ko. Gusto kong kausapin si Hiro pero mukhang wala rin siyang alam maliban sa mga nakasulat sa mga liham. Pero wala namang masama kung magtanong 'di ba? Maybe next time if we are not awkward to each other.

Isang linggo akong nakatambay sa mansion. Hindi ko nakikita si Hiro rito kaya hula ko naghohotel siya, bahala nga siya. Ayoko muna siyang isipin sa ngayon, marami pa akong problema at dumagdag pa ang pagiging paranoid ko nitong mga nakaraang araw na tumatambay ako sa baybayin na para bang may laging nakamasid sa akin. Mabuti na lamang at may mga gwardiya sa malapit sa dagat, hindi ko alam kung nagbabantay ba roon o gwardiya ng mansion.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon