Prologue

35.3K 561 20
                                    

Nakaupo lang ako dito sa isang upuan sa harap ng kwarto ni papa kung saan siya naka confine. Si mama ang nasa loob, kausap ang doktor na tumitingin kay papa. Hinihintay ko na lumabas ang doktora. Ayoko naman ang pumasok sa loob dahil hindi ko kayang marinig ang sasabihin ng doktora sa kalagayan ni papa.

Mahal na mahal ko si papa, parehas sila ni mama. Hindi ko kayang makita sila na nahihirapan. Parang paulit ulit lang na nagpipiraso ang puso ko pagnakikita ko iniinda ni papa ang kanyang nararamdaman.

Nababaon na din kami sa utang. Kung sino sino ang pinag-uutangan namin para lang maipagamot namin si papa.

Naaawa na din ako kay mama dahil kulang kulang siya sa tulog. Nakikita ko na lang siya na natutulog sa tabi ni papa. Lagi niyang pinopoblema ang mga gastusin namin sa hospital. Minsan nakikita ko na lang siya na umiiyak mag-isa. Kaya lihim na lang din ako umiiyak.

Sa murang edad ko pa lang na ito. Nararanasan ko na itong problema na ito. Iniisip ko na parte ito nang pagsubok ng diyos sa amin. Alam ko na malalagpasan din namin itong pagsubok na binigay ng diyos sa amin. Alam kong hindi niya kami papabayan.

Gabi gabi akong nanalangin na sana malalagpasan namin ito.

Pero minsan din, pumapasok na lang sa isipan ko ang mga masasamang bagay. Dahil sa kawalan nang pera at sa pag-araw araw na gastusin.

Minsan iniisip ko na magnakaw na lang ako para may ipagbili kami ng pagkain araw araw at may ipang bayad sa gastusin sa hospital. Minsan pa, iniisip ko na paano kaya kung gagamitin ko ang katawan ko para may magastos lang kami. Dahil nga sa sobrang problemado ako, maraming naglalaro sa isipan ko na mga ganung masasamang bagay. Pero hinding hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon.

Gagawin ko lahat para lang sa pamilya ko. Kahit masama pa siguro ang gagawin ko, hindi lang mawala ang mga mahal ko sa buhay. Kung mahal mo ang pamilya mo, kahit masama gagawin mo. 

Napabalik ang diwa ko ng makita ko na lumabas ang doktora na kausap ni mama sa loob. Kaya agad akong napatayo sa pagkaka-upo.

Nginitian lang niya ako nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.

"Maraming salamat po." pasasalamat ko at binigyan ng isang maliit na ngiti.

Tinapik tapik niya lang ang balikat ko at nagpaalam na siya na may pupuntahan pa daw siyang pasyente.

Himinga muna ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob ng kwarto. Medyo nanginginig pa ang kamay ko sa pagbukas ng pinto.

Nang makapasok ako nakita ko si mama na naka-upo sa side ni papa. Hawak hawak nya ito sa kamay habang umiiyak. Dahil sa nakikita kong umiiyak si mama. May tumusok bigla sa puso ko. Hindi ko kayang makita si mama na umiiyak.

Agad kong iniwas sa kanya ang tingin ko. Napadako ang tingin ko kay papa na nakahiga sa bed at wala parin itong malay hanggang ngayon. Ang dating malusog kong papa, unti unti nang pumapayat. Mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko.

"Ma" mahina kong tawag sa kanya. Nakita ko naman na dali dali niyang pinunasan ang luha sa mata bago lumingon sa akin.

"Oh anak nandito ka na pala. K-kanina ka pa ba d-diyan?" nakangiti na tanong sa akin ni mama.

Bakit kailangan nya pang magpanggap na hindi siya nasasaktan? Alam kong deep inside, nasasaktan na siya. Lumapit naman ako sa kanya. At umupo sa bakanteng upuan.

"K-Kapapasok ko lang, ma. Hinintay ko kasing lumabas ang doktora na tumingin kay papa. Ayoko po naman ang pumasok dahil alam kong naguusap pa kayo ng doktora. At isa pa natatakot ako sa sasabihin ng doktor." simpleng sagot ko kay mama. Pero bulong ang huling sinabi ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now