Sabado
Maaga akong gumising dahil napaginipan ko na naman siya. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang napapaginipan.
Naalala ko kung gaano kasama at kung gaano kagagahan ang ginawa ko noon. Lagi akong binabangungot dahil sa ala-alang iyon.
Paano kaya kung hindi ko ginawa ang bagay na iyon? Baka hindi ko makikilala ang ama ng dalawa kong anak. Hindi sila mabubuo. Hindi ako ganito kasaya. Nang dumating sila sa buhay ko sunod sunod na ang suwerte ko sa buhay dahil sa kanila. Baka hindi mararanasan kung paano magmahal. Noong una hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero mula noong una ko siyang nakilala. Doon ko napatunayan na totoo ang love at first sight.
Kilala ako na hindi mahilig sa lalaki. Marami namang nagkakagusto sa akin noon, pero wala akong pinagtuunan ng pansin. Ang pag-aaral ko lang noon kasi ang pinagtutuunan ko ng pansin. Pero kasamaang palad, hindi ko naituloy ang pag-aaral ko.
Ang goal ko lang kasi noon ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral para maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan. Pero hindi ako nakapagtapos. Dahil na rin sa nangyari kay papa noon.
Nakamit ko ang mga pangarap ko at mga pangarap ng magulang namin sa amin. Kahit nakamit ko na ang pangarap kong iyon, sising sisi parin ako sa nagawa kong pagkakamali noon.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga.
Agad akong tumayo at pumasok dito sa CR sa kwarto ko. Agad akong naghilamos bago puntahan ang dalawa kong anak. Hindi ko alam kung gising na sila.
Inuna ko munang pinuntahan ay ang kwarto ni Nicky. Tama nga ako, tulog parin si Nicky. Maingat kong isinarado ang pinto ng kwarto niya. Agad ko naman sinunod ang kwarto ni Nico... Ganun din siya, tulog parin.
Kaya nagpasyahan ko na lang nabumaba at magluto ng almusal namin.
Hmm. Wala na pala kaming stock ng pagkain. Dapat na pala akong mag grocery.
Nagluto lang ako ng piniritong itlog, ham, bacon at fried rice. Nang natapos akong nagluto. Wala paring nagigising sa mga anak ko. Hay naku, napuyatan siguro ang mga anak ko dahil sa kalalaro maghapon.
Bumalik agad ako sa kwarto ko para kunin ang pinagguguhitan ko ng mga damit o kung ano ano pa.
Agad din akong lumabas at pumunta sa velendra. Dito ko gustong umupo dahil gusto kong makita ang pagtaas ng araw. Ang ganda kasi kung nakikita ko ang pagtaas ng araw habang nagguguhit. Nakakarelax.
Nagsimula naman akong nagguhit. Ang ginuguhit ko ay isang gown. Ang dream gown na gusto kung ikasal ako. Matagal ko nang pangarap ang ikasal at gamit kong gown ay ang sarili kong gawa. Iyon ang pangarap ko noong bata ko. Ang magsuot ng napagandang gown.
At isa pang pangarap ako kung ikakasal ako. Gusto kong garden wedding gaganapin ang kasal ko. Pangarap ko nanaglalakad papalapit sa taong mahal ko habang unti unting puputok ang sinag ng araw.
Sana. Sana mahanap ko na ang lalaking mamahalin ako ng buong puso.
Hay naku. Darating pa kaya ang taong iyon? Darating pa kaya na mararanasan ko ang maikasal sa pinapangarap kong garden wedding?
Maya maya, biglang tumunog ang phone ko sa table. Kaya ibinaba ko muna ang ginagawa ko at binalingan ng tingin ang tumutunog kong cellphone..
Si mama pala ang tumatawag.
"Hello, ma. Napatawag ka?" mahinahon kong bungad sa kaniya at tumingin sa magandang araw na unti unti nang sumisikat.
Gosh. Ang ganda ng sikat ng araw. Ang sarap magbabad.
"Hello, anak. Okay lang ba kayo diyan. Hindi pa nahihirapan ang mga apo ko diyan?" mahinahon na tanong sa akin ni mama, pero bakas sa boses niya ang pag-aalala sa boses.
YOU ARE READING
Hiding His Twins (COMPLETED)
RomanceClarkson Cousins Series #1: Nicholas Evan Clarkson 🔞WARNING: MATURED CONTENT🔞 Nicholas Evan Clarkson once said: "Bakit ang tagal mo, wife? Kanina pa naghihintay ang sampung anak natin. Kanina ka pa nila hinahanap." *** HIDING HIS TWINS (Clarkson...