"Wow! Dito na po ba talaga tayo titira?"manghang bulaslas na tanong ni Nicky habang nililibot niya ang tingin sa paligid.
Kitang kita talaga sa mata ng dalawa ang pagkamangha sa mukha. Sino naman kasi ang hindi mamamangha kung makikita ang mga mo ang nagmamahalang mga gamit. Kumikintab na mga sahig. Parang pwede ng pagsalaminan dahil sa kintab.
Ang lawak lawak ng loob. Kung gaano kaganda ang labas mas lalong maganda ang loob. Hindi ko maipaliwanag. Nakakalula ang ganda niya.
Marami na din akong nakita na naggagandahan na mansions sa ibang bansa. Pero itong bahay na ito ang pinamaganda na nakita ko sa tanang buhay ko. Hindi ko din mapigilan ang huwag mapanganga dahil sa ganda.
Iba talaga kung bilyonaryo. Nakakabili ka talaga ng ganitong ganda na bahay. O makakapagawa ka ng bahay na anong gusto mong style.
"Yes baby."nakangiting maagap na tugon ni Nicholas.
"Binili mo ito o pinagawa?"tanong ko kaniya. Hindi ako tumingin sa kaniya dahil busy ako katitingin sa paligid...
"Pinagawa. For us."tugon niya.
Biglang nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Pero laking gulat ko ng nakatingin din siya sa akin. Dahil sa gulat agad kong inalis ang tingin ko sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin sa paligid.
Tumango tango naman ako kahit hindi ako nakatingin sa kaniya.
'Shit! Totoo? Pinagawa niya ito para sa amin?'
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naiilang ako dahil hindi niya pa inaalis ang tingin sa akin.
"In fairness ang ganda ng pagkagawa."papuri ko.
"Bakit ang laki naman ng bahay na pinagawa mo? Huwag mong sabihin na marami kang anak sa iba at dito mo silang lahat patitirahin."
Nanlaki na lang ang mata ko ng walang prenong lumabas sa bibig ko ang mga gatagang yun.
Agad akong tumingin sa kaniya.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin. At kinagat ang ibabang labi ko. Baka mamasamain niya ang sinabi ko.
Shit! Pahamak talaga ang bunganga ko. Kung ano ano kasi ang iniisip ko at nasabi ko pa. Aish.
Buti na lang at hindi narinig ang mga bata ang sinabi ko. Hanggang ngayon. Nakatingin parin sila sa paligid.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pero laking gulat ko na lang na nasa harap ko na pala siya. Kitang kita ko ang seryoso niya tingin habang nakatingin sa akin ng mariin. Kaya medyo kinabahan naman ako doon.
"Don't worry, I don't have a childrens with any woman. Dahil sayo ko gustong magka-anak ng marami. Kaya ako nagpagawa ng ganito kalaki na mansion dahil sa magiging anak pa natin." Seryoso niyang sabi sa akin at binigyan ako ng makahulugan na ngiti.
Diba dapat kinakabahan ako sa ngiti niyang yun pero hindi ko alam kung bakit kilig ang nararamdaman ko? Ang sarap sa pandinig ang sinabi niya.
"Are you sure? Nagsasabi ka ba ng totoo? O baka naman tinatago mo lang dito sa loob? Sa laki ba naman nitong bahay mo. Mga ilang tao ang nagkakasya dito. Baka mamaya may bigla na lang sumulpot na kung sino dito." Hindi ko mapigilan ang huwag magtaray sa kaniya dahil sa kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko na negatibo.
Biglang nawala ang emosyon ang mukha niya. Pero wala naman akong nakikita sa mukha niya ang galit. Pa-iba iba talaga ang emosyon niya. Hindi ko nga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko alam kung pinapatay na ako sa isip niya.
YOU ARE READING
Hiding His Twins (COMPLETED)
RomanceClarkson Cousins Series #1: Nicholas Evan Clarkson 🔞WARNING: MATURED CONTENT🔞 Nicholas Evan Clarkson once said: "Bakit ang tagal mo, wife? Kanina pa naghihintay ang sampung anak natin. Kanina ka pa nila hinahanap." *** HIDING HIS TWINS (Clarkson...