Chapter 5

15.9K 351 4
                                    

Ilang linggo na ang lumipas mula noong pumunta kami sa mall ng mga anak ko. Isang linggo na din na binabagabag ako kung siya ba talaga ang nakita ko. O baka namamalik mata lang ako. Minsan hindi din ako mapakali dahil sa nakita ko. Pero minsan pinapanalangin ko na sana hindi siya 'yung nakita ko.

Nabalot nang takot at pangamba ang dibdib ko. Minsan bigla bigla na lang papasok sa isipan ko ang mga negatibong bagay.

Kinakabahan ako. Kung may anong takot akong naramdaman sa aking dibdib.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga.

"Okay ka lang ba, anak? Mukhang problemado ka ngayon ha? Kanina ka pa tulala sa kinakaupuan mo. May bumabagabag ba sayo?" sunod sunod na tanong sa akin ni mama, bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

Bigla naman siyang umupo sa tabi ko. Kaya napabaling naman sa kaniya ang tingin ko.

Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid at humilig naman ako sa kaniyang balikat at tumingin sa kawalan.

"N-nakita ko siya mama. H-hindi ko alam kung n-namamalik mata lang ako o ano. Pero alam kong siya iyong n-nakita ko sa mall." biglang pagkwento ko sa kanya pero hindi parin ako nakatingin kay mama.

Naramdaman ko naman na biglang napatigil si mama sa kinakaupuan niya.

"Sino ang nakita mo? Ang ama nang kambal?" paninigurado ni mama sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at binigyan ng tipid na ngiti.

"O-Opo. N-natatakot ako mama. P-paano kung malaman niyang nagbunga ang nangyari sa amin at k-kunin niya sa akin ang mga anak ko? O baka kung may m-masama siyang balak? Hindi ko po kilala ang pagkatao niya dahil isang beses lang kaming nagkita noon. Alam kong kaya isang pitik niya lang, agad niyang malalaman ang totoo. N-Natatakot ako sa mga anak ko mama." nahihirapan kong sabi sa kaniya.

Medyo nanginig naman ang kamay ko dahil sa mga sinabi ko. Alam kong mayaman siya, kaya kayang kaya niyang malaman ang totoo isang bulong lang siya.

Naramdaman ko naman na hinahaplos haplos ni mama ang likod ko. Kaya medyo gumaan naman ang nararamdaman kong kaba sa aking dibdib.

"Shh! Huwag kang kabahan, anak. Nandito kami para sa inyo. Hindi namin hahayaan na may mangyari sa iyo at sa mga apo namin. Hindi ka naman sigurado kung siya iyon hindi ba? Maraming magkakamukha sa buong mundo. Malay mo kamukha lang niya ang lalaking iyon, okay? Kaya itigil mo na nga ang mag-isip ng kung ano ano." pagpapagaan ni mama ng loob ko.

Nabawasan ang pangamba sa dibdib ko. Pero hindi parin nawala ang ang kaba sa dibdib ko. Hindi malabong hindi mangyari ang mga iniisip mo. Alam kong pag-nalaman ni Nicholas na may anak kami. Baka gagawa siya nang paraan para makuha sa akin ang anak naming dalawa.

May parte naman sa isip ko na nagsasabi na kung malaman niya man na nagkaanak kami. Baka nga wala na siyang pakialam e. Sino ba naman ako sa buhay niya? Baka nga hindi na ako kilala ng lalaking iyon e. Isang gabi lang iyon. Baka nga kinabukasan noon, hindi niya na maalala na may nangyari sa amin at ang pagmumukha ko.

Pero may parte sa dibdib ko ang biglang kumirot. Sa hindi niya ako maalala. Alam ko naman ang mga lalaki e, pagkatapos ng pagsawahan bigla bigla ka na lang iiwan na parang wala lang nangyari. Siguro ganun ang tingin niya sa akin. Isang babaeng malandi.

Niyakap ko naman si mama nang mahigpit.

"S-salamat mama dahil lagi kayong nandiyan para sa akin. Kung wala kayo siguro, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka nga masiraan na ako ng ulo, sa dami ng iniisip ko. Parang gusto ko munang magpalamig ng ulo. O magbakasyon."

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now