🔞WARNING🔞⚠️
Ngumiti sina mama dahil sa tanong ng anak ko.
"Kayo na lang apo, sulitin niyo ang pagbabakasyon kasama ang mommy niyo. At tsaka, kabibisita lang namin noong nakaraang taon. Busy din ang Uncle mo sa hospital kaya hindi siya makakapunta." mahinahong sagot ni mama.
"Tama si lola baby, kayo na lang nang mommy niyo ang pumunta." gatong din ng kapatid ko.
Tumingin naman ako sa anak ko na nasa tabi ko. Nakita ko naman siyang napanguso at biglang nalungkot ang mukha niya.
"Pero huwag kang mag-alala apo, titignan namin kung makakasunod kami sa inyo." pagbabawi naman ni papa kay Nicky.
"Really grandpa?" kumikinang kinang ang mata niyang tanong ulit kay papa.
Ngumiti naman si papa sa kaniya at tumango.
"Oo naman apo, matatanggihan ba naman namin ang pinakamamahal naming apo. Kaya huwag ka nang malungkot. Okay?"
"Opo! Aasahan ko po 'yan." buhay na buhay na sabi ni Nicky, kulang na lang magtalon talon siya sa harap namin dahil sa saya.
Napailing na lang ako habang nakatingin kay Nicky. Masayahin si Nicky, bibong bibo. Hindi siya mahiyain. Hindi kagaya ni Nico medyo may pagkahiyain pero sa ibang hindi niya kakilala.
"Ikaw anak, pagpumunta kayo sa pilipinas huwag puro trabaho ang aatupagin. Pagpahingain mo din ang sarili mo doon. Pumunta ka doon upang mag-relax hindi magtrabaho. Para mamaya ikaw din ang magkasakit. Sa mga anak mo lang ituon ang atensyon mo." napatingin ako kay papa nang sabihin niya iyon sa akin.
Bigla naman akong napasimangot.
"Pa naman, ganun na lang ba ako ka focus sa trabaho ko para mapabayaan ang kalusugan ko?" nakanguso kong sabi.
Kaya tinignan naman niya ako ng seryosong mukha. Medyo napalunok naman ako.
"Oo. Sa nakikita ko halos hindi mo na pagpahingahin ang sarili mo sa pagtatrabaho. Hindi naman sa pinagbabawal ka naming pagtrabahuin, pero isipin mo din ang sarili mo. Baka hindi mo namamalayan na unti unti na palang nasisira ang kalusugan mo. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin, hindi namin kayang makita kang may sakit o nahihirapan." mahabang mahayag ni papa. Parang may humaplos sa dibdib ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"H'wag po kayong mag-aalala pinapangako kong pagtutunan ko nang pansin ang mga anak ko. Hindi ko muna iisipin ang mg trabaho ko." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Siguraduhin mo lang anak. Huwag puro trabaho." nakataas pa ang kilay ni mama ng sabihin niya iyon.
"Oo na po." ako.
"Hatid na namin kayo sa airport."
Tumango naman ako kay Pat.
<<<<<<<>>>>>>>
"Mag-iingat kayo doon anak ha." paalala ni mama.
Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
"Huwag mong pababayaan ang sarili niyo doon. Kumain kayo nang mabuti. Huwag kayong magpapagutom." mahinahon din na pagpapa-alala ni papa sa amin.
"Opo pa." nakangiti ko ding sagot sa kaniya.
"Tumawag kayo kung may problema."tumango ulit ako.
Lumuhod naman si Pat sa dalawa kong anak.
"Kayong dalawa kong pamangkin na kay gwapo at kay maganda, huwag niyong pasasakitin ang ulo nang mommy niyo ha. Matanda na siya, baka may rayuma na ang mommy niyo. Kaya huwag matigas ang ulo ha?" ngising paalala ni Pat sa pamangkin niya.
YOU ARE READING
Hiding His Twins (COMPLETED)
RomanceClarkson Cousins Series #1: Nicholas Evan Clarkson 🔞WARNING: MATURED CONTENT🔞 Nicholas Evan Clarkson once said: "Bakit ang tagal mo, wife? Kanina pa naghihintay ang sampung anak natin. Kanina ka pa nila hinahanap." *** HIDING HIS TWINS (Clarkson...