Kabanata 1: Ulan

19 6 3
                                    

Saktong pagkarating ko sa bahay ay mismong pagbagsak ng mahinang ulan.

Pagpasok ko'y si Mama agad ang  unang nakita ko.
"Buti at naka-uwi ka ng maaga, may bagyo raw at ang 'yong Papa ay hindi na alam kung ano pang gagawin sa mga palay."
Bungad ni Mama, nagmano muna ako sa kanya saglit at umakyat na kaagad sa aking kwarto.

"Yun nga po ang sabi ni Tiyo Berting, kanina. Nasa signal number 2 daw po ngayon ang Batangas, asan po si Angelo at Papa?"
Sigaw ko habang nasa kwarto ako at nagmamadaling nagbihis. Kaagad kong kinuha ang sombrerong buri ko at isang malaking payong na nasa kwarto nina Mama.

"Nasa bukid pa rin sila Lea, ina-ani pa nila ang mga palay na aanihin sana natin sa susunod na linggo kung hindi lang sana bumagyo ngayon siguro'y..."
Nag-alalang sabi ni Mama habang naghahanda ng makakain namin ngayong gabi.

"Wag po kayong mag-alala Ma, pupuntahan ko muna sila para tumulong..."
Sabi ko at lumabas na ng bahay.

"O, sige mag-iingat kayo at daliin niyo at baka maabutan pa kayo ng malakas na ulan..."

Tumango na lang ako at tumakbo palabas ng bahay. Paakyat na ako sa maliit na burol kong saan ang likod nito ay ang aming palayan. Nakita ko kaagad si Papa at Angelo na nagmamadaling hina-harvest ang ibang palay at itinambak sa maliit naming kubo sa tabi ng malaking puno ng Manga.

"Nak, bakit ka nandito!? Sigaw na tanong ni Papa.
"Sana sa bahay ka na lang at nagpahinga"
Dagdag niya pa at bakas rin ang pag-aalala sa boses niya.
Umiling ako at tinapik ang balikat niya pagkalapit ko sa kanya.

"Pa, wag na kayong mag-alala, okay lang po ako. Magmadali na lang po tayo bago magsabay ang malakas na hangin at tsaka ulan."
Malumanay kong sabi kaya walang nagawa si Papa kundi kumilos at binilisan na lang ang paghahakot.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa langit at lalong lumalakas na rin ang ulan at sumasabay na rin ang kulog at kidlat. Kaya mas binilisan pa namin ang aming mga kilos.

Pinatulungan naming buhatin ang mga malalaking sako at ang ilang mga gamit na maaring mapinsala sa malakas na hangin.

Patapos na sana kami ng biglang kumidlat ng malakas sa gitna ng palayan malapit kung saan si Angelo.

"Angelo!" Natatarantang sigaw ko at tsaka tumakbo sa kinaroroonan niya "Umalis kana riyan, Dali!"
Sigaw ko ulit at tumakbo kaagad siya palapit sa akin, pero pansin ko ang kanyang pag-ika-ika.

"Ate, t-teka ang sakit! nadaplisan yata ng kidlat ang binte ko Arghh..."
Paos niyang sabi kaya agad ko siyang inalalayan papunta sa kubo at agad akung humanap ng tela sa loob at nilinisan ang maputik na binte niya, na ngayong may mga dugo na rin. Binasa ko ang tela ng malamig na tubig para i-diin sa mga na sugat niya.

"Angelo, paso ka. Pero wag kang mag-alala hindi ka masyadong napuruhan pero kailangan parin kitang gamutin para hindi ito lumala..."
Kaagad pumasok si Papa at tinignan si Angelo na ngayo'y namimilipit na sa hapdi dahil sa pasong nakuha niya galing sa kidlat.

"Okay lang ba siya Lea?" Kabadong tanong niya at bakas na rin ang pag-alala sa mukha ni Papa.

"H-hindi po siya masyadong napuruhan P-pa... pero kailangan ko pa ring gamutin ang sugat niya para hindi ma-infect..." Tumango naman siya at medyo lumuwag na ang pakiramdam.

"Buti naman kung ganon. Oh, sige na halos na hakot na naman natin ang lahat kaya mabuti pa't umuwi na tayo, para makapagpahinga ka at upang magamot mo rin ng maayos ang sugat ng kapatid mo."

Tumango ako at nagligpit na.
Pagkarating sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Mama at sobrang nag-alala siya habang nakatingin kay Angelo na ngayo'y akay-akay namin ni Papa.

From The Sky Above Us (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon