Kabanata 3: Atlas

15 5 0
                                    

Nagising ako ng eksaktong 6:00 AM at agad na bumaba para maghanda ng almusal.

Pagkababa ko agad kong nakita si Mama at Papa na umiinom na ng kape habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napatingin kaagad sila sa akin dahil sa mga yapak ko sa kawayang hagdan.

"Oh, Lea gising ka na pala? Nagluto na ako para sa almusal natin kaya mabuti pang maligo ka na lang para maaga kang makapasok ngayon..."
Sabi ni Mama habang inaabot kay Papa ang isang pirasong pandesal.

"Ahh... Ganun ba, si Angelo po ma?"
Tanong ko bago kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pader.
"Natutulog pa rin, pero maya't maya ay gigisingin ko na para magkapag-almusal." Ani niya.
Papasok na sana ako sa banyo namin ng maalala ang sundalong dinala namin dito kagabi.

"T-teka!? asan 'yon sundalong nakahiga dito?"
Tanong ko habang nakaharap ngayon sa bangko kong saan namin siya pinatulog kagabi.

"Ahh... nagpaalam na kanina, ang sabi niya ay okay na raw ang pakiramdam niya at salamat rin daw sa pag-gamot mo sa mga sugat niya..."

"Ha!? Kanina pa?" Paninigurado ko at tumango lang si Mama, tumikhim naman si Papa at napangisi ng nakakaloko.

"Ang gwapong bata pala nong sundalong 'yon Lea. Atlas pala ang pangalan niya."
Sambit niya habang nakakalokong ngumiti sa akin. "Bagay na bagay kayo kong magkataon... sundalo siya at tsaka nurse ka, diba Cynthia?" dagdag niya pa at tsaka humagikhik ng tawa.

Kumunot kaagad ang nuo ko sa biro ni Papa at hindi na pinansin pa, dumeritso na lang ako sa banyo at agad na naligo.

Naiinis ako at sa katunayan ay hindi ko mapigilan na magalit sa sundalong 'yon, ni hindi man lang nagpaalam sa akin bago umalis. Tsk!

***

Isang linggo na ang lumipas simula nong bagyo at balik na sa dati si Papa sa pagsasaka niya sa lupa namin.
Nabili na rin ang mga palay na na-harvest namin noong kasagsagan ng bagyo pero 'yon nga lang mura lang ang pagkakabili nito.

Parang nagbalik na nga sa dati ang lahat.

"Lea, exam na naman natin sa susunod na buwan. May pangbayad ka na ba sa tuition mo?" tanong ni Stacy.

"Wala pa nga e, naapektuhan kasi ang mga palay dahil sa bagyo kaya kunti lang ang nabenta ni Papa ngayon." sagot ko habang nagsususulat ng notes sa modules ko.

Nasa may harapan kami ng soccer field ngayon habang nag-aaral sabay tambay na rin. Mamaya pa kasing hapon ang next subject kaya naisip na lang namin na dito na muna magpahinga habang hinihintay ang oras.

"Pareho pala tayo, siya nga pala may hiring daw sa mga Del Fuego at naghahanap daw sila ng Assistant Nurse para sa factory nila." excited na sabi niya.

Napahinto ako ng pagsusulat at tumingin agad sa kanya.
"Del Fuego??" Paniniguro ko at tumango agad siya.

"Naku! malabo 'yan stacy, hindi pa nga tayo license Nurse at tsaka ni hindi pa nga tayo nakaka-graduate kaya... wag na." Dismayadong sagot ko at pinagpatuloy ang pagsusulat sa papel.

"Hindi nga... pero ang sabi ng pinsan ko okay lang daw kahit working student ka as long as my background ka sa health care and services..." Aniya at agad inagaw ang ballpen ko para makuha niya ang buong atensyon ko. "Nursing ang course natin kaya pasok tayo sa hinahanap nila." Positive niyang paghihikayat.

From The Sky Above Us (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon