Kabanata 8 : Problem

9 2 0
                                    

Para akong nanghina ng matapos ang klase namin.

Nawala yata ang lahat ng dugo ko sa katawan, at talagang walang kahit isa akong naiintidihan sa mga tinuro ni Prof, kanina dahil naka-focus lang ako sa katabi kong si Atlas.

Mukhang siya pa yata ang naging studyante ni Prof Carlos, kanina kesa sa akin.

Agad ng nagpaalam si Stacy sa akin na mauuna na siyang umuwi, dahil may papanuorin pa raw siyang series sa Netflix at tsaka para raw hindi niya kami madistorbo ni Atlas.

"Azalea...wag na wag mong isusuko ang bataan okay?"
Bulong niya at nabatukan ko siya sa inis.

"Bye!"
sabi niya at kumaway na sa amin ni Atlas at tumakbo palabas ng classroom namin.

Hays, ewan ko na lang talaga sa babaeng 'yon.

"Babe let's go..."
Sabi ni Atlas at kinuha ang mga libro ko sa akin.
"Ako na magdadala"
Malambing na sabi niya.

Sa inis ay binatukan ko rin siya at pinadilatan ng mata.

"Isa ka pa! Sabing wag mo akong tawagin sa mga ganyang endearment eh tsk!"

Natawa lang siya sa sinabi ko at tsaka hinila na ang kamay ko palabas ng classroom.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan pa rin kami ng ibang mga studyante hangang sa nakalabas na lang kami ng gate ay sinusundan pa rin nila kami ng tingin, lalong lalo na itong si Atlas.

Tsk! Who wouldn't notice the man standing right next to me?

Atlas draws a lot of attention because of his height, good body shape, fair complexion, and handsomeness, lalo pa't nakasuot pa siya ng black tuxedo ngayon, parang a-attend lang ng business meeting, actually para nga siyang naligaw lang dito sa university namin.

Tumigil kami sa harapan ng sasakyan niya sa tabi nitong malaki at malabong na Acacia para sumilong muna at magpahangin.

Habang sumisilong ay naisip ko tuloy na tanungin siya kung bakit ganyan ang suot niya, baka kasi may meeting siya at hindi niya lang talaga sinipot.

"A-atlas? Bakit ka nga ba naka-tuxedo ngayon? Para kang naligaw lang dito sa university,"
Nagulat naman siya sa tanong ko sabay napangiti ng kunti.

"I cancel my meeting with the investors today..."
Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at agad akong napaharap sa kanya.

"Nababaliw ka na ba!? Baka opportunity na 'yon, diba malaking tulong ang mga investors sa negosyo?..." Natatarantang sabi ko pero tumawa lang siya at pinisil na naman ang dulo ng ilong ko.
"Hays! Ano ba Atlas!"
Naiiritang usal ko habang hinihimas ang namumulang ilong ko.

"Cute..."
Nakangising sabi niya at yumuko, natigilan naman ako sa lapit ng mukha niya sa akin.
"But don't worry, I've got it all under my control."
He hoarsely said and looked away.

"And I have also a reason why I did it..."
Tumikhim siya at agad sinipa ang maliit na bato na nasa harapan niya tsaka tinignan kung saan ito gugulong palayo sa amin.

Bakas sa mukha niya na may malalim siyang iniisip at napapansin ko rin na may mas malalim pa siyang rason kung bakit ginawa niya 'yon.

Natahimik kaming dalawa, wala akong maisip na tanong o topic para basagin ang katahimikan namin, pero
biglang nag-ring ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha sa bulsa niya at tinignan ang caller ID ng tumatawag sa kanya.

Nagtagpo agad ang kilay niya ng mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa kabilang linya.

Tumingin pa siya sa akin bago sinagot ang tawag ng kung sino man.

From The Sky Above Us (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon