Kabanata 2: The Mysterious Soldier

16 6 0
                                    

Kumuha kaagad ako ng gunting, jacket at flashlight bago ako bumaba sa kwarto. Kinuha ko na rin ang payong sa may gilid ng kawayan naming hagdan, at nagulat si Mama at Papa sa pagpagmamadali ko.

"Anak? saan ka pupunta?"
Pag-uusisa ni Mama at lumapit agad sa akin.
"M-may t-tutulungan este... May k-kukunin po ako sa kubo, may naiwan ako kanina," nagmamadaling sabi ko at lalabas na sana ng pintuan.
"Pero teka bumabagyo na... ipagpabukas mo na lang 'yan" sigaw ni Papa habang nagliligpit ng tasa ng kape at papel sa lamesa.

"O-okay lang po babalik ako kaagad..."

"P-pero..."

Sinirado ko na agad ang pintuan at tumakbo na papunta sa kubo namin. Sobrang lakas ng ulan at halos tangayin na ako ng hangin pero ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang taong naka-sabit sa Manga namin.

Ano ba kasing nangyari sa kanya?bakit kaya siya sumabit sa puno?

Malayo palang ako ay dinig na dinig ko na ang boses ng isang lalaki na naiinis na sa nakapulupot na cable sa katawan niya. Dahilan ng pagkaka-stuck niya siguro sa sanga.
Hindi niya pa ako nakikita dahil sa bandang likuran ako ng manga dumaan.

"Arrgh!!! Fuck this stupid mango tree..."
Inis na sigaw niya at parang pagod na siya sa pag-ngitngit sa mga cable na nakapulot sa braso niya.
Napansin ko kaagad ang nagkabutas-butas na parachute sa itaas ng Manga.
Hindi kaya dahil sa malakas na hangin at ulan kaya siya napadpad dito?

Dahil sa pagmamasid ko sa kanya ay hindi ko napansin ang walang laman na lata ng sardinas na nasipa ko, kaya tumunog ito pagkatapon nito sa bato. Narinig niya 'yon at agad niyang inikot ang sarili niya para makita ako.

Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat.

Bakas rin sa mukha niya ang gulat ng makita rin ako, pero agad ring napalitan ito ng saya dahil siguro may nakita siyang tao sa gitna nitong malawak na palayan habang bumabagyo ng malakas.

"H-hey? Thank goodness! Can you H-help m-me out, I'm kinda stuck here, you see?..."
Tumango ako at mas lumapit sa kanya, tinignan ko agad ang pagkakabuhol niya sa cable mula sa malaking sanga ng manga.

"W-what are you doing here?"
Biglang usal niya at awkward na ngumiti sa akin. Naikunot ko naman ang nuo ko sa walang sense na tanong niya.

"Ano pa? Edi para tulungan ka. Bakit ka ba napunta d'yan?" Sabay nguso ko sa itsura niya ngayon na nakabitay patiwarik sa sanga ng puno.

"It's... a l-long fucking story young lady." sabay buntong hininga niya. "now please, mind if you help me?" Tunog aroganteng ani niya habang nanginginig na ang labi dahil siguro sa lamig.

"Paano kung hindi kita tulungan d'yan?" Pagmamatigas ko sabay upo sa basang kawayang bangko sa tabi ng Manga.

Biglang nalukot ang mukha niya at mukhang nairita na agad sa akin. Pero kalaunan ay bumuga siya ng hangin at pinipilit na kinalma ang sarili.

"L-look, I'm in military, and we had a skydiving lesson near this area, and I... I mean my team didn't expect a storm to come, so kaya ito ang nanyari sa akin. Just... damn it, can you please help me? I can give you money. How much do you want?"
Sabi niya sabay awkward ulit na ngumiti. Hindi pa rin ako kumilos at tinignan lang siya sabay pinataas ko ang isa kong kilay.

He swallowed hard while seeing my reaction.
"Oh, please! why should I need to explain... kailangan pa bang mag explain muna bago tulungan ang isang tao?"
Sabi niya pa, napa-irap na lang ako at umakyat na sa sanga ng puno.
"Volunteer lang ito at hindi ko kailangan ng Pera mo." Naiinis kong sabi.

Ang arogante naman nitong sundalong ito, nakakainis! sana pala hindi na ako lumabas ng bahay para tulungan itong taong ito.

Tinitignan niya lang ako habang nakataas ang kilay niya at bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa kung anong ginagawa at gagawin ko.
"T-teka?... A-anong balak mo? Mind if you tell me first? B-baka mahulog ka!"
Sigaw niya at agad kong pinakita sa kanya ang dala-dala kong gunting sa loob ng jacket ko.

From The Sky Above Us (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon