Kabanata 5: His Assistant

11 2 0
                                    

"Oh, why both of you are so quite?"
puna ni Sir Damian, sa aming dalawa ni Stacy.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya, gusto niya kasi kaming sumabay na lang sa kanya papunta sa Mansion. Sakto kasing papauwi na raw siya kanina at namataan niya kaming dalawa ni Stacy sa terminal na naghihintay ng masasakyan kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan kami.

"Ah eh, nakakahiya kasi Sir," mahinang sabi ni Stacy. Tumawa lang siya at napailing.
"Drop the Sir, just call me Damian, ang awkward kasing pakinggan ang Sir galing sa inyo." sabi niya habang nagmamaneho.

"So, who among you will be the Secretary of my cousin?"
tanong niya sabay tingin sa aming dalawa ni Stacy sa likod gamit ang Rear view ng sasakyan niya.
"Ah, Ako po s-sir... este Damian" utal kong usal.
Nagulat siya at ngumisi kalaunan at napailing ulit.

"I see, that's why you're not wearing a uniform... is it really awkward for you to call me by my name?"
mahinahong tanong niya at tumango  agad ako kasi totoo namang sobrang uncomfortable kung hindi namin sya i-aaddress as Sir o kahit man lang senyorito. After all, ang layo ng agwat ng pamumuhay namin sa kanya, at parang ang bastos naman kung tratratuhin lang namin siyang ka-level lang namin.

"Hmm... But I prefer you to call me by my name." seryosong sabi niya sabay tingin sa akin sa rear view.
"by the way what's your name?"
"A-ako po?" tumango siya at tipid na ngumiti.
"Um...Azalea po" simpleng sagot ko.

Ngumiti na naman siya at pinutol ang pagtitinginan namin sa salamin at tsaka kinambyo agad ang sasakyan niya papasok sa daan papunta sa Mansion.

"That's a nice name and I bet the girl beside you is Stacy right?
Tanong niya ulit sabay tingin kay Stacy sa rear view ng sasakyan niya. Tumango naman si Stacy at nahihiyang ngumiti.

Niliko niya agad ang sasakyan niya papasok sa entrance gate at binati pa muna niya ang guard bago niya inandar ulit ang sasakyan papasok sa main gate ng Mansion nila.

Dalawa kasi ang gate nila dito, may first gate para sa inspection papunta sa wine factory at may second gate papunta sa Mansion nila.

Pagkarating namin sa harapan ng Mansion ay inihinto na niya ang kotse at lumabas kami kaagad ni Stacy.

May lumapit naman na lalaki kay Sir Damian, at inabot niya dito ang kanyang susi bago humarap sa amin.

"See you later, Stacy. For now. Manang Rosa will going to guide you throughout the factory and for you Azalea, I don't know what to say, but please broaden your patience when it comes to Atlas... cause you know sometimes he has a bad temper which I can't also withstand..."
Concern at namomoblema niyang tugon.
"Okay lang D-damian, hindi naman kasi ako magpapatalo sa kanya pagnagkataon," determinado ngunit nauutal kong pagkasabi na siyang kinangisi niya.
"Now I see why he chooses you..."
Makahulugan niyang sabi sabay lakad palayo sa amin ni Stacy.

***

Pinapunta kami ni Damian sa bandang likuran ng Mansion kasi sabi niya naghihintay na daw doon si Ma'am Rosa sa amin.
Nagpaalam naman agad siya sa amin dalawa dahil may importante pa siyang gagawin, kaya si Ma'am Rosa na lang raw muna ng bahala sa aming ngayon.

"Ang gwapo talaga ni Sir Damian, sa personal no... Pero nakaka-intimidate rin niyang kasama, halos hindi ako komportable sa buong byahe natin..." biglaang sabi ni Stacy habang naglalakad kami papunta sa likuran ng Mansion.
"Oo nga at nakakahiya pa nga na nakisakay pa tayo sa kanya," sabi ko pero siniko niya kaagad ako sa tagiliran sabay sabing
"Siya naman ang may gusto non, ayaw mo ba non? Nakalibre na nga tayo ng pamasahe at nakasakay pa sa maganda niyang kotse..." bwelta niya sabay kapit ng kamay niya sa braso ko.

Pagkarating namin sa sinabi ni Damian ay agad naming nakita si Ma'am Rosa na naka-upo habang nagbabasa ng Magazine na may cover ng isang hubad na katawan ng lalaki.
Agad namang bumulong si Stacy sa akin, kaya mas nilapit ko sa kanya ang tenga ko.

From The Sky Above Us (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon