Chapter 1

103 3 1
                                    

Her POV


*Ding dong ding dong ding dong ding dong


Anak ka naman ng doorbell oh, sino namang matinong hayop ang pupunta sa condo ko ng alas dose na ng madaling araw?


The moment I opened the door ay isang gwapong lasing yung bumungad sakin. Sino naman tong gwapong to?


"Uhh, sino ka?"

"Julie...H-hindi mo na ba ako nakikilala? Ako to si Chanwoo."

"Chanwoo? Sorry mister unang una hindi ako si Julie, si Juliebee lang ang kilala ko, wala akong kilalang Julie at hindi rin kita kilala."

"Babe please don't do this to me just give me another chance please." Saka siya lumapit sakin at hinapit ako sa bewang.

"Hey! What do you think you're doing? Bitawan mo nga ako!"

"Julie, you know that I love you so much. I can't live without you."

"Aba naman, simple lang naman yung dapat mong gawin para mabuhay ka kahit wala siya."

"A-ano?"

"Huminga ka tanga!"

"Pano ako makaka hinga kung sobrang sakit na? Ang sakit sakit na kasi Julie e, ano bang nagawa kong mali para iwan mo ako agad agad? Akala ko ba walang iwanan?"

"Hoy mister gising!" Bigla na lang itong natumba at ako naman tong nag ala darna ay sinalo siya, yan tuloy pareho kaming bumagsak sa sahig. Talaga naman Tei, masyado ka kasing matalino. Nasa itaas ko siya ngayon, walang malay, amoy alak at sigarilyo. Itinulak ko siya saka tumayo na at hinila ko papunta sa kwarto, bahala siya pag nagising siyang puno ng pasa at bukol after all kasalanan niya din naman.

Nang maihiga ko siya sa kama ay isang tabo din yata ng pawis ang lumabas sa katawan ko. I stared at him for a couple of seconds and I realized that I should have not stared at him even for a little span of time.

He had this face that can attract girls in an instant. Ang baby face niya kasi at parang ang inosente ng mukha. Ilang taon na kaya to? 18? 19? o 20? Virgin pa kaya? Ay feel ko hindi na, nag girlpren na e. So pa nag girlpren di na agad birjin? Baka yung lips lang? Ano ba yan para akong krung krung na kinakausap ko kung sarili ko mag isa.

Kinumutan ko na siya at lumabas na ng kwarto.


His POV

I know what you came here to see

If you're a freak, then ya coming home with me

And I know what you came here to do

Now bust it open let me see you get low

It's going down for real

It's going down for real

It's going down for real

"What noise is that?" Bumangon ako pero nahiga rin ako ulit. Ang sakit ng ulo ko. What happened last night? Wala akong maalala. I stared at the ceiling for a couple of seconds and I realized na hindi ito yung kwarto ko.

"Where the hell am I?" Nung tiningnan ko kung oras  ay alas sais y media pa lang ng umaga. I woke up early than usual. Lumabas na ako  ng kwarto saka tinungo yung pinagmulan nung tunog. And then I saw a girl wearing a white oversized shirt and I don't know if she is wearing a short or something underneath. Her hair was in a messy bun and she was swaying her hips sexily while cooking something. I'm sure she's not Julie but who the hell is she and what am I doing in her place?

Unexpected Love (iKon Chanwoo Fan-Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon