Chapter 2

0 0 0
                                    

"Alex! Alex! Lumabas ka diyan!" Sigaw ko ng makarating ako sa tapat ng kanilang bahay.

"Alex!" Sigaw ko ulit. Agad naman lumabas ang isang lalake na matangkad, maputi, naka sando, naka maong shorts at tsinelas.

"Ano ho iyon?" Sabi nang lalake. "Ikaw ba si Alex?" Tanong ko. Umiling naman ang lalake.

"Hinahanap ko si Alex. Nasaan siya?!" Sigaw ko uli. Sumunod naman ang isang lalake na kasing tangkad ng lalakeng nasa harap ko ngayon.


"Bakit mo ako hinahanap?" Sabi niya.

"Ikaw ba ang nakabuntis sa kapatid kong si Helen?" Tanong ko. Naiinis ako kaya dapat sagutin niya nang maayos ang tanong ko.

"Helen?" Sabi niya. "Mag mamaang-maangan ka pa. Helena Jeyn Valdez, hindi mo kilala?" Umiling siya.

"Dae ko man bistado yung Helen na sinasabi mo"




Napupuno na ako.



"Helen Jeyn Valdez, 17 years old, nakatira diyan sa looban. Hindi mo kilala?" Nagkibit balikat lamang siya. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at hinila.


"Aray ko! Bitawan mo ako!" Sigaw niya. "Hangga't nagmamaang-maangan ka na hindi mo kilala ang kapatid ko, hindi ako titigil" Sabi ko. Maraming tao naman ang lumabas sa kani-kanilang bahay.


"Ay ang ribok man maray! Ano bang nangyayari digdi?"

"Nadangog ko, buntis man baga si aki ning mag agom diyan sa looban"

"Jusko! Dae man pala marunong mag alaga ning aki ang duwang iyon"


Rinig kong sabi ng dalawang nasa 30+ na ang edad. Sabihin nalang nating MARITES.



Nakita ko namang lumabas sina Helen at nanay nang marinig ang ingay nitong lalakeng ito. Binitawan ko naman siya mismo sa harap ng bahay namin.

"Tignan mo yung babaeng 'yan na nasa harap mo. Ngayon mo sakin sabihin na hindi mo kilala si Helen" Sabi ko. Tumingin naman siya sa kapatid ko at tumahimik.

"Oh! Ano! Hindi mo kilala?" Sabi ko uli. "Nakita mo? May hawak na bata ang kapatid ko? Anak mo 'yan!" Hinawakan naman ni Helen ang braso ko at pinipilit akong pigilan.

Tumayo naman siya at tinitignan ang kapatid ko. Lumapit naman siya kay Helen at hinawakan ang kamay niya.


"Pasensya na" Sabi niya. "Anong pasensya?" Saad ko. "Menor de edad pa ang kapatid ko tapos may nangyari na sainyo? Hindi mo man lang ba inisip ang ginagawa niyo? Paano nangyari yon?" Sunod-sunod kong sabi. "Ate... ganito ka--" Hindi ikaw ang tinatanong ko Helen" Sabi ko at lumingon sa kaniya. "Sumagot ka!"


"Birthday ko kasi noon. Niyaya ko siya, hindi ko naman alam ang edad niya kaya pinilit kong uminom" Sabi niya. "Nalasing na siya. Tapos pinagsamantalahan ako tas yun, may nangyari na samin" Dagdag niya.

"H-hindi mo alam? Anong excuse 'yan? Naging kayo tapos hindi mo alam ang edad? Nasaan ang utak mo? Hindi ba isa yon sa tinatanong bago manligaw ang isang lalake? At anong sinasabi mong pinagsamantalahan ka ng kapatid ko? 17 years old, Alex! Menor de edad! Wala pa sa tamang gulang! Mabait itong kapatid ko, ikaw palang ang first boyfriend niya tapos pinagsamantalahan ka niya? In what way ha?!"


"Hindi kita pinagsamantalahan. Pinilit mo akong uminom pero sabi ko isa lang! Pinilit mo ako nang paulit-ulit. Tumanggi ako, pilit parin. Hanggang sa pinagsamantalahan mo ako. Ikaw ang lasing na lasing no'n, Alex! Kaya wag mo sabihin na pinagsamantalahan kita dahil mali 'yon. At, kababae kong tao pagsasamantalahan kita? Hindi ako pinalaking bastos ng mga magulang ko, kaya wag na wag mong sasabihin na pinagsamantalahan kita" Sabi ni Helen. Natahimik naman ang lalake.

"Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko." Sabi ni Alex. "Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa kapatid ko." Sabi ko.

"A-anong nangyayari dito anak?" Rinig kong sabi ng isang lalake. Napatingin ako sa kaniya, and he looks like in mid 40s.


"Kayo po ba ang tatay ni Alex?" Tanong ko at tumango naman siya. "Kita niyo po itong babaeng katabi ko? Kapatid ko po ito. At ang batang hawak niya, ay anak ng anak niyo. Disi-syete anyos na po ang kapatid ko, at mag iisang taon na po ang anak niya. Hindi man lang po pinanagutan ng anak niyo, kaya nagagalit ho ako sa anak niyo" pag explain ko.


"Hija, alam kong may girlfriend ang anak ko, ngunit hindi ko alam na may nangyari pala sa kanila. Walang sinabi samin si Alex" Sabi ng tatay niya. Tumingin naman siya kay Alex at nakita ko na tinignan niya ng masama ito.














Pagtapos namin mag usap ay agad akong nag impake para bumalik na ng manila. Nang makarating ako sa aking condo, nag shower lang ako at nag prepare ng lunch. Hinanda ko na rin ang laptop ko dahil by 2pm, may mga dadating na email galing sa school na aking pinapasukan.





Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko before I go sit at my table. I checked my email and nakita ko ang sinend na email ng isa sa mga estudyante ko, si Allie.





Hi, Miss Calyzha. I'm writing this email not because I want to talk about family issues that I have with my parents. But yeah, doon rin siguro papunta ang sasabihin ko. Can I have a favor po? Can I stay with you for a month? Gusto ko lang po muna mag lay low sa mga problems dito sa house, and my parents po. I want to have a day off. You know, a chance for me to be free to do whatever I want. Ayoko rin po muna makarinig ng kahit anong problema that are going on with our family. Parang sirang-plaka po na paulit-ulit. I'll be waiting for your response to this email. Thank you po, Miss Calyzha.

Best Regards,
Allie Cohen

Agad ko namang nireplyan ang email niya.



Hello, Allie. Yeah sure, you can stay here with me. Let's talk about it over dinner. But, paano mo sasabihin sa parents mo about it? You have to at least let them know. I don't want them to worry. I have one question, how did you get my email? Ni hindi ko pa sinasabi kahit kanino ang email ko, except sa co-teachers haha. Okay, back to the topic. Let your parents know ha? I'll see you soon.

Best regards,
Miss Calyzha



Habang hinihintay ko ang email ni Allie, ginawa ko muna ang lesson plan ko for this week.

Unexpected [ To Be Continued ] Where stories live. Discover now