CHAPTER 3
THE THIRD PERSON'S POV
Emergency Meeting
"Kamusta ang lagay ng mahal na reyna, Emperor?" nag-aalalang tanong ng isang reyna galing sa kaharian ng Karalika na si Reyna Cathalina, ang matalik na kaibigan ng empress.
Dumayo pa ang mga ito kasama ang ibang may dugong bughaw nang mabalitaan ang nangyari sa kanilang minamahal na Empress. Lahat ng mga may dugong bugaw kasama na ang apat na kaharian sa lugar ng Euprasia ay dali-daling nagtungo sa Ethereia Empire dahil sa sulat na pinadala ng emperor.
Hinihimas pa ni Reyna Hecate ang likod nito dahil sa matinding pag-iyak. Alam nilang masyadong eksaherada pero hindi nila masisisi ang reyna sapagkat hindi pa—hindi rin kailanman nagkaganito ang empress—na bigla nalang mahimatay na walang dahilan at hindi makaalala ng kahit na sino man.
Paano nalang kung hindi ako maalala ni Zyrena? mas lalong napaiyak si Cathalina at napabuntong-hinga ang asawa nito bago sinenyasan si Hecate na siya na ang magpapatahan sa reyna niya.
"Ayos lang ba siya, Emperor?" tanong naman ng asawa nito, si Haring Valdis.
"Hindi ko matukoy ang mga kinikilos ni Empress Zyrena pagkat sigaw siya ng sigaw kung bakit raw siya nandito at dapat daw ibalik ko siya sa babaeng nagngangalang Lola Melda." napahilot si Emperor Kaikane sa kanyang sentido habang nakapatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
Nasa dulo siya ng mahabang lamesa at nakaupo sa isang engrandeng trono na para lamang sa meeting room. Dumapo naman ang tingin niya sa katabing trono kung saan madalas umuupo ang kanyang asawa tuwing may pagpupulong na mangyayari.
"Bagay na hindi niya ginawa kahit kailan..." sabi naman ni Reyna Yndys sa kahariang Yllyrth Kingdom.
"Ang ano, ina?" puno ng kuryusidad na tanong ni Prinsipe Thrax sa reyna.
"Ang sumigaw malamang, Thrax." umirap naman ang kapatid nitong si Prinsesa Yvania.
"Tss. Malay ko ba na 'yon ang pinapahiwatig ng Inang Reyna, Yva?" masungit naman na ganti ni Thrax sa kapatid.
"Shh! H'wag nga kayong mag-away sa harap ng emperor, Thrax! Yva!" suway naman kaagad ni Haring Xen sa mga anak kaya tumahimik naman agad ang mga ito.
"Ayos lang, Xen." ngumiti ang emperor at napabuntong-hinga. "Si Zyrena ang pinoproblema ko."
Ang iba naman ay nag-aalala rin sa empress ngunit ang mga iba ay walang pakealam.
Nandito lang naman sila dahil pinautos ng emperor, at ang utos ng isang emperor ay dapat sundin. Hindi rin talaga nila masyadong gusto ang empress sa isang dahilan...kasama na non ang mga mamamayan ng Euprasia. Tahimik lang silang nakikinig sa pinaguusapan ng reyna at hari ng apat na kataas-taasang kaharian sa Euprasia kasama ang emperor.
"Mayroon ka bang nakitang kahinahinala bago nagpunta ang empress sa una niyang misyon, Emperor?" tanong naman ni Haring Leith.
"Buong linggo rin siyang nawala dahil sa paglalakbay niya papuntang Mt. Letikya." sabat naman ni Grand Duchess Felize, malalim ang iniisip nito.
"Wala naman sapagkat buong linggo ko rin siyang pinabantayan kay Ancalagon." sagot ng emperor. "At wala namang nangyaring masama sakanya at walang kahinahinalang nilalang na lumapit kahit isang dangkal sakanya."
"Pero nabanggit mo diba na biglang nalingat si Ancalagon noong naghahanap ito ng pagkain dahil biglang nagutom ang empress isang beses noong papunta palang sila sa Mt. Letikya?" sabat naman ng matalik na kaibigan ng emperor na si Haring Izrail.
Matalim niya itong tinignan kaya napatakip ito sa bibig na nanlalaki ang mga mata. Napabuntong-hinga ang emperor at napailing. Kahit kailan talaga...
Napasinghap naman ang iba.
"Malapit na sila non nang magutom si Zyrena. Ang natatandaan kong sinabi ni Ancalagon ay umupo si Zyre.para magpahinga sa isang matandang puno na matagal nang patay..." sabi ng emperor. "And after that, Zyrena's been acting so strangely."
"Kung ganoon, kailangan natin malaman kung anong klaseng puno iyon." tumango ang lahat sa sinabi ni Reyna Aelfwine na kanina pa tahimik at malalim ang iniisip.
"At kung ano ang misteryo na bumabalot sa Mt. Letikya."
___________________________________________
Nangalay na ako. Sa susunod ulit.
- ash
YOU ARE READING
Ulysses
FantasyZyrena, a mortal who got reincarnated as the wife of the emperor, Kaikane Castanier. COVER DESIGN: ArtStation Genre: Fantasy, Romance