CHAPTER 6

9 5 0
                                    

CHAPTER 6

ZYRENA'S POV

Plate

Lumipas ang gabi na tanging si Miss Ada lang ang naglalabas-masok sa kwarto ko upang bigyan ako ng pagkain at kung ano ano pang kakailanganin. Hindi na kailanman pumasok pa yung lalaki na tinatawag nilang Emperor Kaikane. Hindi naman sa hinahanap ko siya, hindi lang talaga ako makapaniwala na nakilala ko siya sa personal.

Isang karakter mula sa libro, bigla-bigla nalang lilitaw sa harap ko? At ang malala pa, nagpakilala pa siyang asawa ko? Nakakatawa. Halos mabaliw ako.

Namangha ako dahil daig ko pa ang isang milyonarya sa drama ko. Halos nakahilata lang ako sa kama magdamag at isang click lang ng bell, ay agad agad na pumapasok ang tatlong babae kasama si Miss Ada upang ibigay ang mga hiling.

Hindi naman ako humiling dahil ayaw kong abusuhin ang pagiging reyna ko rito kuno daw. Trip ko lang subukan kung totohanin ba talaga nila.

Napailing nalang ako habang nakikipagtitigan sa pagkain na nasa harap ko. Malay ko bang may lason iyon? What if nagpapanggap lang sila at gusto talaga nila akong lasunin? Char.

"Bakit hindi niyo pa po kinakain, Mahal na Empress? Hindi niyo po ba gusto?" nag-aalalang tanong ni Miss Ada, at the same time, may nakita akong takot na rumehistro sa mata niya.

Umiling ako. "May lason ba 'to?"

Napasinghap siya. Maging ang tatlong babae na tila mali ang nasabi ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay pero agad ring natigilan nang mapagtanto ang lumabas sa bibig ko.

I unconsciously slapped my mouth several times habang pinapagalitan ang sarili. Oh my God, Zyre! Ano ba 'yang pinagsasabi mo!? Pinapakain ka na nga ng tao, may gana ka pang magsalita ng ganyan! Wala kang utang na loob! Pwe!

"K-Kamahalan, h'wag niyo pong sampalin ang bibig niyo! Magdudugo po iyan kung ipagpapatuloy niyo! Tigilan niyo po, kamahalan, pakiusap!" agad na pigil sa akin ni Miss Ada kaya tumigil ako at nag peace sign na ipinagtaka nila.

"Sorry sa nasabi ko, Miss Ada. Lutang lang." napakamot ako sa batok at huminga sila ng malalim at ngumiti sa akin.

"Ayos lang po, kamahalan." sabay-sabay na sagot nila na animo'y nag practice pa. Nangunot ang noo ko at nagkibit-balikat.

Nagsimula akong kumain at napatango-tango nang kumalat ang lasa sa dila ko. Ang sarap. Sino kaya ang gumawa nito? Gusto kong magpaturo! Matagal-tagal na rin simula noong makatikim ako ng mga mamahaling pagkain.

Kaya lang ay nahihiya akong magtanong. Sino ba naman ako diba? Isa lang naman akong babae na biglang napunta sa lugar ng Euprasia. Pinapakain na nga andami pang hiling.

All of a sudden, I stopped. Ilang segundo pa akong natigilan at tila hindi maproseso ang naisip ko. If nandito ako sa Euprasia, sa loob ng librong Ulysses...does that mean nasa taon ako ng...?

"M-Miss Ada, anong taon po ngayon?" tanong ko, balisa na.

"Huh?" nagtatakang tanong niya. "Year 1823 po, bakit?"

Nalaglag ang panga ko nang makumpirma. Year what? Am I really in Ulysses? The famous fantasy novel in book store? Hindi talaga nila ako niloloko? Seryoso na talaga 'to?

"Hindi ka talaga nagbibiro, Miss Ada? Baka namab pinaprank niyo ko ha?" natatawa kong sabi pero agad natigilan nang mapansin ang seryoso nilang mukha.

"Year 1823 po talaga ngayon, kamahalan. Hulyo 30, 1823. Kung gusto niyo ipakita po namin sainyo ang kalendaryo?" alok niya.

Agad akong umiling. Ayoko nang makita pa dahil paniguradong mahihimatay ako pag taong 1823 nga ngayon. Halos mahilo ako sa mga nalalaman pero pinilit kong kumalma.

Walang magagawa ang pagpapanic ko lalo na't nakita ko kahapon ang isang tao na nagpapalabas ng tubig mula sa kamay niya. Patunay na nasa Ulysses nga ako. Hindi nagbibiro si Madam Olin. Kaya hindi na dapat ako magugulat kong nasa 1823 ako ngayon dahil nakalagay rin ito sa libro noong kinekwento pa 'to sa akin ni Mama.

"Hindi na. Salamat, Miss Ada." ngumiti ako at akmang liligpitin ang mga plato nang marinig ang natatarantang sigaw niya.

"Kamahalan, h'wag!"

"H-Huh?"

"H'wag niyo pong hawakan ang plato. Kami na po ang bahala." ngumit siya sa akin kaya nagtataka akong umupo nalang ulit at tinignan silang iligpit ang pinagkainan ko hanggang sa maglaho sila sa paningin ko.

Bigla kong naalala ang kwento ni Mama.

"The royalties and nobles are forbidden to touch any used plates, untensils, clothes and such accessories. Any used things are forbidden to touch by them. If anyone of them touch a used things will be given a punishment using their chambermaids or lady-in-waiting who witnessed it." sabi ni Mama.

"Huh? Bakit po, Mama?" takang tanong ng batang ako.

"It's a rule, Zyre. A rule made by a deity." nakangiting sabi niya.

"Bakit naman po ginawa iyon ng deity, Mama? Masama po bang hawakan ang used things? Does that mean nagkasala na rin ako dahil niligpit ko ang nasuot kong damit?" tanong ko, natataranta.

"No, silly." tumawa siya. "Because in their history, hija, there is a princess who touch a used thing, a plate. She suddenly vanished into the thin air and a letter appeared from nowhere." sabi niya, nakangiti at tumingin sa libro. "It says, 'touching used things can lead you to death'. Dahil doon nagalit ang hari dahil sa nangyari sa prinsesa niya. Humingi siya ng tulong sa deity na iyon kaya gumawa ng rule ang deity na 'Any royalty or noble are forbidden to touch used things from now on. If you break this rule, the Mount Olympus will take care of you.' at alam nilang lahat ang ibig sabihin ng 'will take care of you' kaya sinunod agad nila iyon." mahabang sabi niya.

"Like, they will be punished, Mama?" tanong ko at tumango siya.

"Yes, baby. Severely."

Napatango-tango ako. Buti naman at kahit papaano ay may alam ako sa lugar na ito. Nakatulong rin pala ang pagkainteres ko noon sa Ulysses noong bata pa ako. Hindi ko rin kasi kinalimutan ang memories namin ni Mama dahil siya ang pinaka-nakaclose ko.

Hays, miss na miss ko na sila. Sobra. Bakit pa kasi ako napunta rito?

___________________________________________

Woopsie

UlyssesWhere stories live. Discover now