CHAPTER 4

14 5 0
                                    

CHAPTER 4

THIRD PERSON'S POV

Can't Believe

Nanatiling tulala at hindi maproseso ni Zyrena ang mga nangyayari sa paligid niya. Parang kanina lang e balak niyang magpakamatay tapos ngayon bigla nalang siyang napunta sa librong kinekwento sakanya ng Mama niya noong bata palang siya.

Ulysses. Nasa Ulysses siya. Hindi makapaniwala si Zyre sa nalaman niya at nanatiling nakanganga ang bibig. O to the M to the G. Hindi niya keri ang mga nangyayari sa paligid niya.

Pano nangyari ang kababalaghang 'to? Nababaliw na ba ako at kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko? naguguluhang tanong niya sa isip niya.

"Kamahalan! Hindi po kayo nababaliw at hindi po ito kababalaghan dahil totoo po ang nangyayari sa paligid niyo."

Napatalon siya nang marinig sa isip niya ang bulong iyon. Bigla siyang natakot dahil mukhang hindi naman narinig 'yon ni Madam Olin pero bigla niyang naalala na pamilyar pala ang tinig na iyon. Nanliit ang mata niya habang tinitignan ang nilalang na iyon.

Faerie... sagot ni Zyrena sa tanong niya.

"Opo! Ako nga ay isang faerie! Hihi! Naaalala mo na ako, mahal na reyna? Ako si Mary."

"No. Nagpakilala ka sa akin kanina bilang faerie kuno, at teka...nababasa mo ang isip ko?" sagot niya at si Madam Olin naman ay napabuntong-hinga at pinagmasdan ang makulit na faerie na makipag-usap sa empress.

Biglang lumungkot ang mukha ni Mary. "Opo. May kakayahan po akong bumasa ng isip ng tao at makipag-usap gamit ang isip lang." sagot naman ni Mary, nakanguso.

Napanganga naman si Zyrena sa pagkamahangha kaya ngumisi si Mary, nagyayabang nang makita ang itsura ng empress.

"Prinsesa siya ng Aerial Kingdom kaya siya lang ang may kayang gawin iyon." nauna nang magpaliwanag si Madam Olin dahil nahuhulaan niyang mukha hindi rin maalala ito ng empress.

"A-Ah? Prinsesa? May ganoon dito?" naguguluhan niyang tanong.

Muntik nang mapaluha si Mary ganon rin si Madam Olin nang makita ang kainosentehan at walang kamuwang-muwang na mukha ng dalaga. Mukhang wala talaga siyang maalala. Hindi kaya ay may nagbura ng ala-ala niya? sa isip ni Madam Olin.

"Mukha nga."

Nabuntong-hinga si Madam Olin nang marinig ang nagaalalang boses ni Mary bago nagsalita. Wala talagang pinapalagpas na isip 'tong babaeng 'to. "Oo. Nabibilang si Mary sa Aerial Kingdom kung saan ang mga nilalang na may mga pakpak katulad nalang ng griffins, phoenix, pegasus, wyverns, harpies, rocs, at simurghs, ngunit ang mga fairies ang namumuno rito at ang ama ni Mary ang kasaluluyang Hari ng Aerial Kingdom." mahabang paliwanag ni Madam Olin.

Parang gusto matawa roon ni Zyrena pero pinigilan niya. Nagtaka naman ang dalawa dahil sa itsura ng empress na mukhang matatae na yata sa kakapigil ng tawa.

"Bakit po kayo natatawa?" nagtatakang tanong ni Mary.

"F-Fairies ang namumuno?" natatawa niyang tanong. "Tapos mga griffins, phoenix at mga pegasus ang mga miyembro ninyo? Hindi ba baliktad iyon?" nagtataka rin si Zyre sa sariling tanong.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Madam Olin sa tanong ng empress at napabuga naman sa hangin si Mary. Mukhang si Empress Zyrena pa rin naman 'to kahit papaano. Hays, salamat naman.'

"Sinadya iyon ni Emperor Claug noon para hindi kawawain ang mga faeries ng mga mababangis na aerial creatures pero kahit na hindi sila ang namumuno roon sa Aerial Kingdom ay kaya naman nila ang sarili nila. Despite of being a small tiny fairies, mas malakas at mas makapangyarihan naman ang mga fairies kumpara sa mga griffins at phoenix. Still, ginawa pa rin ni Emperor Claug iyon, na gawing King and Queen ang isang magkasintahan na fairy noong unang panahon at pinasa sa mga sumunod na henerasyon." mahabang paliwanag naman ni Madam Olin kay Zyrena.

Sanay na siyang magpaliwanag ng matataas at mahahabang linya sa empress dahil dakilang slow talaga ito. Pero siya rin naman ang isa sa mga kinatatakutan ng lahat. Maging ang emperor.

"Sino naman si Emperor Claug? Dalawa pala ang emperor dito?" Inosentang tanong ni Zyrena at umiling naman kaagad si Madam Olin. Tahimik lang na nakikinig sakanila si Mary habang nakaupo sa isang maliit na kama roon sa side table ng kama kung nasaan si Zyre.

"Siya ang kauna-unahang emperor na namuno sa Euprasia noong unang panahon, kamahalan." sagot ni Madam Olin sa tanong niya.

"Oh..." namilog ang bibig ni Zyrena at nangunot ang noo dahil pamilyar ang pangalang Claug sakanya.

Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Nagkibit balikat si Zyrena at lumingon kay Madam Olin at ngumiti.

"Uh, pwede po bang manghingi ng favor?" nahihiyang tanong niya.

Nagulat si Olin, maging si Mary sa inasta ng dalaga. Nakakagulat talaga para sakanila ang nangyari sa empress, pati ang pagbabago ng ugali nito.

Noon kasi ay hindi naman ito palatawa—minsan lang, slow ito pero hindi naman ito nagtatanong tungkol sa mga history, hindi ito gumagamit ng 'po' at 'opo' at lalong hindi ito kailanman nanghingi ng pabor dahil lahat ng inuutos niya ay sinusunod nilang lahat.

They are all scared of her.

Kaya rin ay hindi ito medyo gusto ng karamihan dahil sa iksi ng pasensya niya at madali siyang magalit sa isang simpleng bagay—madalas pa nga, kapag may gusto siyang bagay at hindi mo sinunod ay madasal ka nalang talaga sa pwede niyang iparusa sayo.

At parang unti-unti nang nagbabago ang kanilang empress...sa pag-uugali nito. Tuluyan na ba nitong binago ang ugali at subukang makihalubilo sa mga mamamayan na walang away na magaganap? Dahil doon ay napangiti si Madam Olin.

"Opo, ano po iyon, kamahalan?" nakangiting tanong ni Madam Olin.

"Pwede po bang iwan niyo muna ako na mag-isa?" aniya.

"O-Oh, syempre naman, kamahalan." agad umatras si Madam Olin at lumuhod ng isang tuhod para magbigay galang, lumipad naman si Mary at yumuko rin. "Tara na, Princess Mary. Pagpahingahin muna natin ang kamahalan."

"Sige po!"

Sabay naman ang dalawa na umalis ng silid at narinig niya pa ang binulong nito kay Madam Olin.

"Bakit antagal naman po ata ni Miss Ada? Pinaalis na tayo't lahat lahat ni Empress Zyrena wala parin siya." sabi nung faerie.

"Ewan ko rin don sa batang 'yon. Nagiging emosyonal nanaman."

"Kawawa naman si Miss Ada."

Pinagsawang-bahala nalang iyon ni Euri at parang nanghihinang humiga ulit pabalik sa kama.

Jusko. Paano ako napunta sa librong paborito kong ikwento sa akin ni Mama noon? Paano nangyari ito?

___________________________________________

Woo!

UlyssesWhere stories live. Discover now