CHAPTER 7

7 1 0
                                    

CHAPTER 7

ZYRENA'S POV

Halik

Nagising ako nang tumama ang mainit na silaw ng araw sa braso ko. I yawned. Hay! Panibagong araw nanaman! Ba't hindi yata ako ginising ni Lola Melda? Mukhang natanghalian ako ng gising! Naku, baka nagsawa na si Lola na gumising sa akin.

Nang tumama ang mata ko sa kisame ay natigilan ako nang makita ang kulay ginto roon. Nilibot ko ang paningin at nanlaki ang mata nang mapagtantong ibang kwarto ata ang natulugan ko! Kaya pala ansarap ng tulog ko dahil sa malambot na kama!

Napasigaw ako. "Waaah! Nasaan ako?!" napabalikwas ako ng bangon at mahigpit na binalot ang sarili sa makapal na comforter. "Huhu! Nasaan ako?! Nakidnap ba ako? Jusko!"

Bumukas ang pinto at mula roon ay may humahangos na babae kasama ang tatlong babae at napakurap ako nang makilala siya.

"Kamahalan? Bakit po? May nanakit po ba sainyo? Bakit kayo nagsisigaw?" naaalarmang tanong niya at nakaposisyon pa na parang handa nang sumuntok, ganon din ang tatlong babae sa likuran niya.

"M-Miss Ada?"

"Kamahalan? Bakit? Anong pong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"What..." Ibig sabihin, hindi iyon panaginip? Kinurot ko ang braso ko pero sakit lang ang natanggap ko kaya napangiwi ako.

"Kamahalan! Bakit niyo po sinasaktan ang sarili niyo?" nag-aalalang tanong muli ni Miss Ada.

"W-Wala lang." pilit akong ngumiti at napabuntong-hinga. "Hindi talaga panaginip 'to? Seryoso na ba?"

"Ano pong ibig-sabihin niyo, kamahalan?" nagtatakang tanong ni Miss Ada kaya umiling ako at sumenyas sakanya na lumabas.

Mukhang nakuha niya naman iyon at dahan-dahang lumabas ng silid kasama ang tatlo na yumuko ba bago sumunod sakanya.

Nanghihinang napahiga ako at tumitig sa kisame.

Gosh, akala ko panaginip lang. Totoo na pala.













THIRD PERSON'S POV

Nagbabasa ng libro ang isang lalaki sa library niya sa palasyo nang may kumatok sa pinto kaya napabaling siya roon.

"Mahal na Emperor, nandito po ang tagapaglingkod ni Empress Zyrena na si Miss Ada."

Agad napaayos ng upo ang emperor nang marinig ang pangalan ng asawa bago nagsalita. "Patuluyin mo."

Ilang segundo ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sakanya si Miss Ada na siyang naatasan na maglingkod sa empress simula noong makasal sila.

"Anong balita sa mahal na empress, Miss Ada?" agad na tanong niya, pinagsalikop niya ang kanyang kamay.

Yumuko ito upang magbigay galang bago nagsalita na hindi inaangat ang ulo. Isang kahihiyan ang makipagtitigan ng mata sa mata ng emperor sa isang katulong na katulad niya.

"Nagising po ang mahal na empress kani-kanina lang, kamahalan, na nagsisigaw..." nangunot ang noo ng emperor. "Marahil ay akala po niya na panaginip lang ang lahat kaya sinaktan niya ang kanyang sarili, nagbabakasakaling magising sa isang panaginip." dugtong nito, nagpractice talaga siya sa kanyang sasabihin upang maintindihan ng lubos ng emperor.

"Ano?!" napapikit si Miss Ada dahil sa malakas na sigaw ng emperor at biglang nanginig ang tuhod. Napansin naman ito ng emperor kaya kumalma siya at napamasahe sa sintido. "Magpatuloy ka. Sabihin mo rin sa akin kung ano ang nangyari sakanya kahapon."

Ang babaeng 'yon! Hindi nag-iisip! inis na singhal ni Kaikane sa isip niya.

"Hahawakan rin po sana niya ang nagamit niyang plato, mabuti nalang at napigilan ko." naluluhang anito. Natigilan siya. "Tapos kahapon po ay pinagsasampal niya ang bibig niya. Ano pong nangyayari sa mahal na empress, kamahalan? Bakit nagkakaganon siya?" hindi na napigilan ni Miss Ada ang magtanong at maluha sa harap ng emperor.

UlyssesWhere stories live. Discover now