CHAPTER 9

6 0 0
                                    

CHAPTER 9

THIRD PERSON'S POV

(The day before the shooting)

"Nabalitaan kong nagbalik na ang empress mula sa kanyang misyon, Kapitan? Tama ba ang nabalitaan ko?" isang tinig mula sa lalaking nakaupo sa trono ang narinig sa madilim at malawak na silid na iyon.

"Opo, Kamahalan." yumuko ang kapitan. "Nakumpirma ko nang bumisita ako sa emperyo kahapon."

"Magaling." ngumisi ang lalaki. "Sayang at mukhang nakaligtas pa siya sa surpresa ko sana sakanya..."

"May nagbabantay na dragon sakanya noong mga araw na iyon, kamahalan, at iyon ay pag-aari ng emperor kaya hindi namin magalaw." paliwang ng kapitan habang nakayuko.

Bumuntong-hinga ang lalaki at napailing. Bakit kaya hindi natin sila bigyan ng regalo? Para naman malaman nila na nandito parin ako. Bukas ang perpektong araw para roon. Nakakatindig-balahibo ang tawa ng lalaki na dumaundong sa buong silid.

"Magaling, magaling, magaling, Zyrena..." ngumisi ulit ang lalaki. "Paniguradong matutuwa ang buong emperyo na kailangan pa nilang maiyak sa regalo ko sayo..."

"Kamahalan, maaari ko po bang malaman ang pinaplano ninyo?" maingat na tanong ng kapitan.

Tumawa ang hari. "Ihanda ang mga hunter, Kapitan Finn. May ipapaabot lang akong regalo sa mahal na empress bilang pagbati sa pagbabalik niya ng ligtas mula sa misyon niya sa Mt. Letikya..."

"Masusunod, kamahalan!" yumuko ulit ang kapitan at nagmamadaling umalis sa throne room.

"Hintayin niyo ang pasalubong ko, Empress Zyrena, Emperor Kaikane. Paniguradong magugustuhan niyo 'to..."
















(After the shooting)

"Zyrena! Zyrena?" worry consumed the emperor as he tapped Zyrena's cheek but froze when he felt a liquid on his wife's back.

Nang tignan niya iyon ay halos mahimatay siya at namutla sa nakita.

Blood.

Dugo.

Fuck! Natamaan si Zyrena! Halos hindi mag sink-in sa isip ni Kane ang nangyayari kung hindi lang niya nakita ang dugong dumadaloy mula sa likod ng asawa.

Galit na lumingon siya sa mga kawal at nakitang nakikipaglaban parin ang mga ito sa limang taong nakasuot ng cloak na kulay itim, senyales na nabibilang sila sa kabilang dako ng Euprasia.

Ang Dark Sorceress.

Binuhat niya agad si Zyrena at nagmamadaling pumunta sa kabayo niya at maingat na inilapag ang asawa sa likod non. Hindi na niya inisip ang putukan at ang tunog ng mga espada at ang tanging nasa isip lang ng emperor ay ang madala si Zyrena sa royal physician na nasa emperyo pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UlyssesWhere stories live. Discover now