Two

10 0 0
                                    

PAUL'S POV

Ilang oras na lang masisilayan kuna yung pilipinas at yung babaeng iniwan ko ng pitong taon.

Pauwi na ako sa pilipinas dahil tapos na ang pitong taon na paghihirap ko at pangungulila sa kaya.

Hindi ko sinabi sa lahat na uuwi na ako maliban sa magsusundo sa akin sa airport. Ang bestfriend kong si joshua. Gusto ko silang isurprise lalo na si kathy.

Birthday niya bukas at dun ko siya isusuprise sa gagawin ko. Kala niya siguro hindi na ako babalik at kinalimutan ko siya. Nagkwekwento sakin si joshua tungkol sa mga ginagawa at sinasabi ni kathy. Lagi lang siya nakakulong sa kwarto niya para lang umiyak ng magdamag. Nasaktan ako nung sinabi yun ni josh dahil ayaw na ayaw ko na umiiyak siya dahil sa akin.

Gusto kung umiyak lang siya sa araw na hindi niya makakalimutan. Ang pakasalan ko siya sa harap ng altar at sa harap ng mga mahal namin sa buhay.

Naaamoy kuna ang polusyon ng hangin sa pilipinas. Laki ng pinagbago. Genun din kaya si kathy. Malaki na din kaya yung pinagbago niya simula nung iniwan ko siya dito.

Nakita kuna yung bestfriend kung wala pa ding pagbabago. Pero balita ko may girlfriend siya.

"Kumusta pre?" Salubong ko sa kanya.

"Taena pre laki ng pinagbago mo. Ito gwapo pa din at habulin ng mga chixx." Luko talaga tong bestfriend ko. Wala talaga siyang pinagbago. Mayabang pa din.

"Gago! Balita ko may girlfriend ka na."

Nginitian niya lang ako sa mga sinabi ko.

Mayabang talaga tong bestfriend ko at habulin ng mga chixxxx. Hindi nga lang marunong magseryoso. Pero ngayon may girlfriend daw niyan? Sabi ni Raven, yung isa kung kaibigan na ubod din ng yabang pero mabait yung mga yun.

Papunta na kami sa bahay at madadaanan namin yung bahay nila kathy.

"Pre si kathy oh!" Sabi ni josh.

Lalo siyang gumanda pero halata mong malungkot yung mga mata niya. Nakaupo lang siya sa labas ng bahay nila kasama yung si kithy yung pusa na binigay ko sa kanya nung debut niya. Wala ako nun pero hindi ko nakalimutan at pinadala kuna lang kila mom dahil uuwi sila dito sa pilipinas.

Nakarating na kami sa bahay na si kathy pa din yung nasa isip ko. Naeexcite na akong makita siya bukas.

Sinalubong ako ni mom and dad na puno ng pagtataka kung bakit hindi man lang daw ako nagsabi na uuwi na ako.

"Wala po talaga akong balak sabihin yun dahil gusto ko kayong isurprise lalo na si kathy."

"Nasa bahay siya nila. Puntahan mo." Sabi ni mom

Bukas na lang po mom. Isusurprise ko siya sa birthday niya po.

Ahhh! Oo nga pala bukas yung birthday niya. Ano bang plano mo anak?

At sinabi ko sa kanila ang lahat ng plano ko bukas at sumang'ayon naman sila mom at dad. Tutulongan din ako ng dalawa kung bestfriend.

---

KATHY'S POV

Nakaupo lang ako sa harap ng bahay kasama si kithy na bigay ni paul nung 18 birthday ko. Wala siya nun pero hindi niya nakalimutan yung birthday ko kaya pinadala niya kila tita theresa.

Dumaan yung kotse ni joshua. May kasama siya na babae ata o lalaki yun. Hindi ko kasi nakita.

"Sino kaya yung kasama ni josh? Chixx niya?" Tanong ko kay kithy.

Nababaliw na talaga ako pati si kithy kinakausap ko na alam ko naman na hindi siya sasagot sa tanong ko. Hahaha ganito pala effect ni paul sa sobrang miss kuna siya.

Bakit hindi ka pa umuuwi?

Sabi mo 7 year's ka lang dun pero mag e8 year's na pero wala pa ding anino ng isang paul lao ang nakikita ko.

Babalik ka pa ba?

Babalikan mo pa ba ako?

Pumasok na ako ng bahay para itulog na lang lahat ng tanong sa isip ko kung babalik pa siya o hindi na.

Masakit isipin na kinalimutan na niya ako pati yung mga pangako niya sa akin.

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko na nakatingin sa kesami ng kwarto ko. Iniisip pa din kung babalik ba siya o hindi niya.

Mahal niya pa ba ako?

May iba na kaya siya?

Waaaaa! Puro na lang tanong yung nasa isip ko. Kailan ba darating yung mga sagot. Kailan? Bukas? Sana bukas nga dumating siya sa birthday ko. Sana!

Ginising ako ni mama para kumain na ng haponan. Nakatulog kasi ako kakaisip sa kanya.

Ako kaya iniisip niya? Hayss tama na nga kathy at kumain kana muna.

"Anak, birthday muna bukas. Anong plano mo?" Tanong ni mama

Hindi ko sinagot si mama kasi kahit ako hindi ko alam kung anong magaganap bukas. Hindi na lang ako lalabas ng bahay. Yun na lang kasi wala naman siya.

"Dito na lang po siguro sa bahay. Wala po akong balak magsaya."

Hindi na nagsalita si mama dahil naiintindihan niya ako. Tahimik lang din si papa. Tahimik na lang kaming kumain.

"Akyat na po ako." Sabi ko kila mama at papa.

Nahiga na lang ako ulit sa kama ko ng magvibrate yung phone ko na ilang araw kunang hindi tinitignan.

Tinignan ko kung sino. Si Jenny lang pala yung girlfriend ni joshua.

FR: Jenny lopez

Uyyyy... Babaeta anong plano bukas? Kainan ba? May handaan bang magaganap? Tsaka anniversary niyo din bukas kaya hindi pwedeng walang handaang magaganap huh :*** night

Hayss sa dami ng pwedeng sabihin bat kailangan niya pang ipaalala yung araw na yun. Babaetang yun porket sila na ni Joshua Sebastian.

Anniversary namin bukas. 8 years na kami bukas. Sana nandito siya. SANA! Kasi sa pitong taon na wala siya sa tabi ko mga kaibigan ko lang ang kasama kung icelebrate yung araw na dapat sa aming dalawa.

Magiging masaya kaya ako bukas?

Darating kaya siya?

Kung dumating man siya SANA hindi siya panaginip.

------------------------------------------------------------------------

Enebeyen <3

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon