Nagising ako ng wala tao sa bahay. As in ako lang ang nandito. Wala din si fithy. Pati ba naman silang lahat iiwan ako. Iniwan na nga ako ng taong mahal ko.
Hello!! Birthday ko ngayon. Saan kayo?
Muka akong tanga na naghahanap sa buong balikid ng bahay pero wala akong nakita. Hayss makaakyat na nga lang. Bahala kayong lahat.
Nagkulong na lang ako sa kwarto ng ilang oras tas bumaba nung nakaramdam na ako ng gutom. Shittt gabi na pala.
Natigilan ako kasi sobrang dilim sa baba. Hindi ako matatakutin pero bigla na lang akong kinabahan. Pero hindi na ako nag'atubiling bumalik sa kwarto. Basta na lang akong dinala ng paa ko pababa. Bosettt saan ba sila mama at papa. Pati si kithy wala. Genun na ba nila ako hindi kamahal?
Hahakbang na sana ako papuntang kusina kasi nagugutom na talaga ako ng biglang umilaw at may malaking tarpollin na may nakasulat na
HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY ANNIVERSARY PRINCESS KO <3
Isa lang ang tumatawag sa akin ng princess.
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Totoo ba to? Siya ba talaga to?
"Paul" hindi niya ako sinagot mula sa mga tawag ko sa kanya.
Nananaginip ba ako? Tell me!
Oh my ghad! Kung panaginip to sana wag niyo na po ako gisingin. Gusto ko lang siya makita kahit dito lang po.
"Happy birthday and happy anniversary"
Ang galing! Binati niya ako sa panaginip lang. Yung mga boses na yun. Ang sarap pa din pakinggan. Pero kung panaginip to bakit lahat sila nandito.
Nagulat ako nung hinawakan niya yung muka ko. So, totoong paul ang nasa harap ko ngayon?
Hindi ko mapigilan ang umiyak. Totoo ang lahat ng to? Totoong nandito siya sa harap ko.
Bumalik siya sa araw ng kaarawan ko. Pero hindi pa din ako makapaniwala. Akala ko kasi kinalimutan na niya ako at nakahanap na siya ng iba sa US pero lahat ng yung isang malaking AKALA lang dahil bumalik siya at ngayon ay nasa harap ko siya.
Nakangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko habang ako hindi pa ding tumitigil sa kakaiyak.
Sa pitong taon na hindi ko siya nakita, nakasama wala pa ding pinagbago yung nararamdaman ko kahit na ang laki ng pinagbago niya sa physical na pagkataon niya. Ganito ba talaga kapag inlove ka sa isang taong mahal mo.
"Hindi to panaginip?" Tanong ko sa kanya kasi hindi pa din ako makapaniwala sa mga pangyayare.
"Hindi princess ko"
Niyakap ko siya ng isang mahigpit na yakap na tulad ng pagyakap ko sa isang teady bear. Ganun din siya sa akin. Niyakap niya din ako ng mas mahigpit pa. Sobrang laki ng pinagbago niya. Naging matured ang katawan niya. Ang sarap niyang yakapin. Mga isang oras din ata kaming magkayakap sa harap nilang lahat.
Wala akong paki kung nakikita ako ni papa na ganito sa harap niya. Ang mahalaga bumalik na siya. Binalikan niya ako. Tinupad niya yung promise niya sa akin.
"Tama na yan uyy! Nagugutom na ako" Pagsingit ni jenny.
Bumitaw kami sa pagkakayakap. Kahit kailan talaga tong babaeta na to Panira. Ngayon na nga lang nagkita.
Yung bruha kung kaibigan nauna na para kumain. Kahit kailan talaga ang takaw nito. Puro kain ang nasa isip. Buti na nga lang pinatulan yan ni joshua. Haha kahit ganyan naman siya. Maganda yan.