PAUL'S POV
Naasar ako kay yna nung pilit niyang pinagtutulakan kaming umalis at iwan siya. Nasasaktan din kami sa mga nangyare kay anthony. Wala din ako nung time na sobrang hina na niya at nung time na tuluyan na siyang nagpaalam. Nalaman ko lang din ang lahat kanina. Pinaliwanag sakin ni kathy ang lahat kaya nagkagenun na lang bigla si yna. Sobrang sakit nga talaga malaman na umuwi siya sa pilipinas na wala na yung taong dahilan ng pag'uwi niya. Kaibigan ko din si anthony kaya nasaktan din ako nung sinabi nila na wala na siya. Hindi namin alam na may cancer sa puso siya. Wala pala talaga siyang pinagsabihan nun kahit mga magulang niya ay hindi alam na may sakit siya. Tinago niya lahat sa amin yung mga nararamdaman niya dahil ayaw niya daw na mag'alala kami ng husto.
Nasa van kami ngayon at pauwi na galing sa memorial park kung saan nakahimlay si anthony. Ang bilis ng mga pangyayare. Sa pitong taon ko na nawala dito ang dami mga bagay na wala akong nalalaman.
Umuwi kami na walang ingay ang naganap sa loob ng van. Lahat tahimik. Mga ingay lang ng sasakyan ang naririnig ko.
Nasira ang katahimikan ng magsalita si yna.
"Salamat guys" tahimik lang kaming nakinig sa sinabi ni yna. Walang gustong sumagot.
"Salamat dahil nanjan kayo para ipaalam sakin ang lahat. May mga magulang ako pero hindi sila nagbalak na sabihin sakin ang lahat ng mga nangyayare dito habang nasa LA ako. Aaminin ko nagalit ako sayo nung mga oras na nagtatanong ako at naghihintay ng mga sagot niyo kung ano talagang nangyare kay anthony. Tumakbo ako at pinagtulakan ko kayo na iwan ako pero hindi kayo sumuko na kausapin at pilitin na sumama sa inyo. Tahimik pa din ang lahat habang nakikinig sa kanya. Umiiyak siya pero agad niyang pinupunasan once na babagsak na yung luha niya. Naaawa kami kay yna dahil umuwi siya dito na ganito ang salubong sa kanya.
"Nahihiya at nasasaktan ako sa mga nangyare. Excited akong umuwi dito sa pilipinas para makita at mayakap siya pero huli na pala ang lahat bago ko yun magawa. Niyakap siya ni kath. Tuloy pa din ang pag'iyak niya habang pilit na pinapatahan sa pag'iyak.
Nakatulog si yna sa byahe gawa na din sa kakaiyak niya. Hinayaan namin siyang matulog dahil mukang wala pa siyang tulog simula nung dumating siya. Alam namin na hindi siya natulog nung pinatulog namin siya kwarto ni kath. Hinayaan namin siya non para makapag'isip'isip sa mga nangyayare ngayon.
--
![](https://img.wattpad.com/cover/37289351-288-kd5273b.jpg)