Chapter Six

25 2 3
                                    

V's POV

Hindi ko maintindihan kung pano nangyari yun. Kitang kita ko na punong-puno ng dugo yung uniform ko nung pumasok ako sa cr, pero bakit nung huhugasan ko na eh bakit bigla nalang nawala? Hanggang makauwi ako ng bahay ay yun parin ang iniisip ko, hindi ko na nga din alam kung anong oras na eh. Di ko naman na-inform sila ate, patay na naman ako sakanila.

"V! ikaw na bata ka! San ka galing ah?!" pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, ito agad ang salubong sakin. Ang nakakarinidng boses ni kuya.

"Sorry po. May nangyari lang po kasi." sabi ko at umupo sa sofa. Umupo rin sa tabi ko si kuya at pinitik ang tenga ko.

"sana naman nag text ka diba? Hindi yung pinag-aalala mo kami nang ate mo" sabi sakin ni kuya, hindi ko alam pero bigla nalamang nandilim ang paningin ko

"PWEDE BA! WAG KA MAKIALAM!"

napa-iling ako ng konti at binlink ng ilang beses. Nakita ko ang expression ni kuya. Gulat siyang nakatingin sakin

"Aba, Taehyung, sinisigawan mo na ko ngayon?!" galit na sambit ni kuya, napakunot naman ako ng noo

"Huh?" takang sabi ko, inirapan ako ni kuya at saka galit na tumayo sa kinauupuan niya.

"Dyan ka na nga!" sabi nito at tumaas na. Napatitig naman ako sa salamin, ano bang sinasabi ni kuya? Ako? Sinigawan siya? Luh? Kailan?

Hindi ko na maalis ang tingin ko sa salamin,

"Shit gwapo mo talaga Taehyung!" proud kong pagkakasabi at kumindat pa sa salamin. Pagbigyan niyo na GGSS ako ngayon. Napatingin ako dun sa wall clock namin, 3 am na pala. Hindi lang kasi namin maiwan sila tita sa morgue kaya naman hinintay pa namin sila makaalis.

Napabuntong hininga ako at napatingin muli sa salamin

"PUTRAGIS SHIT!" sigaw ko nang makita kong may isang babaeng duguan ang nakatayo sa may likod ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatungo siya. Bigla naman akong napatayo at tumakbo papunta sa hagdan.

"Namalik mata lang ba ako? O sadyang inaantok na ako?" kausap ko sa sarili ko, pero bigla nalamang ako napatakbo pataas dahil nang tumingin ako sa likod ko ay nakita ko muli siyang nakatayo doon. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagtaklob ng kumot. Naririnig ko yung mga footsteps niya at maya-maya pa'y kumatok ito ng tatlong beses sa pinto ko.

"Please umalis ka na" bulong ko habang nakapikit. Shemay naman oh! Ilang minuto rin akong ganun hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

~**~

"Hoy V! Gumising ka nga dyan! Bakit nasa basurahan ang uniform mo ah?!" dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at halos mahulog na ako sa kama ng makita ko ang pagmumukha ng ate ko.

"ay grabe ah! Sa ganda kong ito matatakot ka sakin" reklamo niya, kinusot ko ang mata ko at tumingin ulit sakanya

"huh? Ano pinagsasabi mong uniform ate?" takang tanong ko.

"ito oh! Bakit nasa basurahan to?"

"ano ba yan?" tanong ko dahil hindi ko makita masyado yung hawak hawak niya. Ibinato naman sakin ni ate yung hawak niya

"may mata ka ayaw mong gamitin!" inis niyang sabi

"grabe naman ate, aga aga sinisigawan mo ako. Sorry naman ang daming muta nakaharang eh" reklamo ko sakanya, nang malinaw na muli ang pagtingin ko, nakita ko ang uniform ko na tinapon ko sa basurahan ng ospital.

"Shit! Bakit andyan yan?!" sigaw ko at hinagis ang uniform ko. Inis naman itong kinuha ni ate

"ano bang problema mo at itinapon mo ito ha?" tanong ni ate, pero hindi ko na siya nagawang sagutin pa. Bakit napunta yan dito? Pano?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phone Call (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon