×Chapter Two×

80 5 9
                                    

Taehyung's POV

“Ang weird niyong mga ugok kayo” sabi ko sakanila habang kinakain yung lunch na binigay sakin ni babaeng lunch box. Ohemgolagus! Ang sarap ng pagkakaluto niya sa chicken tapos yung sauce niya basta ang sarap! Yung maanghang na--

“Gago! Nagtatanong ka tapos di ka pala nakikinig sa sagot namin?” sabi ni Monay, siya si Rap Mon, Monmon for short pero sa sarili ko tinatawag ko siyang monay. Wala lang ang sarap kasi pakinggan nakakagutom hehe.

“langya! Kailangan mamato? Hoy Namjoonie! Sa gwapo kong to babatuhin mo? Ano ako basurahan?” taas kilay kong pagkakasabi at pinulot yung grapes na binato niya sakin at kinain ko. Sayang eh. Hoy! Sa kanin ko nag shoot yun ah! Baka isipin niyo sa lapag ko yun kinain.

“Takaw mo talaga V” sabi sakin ni ilong at ito pa ha! Ngumiti siya sakin! Emegesh! Please note the sarcasm. XD

“papa-Mcdo ako mga pre” sabi ko, kumunot naman ang mga pangit nilang noo

“bakit? May ano?” tanong sakin ni Jimin na kanina pa hinihimas ang baboy niyang abs. Hoy! Di ako naiinggit ah, hindi, dahil may abs din ako di nga lang kita kasi natatakpan ng baby fats ko.

“Independence day, saya no?” sacastic kong sabi, kainis di ba nila nakuha yung ibig kong sabihin?

“oh? Ngayon ba yun? Edi dapat pala wala tayong pasok” binatukan ko si Jj kainis eh, naniwala ba naman

“tanga! Kasi naman ho! Ngayon ko nalang ulit nakita ngumiti si Jungkook after 6 months! Palagi nalang ba naman nakasimangot” napailing nalang si Jungkook at nagpatuloy sa pagkain ng lunch niya. Pero teka! Yung sagot nila!

“hoy! Yung sagot niyo!” sabi ko with matching talsik talsik pa ng kanin at chicken yun ah. Pero wapakels gwapo parin ako. Napatigil ako sa pag nguya ng makita ko ang itsura nila

“alam kong gwapo ako” pabiro kong sabi akala ko magrereact sila pero hindi, instead tahimik lang sila at namumutla

“natatae ba kayo?” tanong ko dahil pinagpapawisan din sila. Tinitigan ko silang mabuti at narealize ko na takot sila. Langya nakakatakot ba ang kagwapuhan ko?

“w-wala yun. He he he wag mo nalang alamin” sabi ni Jin at saka ibinalik ang atensyon niya sa paglalaro ng PSP niyang bulok. Tumango nalnag ako, feeling ko talaga may tinatago sila sakin.

3RD Person's POV

Matapos ang kanilang lunch, nag si balikan na sa kanilang classroom ang mga studyante pero si V ay naiwan dahil sa hindi malaman dahilan napadpad siya sa likod ng school nila na malapit rin sa abandonadong storage room ng school nila.

The Phone Call (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon