V's POV
Riiiiing!! Riiiiing!!
tinignan ko ang phone ko kung sino ba 'yong natawag and dang unregistered number na naman. Teka ito rin yung tumawag sakin nung nasa likod ako nang school ah. Aish! Para matahimik na ito sasagutin ko nalang kahit di ako sure kung sino ba ito.
“He--”
“Accck!” toot toot toot...
“Huh? Nang paprank ba ito?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi pa nga ako nakakapag hello eh binaba na niya agad at parang may narinig pa akong nag “acck” so I decided to call this number again.
“The number you have dialed is out of coverage area please try your call later. Thank you”
grabe napatay niya agad yung phone niya? Sa sobrang inis ko tinapon ko nalang sa kama yung phone ko. Kainis kasi natutulog ako eh panira nang tulog. Bumalik nalang muli ako sa pagkakahiga ko at ipinikit ang mga mata ko
Riiiiing!!! Riiiiing!!!
napatayo muli ako sa pagkakahiga ko at inis na kinuha yung phone ko sa tabi.
“Oh?!” inis kong sabi sa kabilang linya
“Guys! Shit! Pumunta na kayo nang hospital ngayon na!” napatingin naman ako dun sa caller si Suga pala. Pero teka sa hospital? Bakit anong meron? Nanganak ba siya? Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo ko para mag hilamos. Nakakakilabot nga dahil pagkapasok na pagkapasok ko ay napakalamig sa banyo at tila bang parang hindi lang ako ang nasa loob. Paki ramdam ko ay may kasama ako, pero hindi ko na ito inintindi baka mas importante pa yung kay Suga kesa dito. Nahilamos na ako at saka lumabas na muli kinuha ko yung jacket at cap ko sa may table at tumakbo na ako palabas nang kwarto.
“oh san ka pupunta? Gabi na ah” sabi ni kuya Tao. Napakamot naman ako sa ulo
“Eh kuya emergency lang nasa hospital si Suga eh” sabi ko napatayo naman sa kinauupuan niya si ate at hindi na niya naisubo yung kinakain niya
“ano?! Bakit daw?” nagkibit balikat nalang ako dahil miski ako ay di ko alam kung bakit siya nandun.
“papahatid nalang po ako kay kuya Denden. Babalik rin po ako. Bye po” sabi ko sakanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Phone Call (Sequel)
Детектив / ТриллерYou probably thought that their journey has ended. That the evil curse has finally ended,but you're wrong. This is the second time that they will face their death but not the EXO boys anymore nor Erin, Blaire, Shane, Ren and Harumi, this time the bo...