×Chapter One×

216 12 15
                                    

Taehyung's POV:

Nasa kwarto ko ako ngayon at nakatingin sa kawalan, iniisip ko kung pano ko ipapaliwanag sa girlfriend ko na kasali ako sa isang gang. Miski nga ate at kuya ko hindi nila alam dahil alam kong pag nalaman ni kuya ko yun patay ako sa wushu.

“Totoo kaya yun?” tanong ko sa sarili ko, hindi parin kasi ako makapaniwala sa kwento nila kuya at ate. About dun sa nangyari nung on the way sila sa training para sa competition nila. Si ate Blaire, ngayon ko nalang uli siya nakita 6 months rin kasi halos siya nawala pero buti naman at nakauwi na siya at lumabas na sa katawan niya yung “sumanib” daw kay ate na si Samara. Haay di ko talaga alam kung papaniwalaan ko yung mga kwento nila eh, pero everytime na mababanggit ko iyon halatang halata ko kay ate na andun parin yung takot niya kaya palagi ako nahahataw ni kuya ng wushu stick pag nababanggit ko yun.

“Hyungieee!” napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumungad sakin ang masayang ngiti ni ate, sobrang miss na miss ko si ate siya kasi ang takbuhan ko pag may problema kami ni Lucy, saka ang relation naming dalawa ay magkapatid/bestfriend ko pero isang secret lang talaga ang hindi ko asabi sakanya. Kahit nga yung bestfriend kong si Jungkook hindi masabi sa ate at kuya niya na nasa gang siya eh, mas malala pa sakanya dahil siya ang leader namin. Pamihadong patay kay kuya Luhan yun, si ate Erin naman ah! Sabihin niyo ng para akong bakla pero kinikilig talaga ako pag naririnig o kaya nababanggit ang pangalan ni ate Erin, crush ko kasi siya eh. Pero syempre mas mahal ko si Lucy no. crush ko lang naman si ate Erin. Lagot pamihado kay ate Erin yun dahil mas manly pa ata si ate Erin kesa kay Kuya Luhan, shhh wag kayo maingay ah.

“Ate naman, V nga V.” sabi ko, ilang beses ko bang dapat ipaalala sakanila ni kuya na V nalang ang itawag sakin. Ginulo niya ang buhok ko at saka umakbay sakin. Sabay na kami bumaba at pumunta sa dining room, nagulat na nga lang ako ng makita ko si ate Erin dun. Bigla naman ako namula nung ngitian niya ako.

“Hi Hyungiiieeeeee!” excited niyang sabi tas niyakap pa ako.

“Hehe hi ate Erin” medyo nahihiya kong sabi, bigla naman akong binatukan ng mahina ni ate nagtataka naman akong tumingin sakanya

“pag kay Erin okay lang na tawagin kang Hyungie pero pag kami ni kuya mo bawal?” sabi niya binelatan ko nalang siya at saka umupo at kinain ang hinanda ni kuya Chanyeol na pancake para sakin. Pamihadong may lakad na naman itong mga ito.

“Kuya! Aalis nga pala kami nila Kris” paalam ni ate kay Kuya, tahimik lang akong nakikinig sakanila puro date na naman ang pinaguusapan ng mga yan eh. Nasabi ko na ba sainyo na puro engage na itong mga ito? Si ate kay kuya Kris, si ate Erin kay Chanyeol, si ate Ren kay kuya Lay, si ate Shane kay kuya Baekhyun, at si kuya? Ayun mahal na mahal parin niya si ate Harumi. Nakakalungkot lang isipin dahil ang aga nawala ni ate Harumi.

“Ano? Kayo lang dalawa ni Kris?” seryosong sabi ni kuya

“Hindi ah! Kasama kami ni Yeol” singit naman ni ate Erin

The Phone Call (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon