Chapter 15: The Snob Appeal II

21 3 0
                                    

Chapter 15: The Snob Appeal II

Infairness, mejo sobrang malamig dito sa studio nila ah. Wala pa naman akong dalang jacket.

Paano kasi ang init kaya sa labas edi malamang sa alamang naka sleeveless ako. 

"You can sit there, wait. Ano nga palang pangalan mo?" nagtatakang tanong ni Diego. Oo nga naman, ako nang maghihingi na paumanhin sa manner ni Kurt. -_-

"Grace." 

"Okay, Grace." He smiled again. "You can sit there, if you want" tapos tinuro niya yung sofa sa tapat.

Nag-nod lang ako.  "Thanks."

Umalis na din siya sa harap ko, inasikaso na nila yun mga instrument kasama yung dalawa. Si Ashton naman nagsisimula ng pumukpok sa drums. Shet, di kaya mabungog ako dito?

Teka, asan si Kurt?

Lumingon ako sa likod ko. Kakapasok lang pala niya, saan siya galing?

Naglakad siya papunta saakin, I mean, dito sa pwesto ko habang tinatanggal yung Black leather jacket niya. 

Oh my..

So damn.. hot

"Oh." Inabot niya saakin yung jacket niya he's only wearing a white v-neck shirt, FITTED. Whoa, Hahahahha.

Teka, aanuhin ko to? I give him a look.

"Hold it. Ano pa ba silbi mo?" tumaas ang kilay niya. Aba! Ano ako katulong niya? 

Rereact na sana ako nang magsalita ulit siya.

"You can wear it if you want" sabi nito ng straight-face at nag lakad na papunta sa mga kasama niya.

"Let's start"

Okay.

Okay...

Processing...

What did he say?

I can wear it if I want to?

I can?

Sht, I'm blushing.

Kurt, you really have your own way nang pagpapakilig. Grr

Napangiti ako. Sheeeet na malagkeeet! Kinikilig ako.

Oh, Kurt and his little gestures. Ugh.

I wear his jacket. Hmm! Ang bango. Amoy papa cologne! Hahaha kidding. Calvin Klein, I guess?

Umupo ako sa sofa na nangingiti-ngiti. I can't hide my smile. I am even blushing until now and I don't care. Basta Masaya ako. Masaya nga ako!

Hahaha! Maiinggit kayo, please :D

Parang nabigla pa sila nung makita ako na gamit ang jacket ni Kurt, ngumiti naman sila ng nang-aasar. 

"Okay, ready" sabi ni Diego sakanila.

Ashton makes a cue using his sticks.

Napanganga lang ako habang nanonood sakanila. They're really good. Parang ako ang nanghihinayang na hindi nila tinatanggap ang offer ng mga scouts. 

Si Jake, ang ganda din pala ng boses. Actually silang lahat. Wow. 

Hindi ko alam nakatitig na pala ako kay Kurt. Tapos nakatingin lang din siya saakin.

Parang na-conscious ako bigla, ako na ang unang lumihis ng tingin. 

Hanggang sa matapos ang unang tugtog nila hindi na ako sakanya tumingin. 

"So, how was it?" Jake asked.

Nag two thumbs up naman ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Actually, wala naman akong alam sa ganito eh. But you guys, you're really good. I've heard that there are several offers for you? Why don't you accept it? You can really make it to the industry."

"Masyadong magulo doon." Seryosong sabi ni Kurt. "We're contented to where we are." 

"Yeah! Kaya ako sayo eh, vocalist!" sabi ni Ashton na naka rock-sign pa. Natawa naman ako dun. 

"He's right, besides first priority parin ang studies, well, besides sa girls" sabi ni Jake na tiningnan ng makahulugan si Tom. Tapos nag-apir ulit sila. Napa-iling na lang ako na natatawa. Old habits die hard. 

I guess they're not that bad at all? I shrugged at the thought. We'll see about that. 

Hindi ko na namalayan ang oras, pa-4pm na pala. 2 hours na din. 

"Break muna tayo. " Kurt said after they finished their second song.  Dalawa pala ang tutugtugin nila. tapos may isa pa, pero sabi nila, yun daw yung bubunutin nila. Pero mabunot lang sila by the time na ng battle. Imagine? On the spot! Grabe namang battle yun. Sabagay, baka mga magagaling na din yung mga lalaban. So kailangan lang nila aralan yung kanta after nilang magtugtog para fair.

So kung maraming contender mas maraming time para mag 'sipra',  yun yung tawag nila kapag kinakapa yung tono. {A/N: cifra, sepra or whatever. parehas lang yun. XD}

So kung pang apat sila tapos 10 ang malaban, pang-apat sila ulit matugtog after nung 10 ulit. 

Gets niyo ba? Hahaha bayae na! pakialam ba natin jan? 

Nag-order na lang sila ng pizza and soda.

"Usually, hindi talaga kami nag-b-break pag nag pa-practice." Nabulunan ako sa sinabi ni Tom.

"I'm fine." Lahat kasi sila nag abot ng inumin. Bukod kay Kurt. -__-"

"Ano ulit sabi mo? Hindi kayo nag-b-break?" 

"Oo, pero himala ngayon. Siguro kasi may ibang tao. Nahiya naman siguro si vocalist sa'yo." Nagtatawang sagot naman ni Ashton. Hala, totoo ba yun? 

"Oh, Sorry.." nahihiya kong sabi. Nakakaistoro na ata talaga ako. Naku! Patay na talaga ako kay Kurt nito. siguro pagkatapos nito babastedin na niya ako. Huhuhuh wag naman po.

"Don't be! Salamat pa nga sa'yo, gutom na gutom na kaya ako! Siguro kung wala ka mag hihintay pa ako ng apat na oras" sabi naman ni Jake.

Ngumit na lang ako bilang sagot. Wala na akong masabi eh.

"So, I owe you one." He winked. C'mon. Here we go again. "What can I give you in return?"  He grinned. 

I rolled my eyes. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa segwey nito ni Jake kasi hindi talaga ako natutuwa. Ugh.

Humagalpak ng tawa si Tom at Jake. Okay, wtf?

"I really like this girl!" Jake said, still laughing.

"Me, too!" Tom agreed

Nakatanga lang ako sakanila. Ako ba tinutukoy ng mga ito?

Courting KurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon