Yvanna's POV
"Besy tahan na." sabi ni Besy habang hinahagod nya yung likod ko.Humarap ako sa kanya tsaka nagsalita.
"Sige nga Besy.Paano ako tatahan kung pati sya mawawala? Paano?" umiiyak na sabi ko sa kanya.Kasi naman bakit ngayon pa kasi sumabay si Josh ehh.Kung kailan andami kong pinoproblema tsaka pa sya sumabay.Okay.Malalapasan ko din to.I need to be strong.Yvanna be strong. Don't give up.Pinunasan ko na yung luha ko at humarap na kay Besy.
"Okay na ko Besy.Tara,Shopping tayo?" sabi ko.Nagulat naman si Besy sa sinabi ko."Don't worry it's my treat.Thank you sa pag comfort mo sakin." dugtong ko pa.Ililibre ko sya bilang pag thankyou na rin.
//////////////Mall///////////////
Nandito kami sa isang stall kung saan ako laging bumibili ng mga clothes,shoes and accessories.Completo na kasi sya.
"Besy pili ka lng ng kahit anong gusto mo." sabi ko sa kanya.
"Besy ang mamahal naman dito.Lipat na lng tayo ng ibang store dun sa minurahin lng." sabi nya.Sabi ko na nga ba ehh.
"Hndi Besy.Ako magbabayad pili ka lng." pilit ko ulit sa kanya.
"Besy." pag ayaw nya.Ayaw nya ahh.Hinila ko nga papunta dun sa mga damit.Pinagkukuha ko lahat ng nakikita kong maganda at sa tingin ko bagay at kasya sa kanya.Pagkatapos dun naman sa mga shoes area.
"Besy anong size ng paa mo?" tanong ko sa kanya.
"8." sagot nya.Pinagkukuha ko rin lahat ng size 8 na bagay sa kanya.Mga Sandals,Rubber Shoes at Slippers.
"Besy tama na to." sabi ni Besy.Pero hndi parin ako nagpaawat.Dinala ko naman sya dun sa Accesories area.Para naman may maisosuot sya na burloloy sa katawan nya.Pumili ako ng mga Necklace,Earings,Watches at mga Rings.
"Done.Tara bayaran na natin to!" aya ko kay Besy.Halos mapuno na yung Big Cart na tulak tulak nya.Oo sya yung nagtulak kasi ako yung kumukuha ng mga bibilhin eh.Tumango lng sya bilang sagot.Ayun nga at binayaran na namin.Sa sobrang dami ng nabili namin ehh umabot ng 10 paper bags tuloy yung dala namin.
"Besy,Thank You dito ah." sabi nya.
"Naku Besy,ok lng yun.Your my Best friend." sagot ko."Tara kain tayo nagutom ako sa pagasa-shopping natin ehh." nagutom na kasi ako kaya inaya ko na sya.
////////////Food Court////////////
Kakatapos lng namin umorder ng pagkain namin sa isang fast food.Naglilibot yung mata ko kung daan kami pwedeng umupo.Pero iba ang nahagilap ng mata ko.Nakita ko yung Ex-Boyfriend ko kasama yung bago nyang Girlfriend.Sa pagkakaalam ko hndi to motel kundi mall dba?Bakit dito to naglalandian? Sinadya kong dun dumaan sa tapat ng table kung saan sila nakaupo't naglalandian.
"Ehem" umubo ako.Napansin kong naagaw ko ang atensyon nila kaya napatingin sila sakin.Sakto may bakanteng upuan dun sa may likod nila kaya dun kami umupo ni Besy.Dun ako umupo kung saan kita ko yung mukha ng Ex ko.
"Iba ka na Besy ah!" sabi ni Besy pagkupo namin.Tumawa na lng ako bilang sagot.Kumakain na si Besy nagutom din to ehh.Nakatitig ako dun sa Ex ko nung bigla syang humarap sa direksyon ko.Nakita ko yung mata nya na maluha-luha at parang sinasabi na magbalikan na kami.The hell!After nyang gawin sakin yun.Gaganyan ganyan sya.Bullshit sya!
Gusto mong bumalik ako?Pakshit!!!Ano ba kasing pumasok sa utak mo at binreakan mo ko?