Inaantok na'ko dala siguro ng pag iyak 'ko. Hindi ko lubos maisip na nakabaon pa din ako sa nakaraan, kay Jake Andrei na masaya na sa piling ng girlfriend niya, ang ate ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas nung nagparaya ako.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro habang nakahiga sa damuhan kung saan kami ni Jake lang ang nakakaalam. Hayy. Paano ako makaka-move on kung tinatambayan 'ko itong lugar na 'to.
Umayos ako ng pagkaupo at saka muling nagbasa. Ewan ko ba, panay kilig moments ang binabasa ko pero naiiyak ako.
Sisimulan ko pa sanang magbasa ulit nang biglang may humablot sa librong binabasa ko.
"Bastos ka ah! Hin.." naputol ang sasabihin ko ng pinatong niya ang daliri niya sa labi ko.
Itinaas ko ang ulo upang makita siya, pagtingin ko sobrang ko itong ikinagulat.
"Ikaw! Ikaw si Benjamin Frias! Diba Author ka?! Binabasa ko stories mo!" isinigaw ko habang tumatalon.
Yung nag book signing, literal akong nagwala noon dahil idol na idol ko siya na published author.
Binigyan niya ako ng maaliwalas na ngiti na nagpa-"tugs-tugs" sa kaibuturan ng puso.
"Salamat." abot pasasalamat niya sa malalim niyang boses, ang husky.
Tila lalabas na ang puso ko sa kinalalagyan na 'to ng hawakan niya ang aking kamay at tinakpan ang bibig ko. Hinigit niya ako ng marahas at itinago sa halamanan.
"Pffftt.. Tulong.." may dumapong malalim na halik sa aking labi kasabay ng malalakas na yabag na narinig 'kong dumaan sa lugar na 'to.
Kinalas na niya ang mahigpit na yakap at pagkakahalik sa akin. Iniwas niya ang tingin at saka nagkibit balikat. "Pasensya na." nakayuko niyang pagpapaumanhin.
Hindi ako umimik. Napayuko din ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Sumalampak kami sa damuhan at saka sabay na nagpakawala ng buntong hininga.
"Pasensya sa ginawa ko, ang ingay mo kasi." Nagtama ang mata namin at agad na iniwas ito, "Kasi naman kahit saan na ata ako lumipat na school pinagkakaguluhan ako." dugtong pa niya.
Bukod kasi sa talented siya, napaka-gwapo pa niya.
"Talaga?!" pasigaw ko itong isinambit
Agad niyang tinakpan ang bibig ko, bumulong siya mula sa aking tenga . "Wag kang maingay sabi eh, baka malaman nilang nandito tayo." lumapit siya sa'kin pero lumayo ako, nakita ko sa periphiral vision ko na napakamot siya ng batok niya. Hinila niya ako ng buong pwersa kaya nagkatabi kami ng malapitan.
Inobserbahan ko ang perpekto niyang mukha. Napakakinis nito, mapupungay ang kanyang mga mata, matangos na ilong, manipis at mapulang labi na dumapo sa labi ko kanina lang. Nakaramdam ako ng pagkailang ng maalala ko yon. Pero hindi ko mapigilang magsalita.
"Ang gwapo mo kasi tapos ang galing mo pa magsulat ng stories na isang nagpapakilig sa'min. Nabibilib ako sa writer na lalaki, buti nae-express nila yung sinusulat nila. Nakakilig pa." wala sa sarili 'kong sinabi.
"Talaga? Kinikilig ka?" natatawa niyang isinabi, humarap ako sakanya at nginitian siya.
Humiga naman siya sa lap 'ko at tumingin sa'kin. "Bakit ka umupo sa binti 'ko?" taas kilay 'kong tanong sakanya
"Wala lang. Gusto ko lang, ayaw mo ba?"
"Kasi.." bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, inilagay na niya ang daliri niya sa labi ko.
"Naiilang ka?" dugtong niya
Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa labi ko. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok kong humahawi sa mukha ko. Nilingon ko ulit siya at naabutan ko siyang napanganga ng literal.
BINABASA MO ANG
Destined
Short StoryWARNING: Wag basahin kung may sakit sa puso. Baka atakihin sa kilig. Masasabing ang storyang ito ay puno ng hugot, kilig at kalokohan. Baka maka-relate ka. :) Part 1: Destiny Choice Part two: Destined Kung kating kati ka na basahin 'to. Kahit hindi...