"Sabay tayong magmo-move on. Okay?"
"Paano?"
Para siyang tanga na inilagay ang daliri sa baba niya na tila nag-iisip.
Ngumiti siya ng nakakaloko bago magsalita.
"Mas maganda siguro kung maging tayo na. Edi kapag mahal na natin ang isa't isa problem solve na."
Nawindang ako sa inalok niya kaya agad akong nagsalita, "Paano kung yung isa nahulog samantalang yung isa naman nasa past pa din." Sabi ko.
"Advance mo naman mag isip, hindi pa nga natin nasusubukan."
"Paano nga?" Ulit ko.
"Edi tapusin na natin agad."
"Okay, deal." Sang ayon ko.
"Ngayon pa nga lang nahuhulog na ako."
***
Two months have passed.
"It's hard to forget someone you've imagine spending your forever with." Tulala kong sabi kay Benj, inaalala si Jake ng sabihin ko yon.
"Walang forever."
Natawa ako saglit, "Ang bitter mo kalalaki mo pa namang tao."
"I'm just telling the truth Scar. Kung lifetime, agree ako." He leaned down his head and look to me straight. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya.
"And I want to spend my life with you." Tugon niya.
Nagmi-mini heart attack naman ang puso ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at dumistansya sakanya.
"Parang ayoko na 'tong pinlano mo." Mapait kong sambit.
Tinutukoy ko yung deal na napagkasunduan namin.
"Bakit?"
"Nako-konsensya na ako kasi nag gagamitan lang tayo."
"May benefits naman." Mahinahon niyang bigkas.
"Mahirap intindihin Benj. Alam kong nasa past pa din tayo. Wag kang ngumingiti dyan kung hindi naman totoo, alam kong masakit pa diyan." Tinuro ko yung kaliwang dibdib niya, bandang puso.
Tinignan niya naman yung daliri kong nakaturo sa dibdib niya at tuluyang hinawakan ang kamay ko.
"Masaya talaga ako. Ano ako, tanga? Malulungkot kasi wala na siya? Samantalang may iba pang tao na kaya akong mapasaya." Mahabang paliwanag niya.
Napayukom ako ng kamao, "Bakit ako ganon?" Tanong ko sakanya.
"So, tanga ka. Wag puro puso gamitin mo. Matalino ka Scar, alam kong kaya mo 'yan solusyunan. Parang problem solving lang."
Umigting ang panga ko, bakit pakiramdam ko naiinis ako sa kaharap ko lalo na sa sarili ko?
"Pinagloloko mo ba ako, Benj ha? Two months pa lang tayo pero kung makaasta ka parang mahal na mahal mo na'ko. Tama na, ayoko na yung larong 'to." Matigas kong sabi.
Laro, may naalala ako sa pesteng laro na 'yan.
Natawa siya na mapang asar, "Edi sana nag P.E. uniform ako kung laro lang 'to."
Nagkasalubong kami ng tingin, agad akong umiwas. "Sa tingin mo ba laro lang sakin 'to, Scar?"
"Paano kung oo?"
Kita ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha, "Ang sakit mo naman magsalita. Gusto nga kita, maniwala ka."
Hindi ako umimik. Hinayaan ko siyang magsalita kung ano ang gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Destined
Short StoryWARNING: Wag basahin kung may sakit sa puso. Baka atakihin sa kilig. Masasabing ang storyang ito ay puno ng hugot, kilig at kalokohan. Baka maka-relate ka. :) Part 1: Destiny Choice Part two: Destined Kung kating kati ka na basahin 'to. Kahit hindi...