#3

161 14 9
                                    

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, bagsak ang balikat ko na parang luging lugi.

Si Ate at Jake ang bumungad sa'kin. Nad-depress ako, naguguluhan ang isip ko.

Mahal ko na ba talaga si Benj o nadadala lang ako sa sweet na sinasabi at inaakto niya?

Maglalakad na sana ako patungong kwarto nang hawakan ako ng mahigpit ni Jake.

"Masakit po Kuya Jake, paki-bitawan mo ako." Kalmado kong binigkas.

"Bitawan mo kapatid ko Jake." Kumunot ang noo ko ng sabihin yon ni Ate, kailan pa nagka-paki sakin 'tong bait baitan kong kapatid?

"Kailan mo pa ako natutunang tawagin na Kuya?" Malamig na aniya.

"Diba po Lil sis o bunso tawag mo sakin? Gumagalang lang po." Walang gana kong sagot.

Wala ako sa mood makipag sagutan. Sa sinabi ko, maslalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sakin.

Napasalampak ako dahil sa pagod.. physically, emotionally, mentally. Itinayo ako ni Jake sa pagkakaupo.

"Jake, pagod ako. Next time mo nalang ako murahin."

"Ano bang nangyayari? Bakit parang wala akong alam." Singit ng ate ko.

"Yang kapatid mo, may boyfriend palang iba nung kami. Napakasinungaling! Malandi pala! Akala mo mahinhin!"

*Slap!*

"Ang kapal kapal ng mukha mong sabihin sakin yan Jake! Bakit yung tayo ba nagreklamo akong may iba ka ha?! Yung ate ko pa!" Nanginginig na ako sa galit, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Nagkasalubong kami ng mata ng ate ko na umiiyak, gaya ko.

Hindi ako makapaniwalang parehas kami ng minamahal.

"Jake.." nanginginig ang boses ni Ate Stacey nang tawagin niya si Jake.

"Mahal mo pa ba siya?"

Naguluhan ako sa tinanong ni Ate kay Jake. Natahimik kaming lahat, walang nagsalita. Napagpasyahan kong umakyat na sa taas at iwan sila sa baba.

****

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa din nagtatagpo ang landas namin ni Benj.

Alam kong sinadya niya, palagi ko siyang hinihintay sa gate kapag uwian at ginagawan siya ng lunch. Umaasa akong babalik siya.

You tell me this is for the best, so tell me why am I in tears?

Lalong naninikip ang dibdib ko kapag nagre-replay sa utak ko yung mukha niyang kabisadong kabisado ko bawat parte nito. Yung ngiti niya na matagal ko ng gustong makita.

Sa pagkakalungkot, pinili ko munang tumambay sa lugar na ako lang ang nag iisa. Hindi ko alam 'to, umupo nalang ako para mas komportable. Gabi na, kaya malamig ang simoy ng hangin.

"Kahit galit ako, nag aalala pa rin ako sayo." Napatunganga ako sa hindi inaasahang dumating, si Benj.

Anong ginagawa niya dito? At paano niyang nalaman na nandito ako?

Maraming tanong na naglalaro sa isip ko.

"Paano kung wala ako dito? Edi sana na-rape kana. Bakit dito mo naisipan tumambay? Napakadaming gago dito. Nag iisip ka ba ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo dahil sakanya."

"Dahil sayo?" Agad akong napahawak sa bibig ko para pigilan ang pagdaldal nito.

"What?" halatang tinatago niya ang ngiti sa pagkagat ng kanyang labi.

"Wag mo akong bolahin, Scarlet."

"Nakakainis ka!" Ibinato ko sakanya yung bag ko, tumama sa dibdib niya.

Napahawak siya don, kaya naalarma ako.

"Benj, sorry! Are you okay?" may halong pag alala kong tanong sakanya at saka hinawakan ang kanyang dibdib.

"I feel so molested." Napatigil ako sa sinabi niya at nabato sa kinatatayuan ko.

Humagalpak siya ng tawa na halos hindi na makahinga. Nakakainis!

"I'm just kidding." Nag peace sign pa siya at muling tumawa.

Alam niya talaga kung paano ako inisin huh?

"Naiinis ka na naman." Yinapos niya ako ng ibulong niya yon sa tenga ko.

"Ano bang kasalanan ko? Dapat nga bumabawi ka sakin eh."

Naglakad na kami palayo sa lugar na yon.

Lumingon ako sakanya, "Simple lang Benj, palagi kitang hinihintay sa gate pero hindi kita makitang dumadaan, ginagawan kita ng lunch araw araw pero wala ka, madalas ako mawala sa concentration kakaisip sayo. Yun lang naman." Madiin kong sagot.

Lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa ngiti.

"Baka umasa ako ha, sana totoo na." Ngiting sabi niya.

Habang naglalakad, tahimik lang kami. Tanging tunog lang ng insekto ang nanaig.

Hanggang sa tumunog ang tiyan niya, hindi ko mapigilang tumawa -- hindi pala tawa kundi halakhak.

"Grabe ka naman tumawa, parang hindi ka babae. Eh sa nagugutom na ako eh." Nguso niyang sabi.

Maslalo akong natawa kasi ang cute niya.

****

"Fishball nga po, dalawang 10 pesos."

"Oh bakit ka natulala Scarlet? Hindi ka ba kumakain ng fishball?"

"Wala, wala." Umiling iling pa ako. Ibang klaseng lalaki 'to, sa estado't itsura niya parang hindi siya kumakain ng street foods.

Inaya niya akong pumunta sa playground. Napangiti ako sa tinuran niya, umupo ako sa swing habang kumakain ng fishball.

Ang tahimik, nakakailang. Bilis ng tibok ata ng puso ko ang naririnig ko sa lakas.

"I pretend to ignore you, but I just really miss you." Sasabihin ko sanang namiss ko din siya pero walang lumabas na kahit isang letra sa bibig ko.

"I don't care how we met, I'm happy we did." He said with a smile.

"Scarlet.." ngiti niya, "Don't push yourself to fall inlove with me, I'm waiting. Because even in fairytales, the happy ending takes place on the last page." Tumango ako ng may ngiti sa labi.

"Actually I did. I'm 101% sure, I love you." I said.

"Wala pala tayong ending." Aniya.

"B-bakit?" Garalgal na boses kong tanong.

"Kasi, wala ng ending ang love story natin."

I can't breathe. Masyadong malakas ang kalabog ng puso ko. Sinisigaw nito na mahal ko siya.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon