His Acts
May vacant time kami ng 2 hours ngayon, pero next subject ay magkakaroon kami ng quiz. Nagbasa naman na ako kagabi pero gusto ko lang mare-fresh ang utak ko about sa lessons namin.
Kaya lumabas muna ako saglit sa room dahil maingay sa loob, kasalukuyang naghahanap ako ng tahimik na lugar kung saan pwedeng umupo at mag-review.
Pumunta ako sa likod ng school, tahimik dito pero mukhang may nakauna na sa akin. Nakatagilid sa akin 'yong lalaki, kita ko 'yong kalahati ng mukha niya. He looks familiar... Nag-angat siya ng tingin sa langit na para bang nag-iisip. Imbes na umalis ako ay tinignan ko siya.
Dahil sa ginawa niya ay naarawan ang mukha niya, doon ko na-realize na si Jaylen pala 'yon. Aalis na sana ako dahil baka mahuli niya ako, at baka kung ano pa ang isipin niya dahil ang creepy ng ginagawa ko ngayon ang kaso ay lumingon siya sa gawi dahil mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya.
Mariin akong napapikit, wala na naman akong takas. Bakit kasi pinanood ko ba siya ng matagal at hindi kaagad umalis?
Mukhang nagulat siya dahil sa nakita niya ako don pero agad naman siyang ngumiti at kumaway sa'kin.
"Anna, anong ginagawa mo dito?" bungad niyang tanong sa akin.
Kinakabahan akong ngumiti at lumakad papalapit sa kaniya. "Naghahanap kasi ako ng pwedeng maupuan na tahimik, gusto kung mag-review," sabi ko sabay ipinakita ang notebook na dala ko.
"Hmm.. oo nga pala may quiz tayo maya-maya. Pwede ka namang dito na maupo kung gusto mo... Gusto mo bang mag-isa ka lang? Aalis naman ako..." agad akong hindi sumang-ayon sa sinasabi niya.
"Ayos lang sa'kin na may kasama, at tsaka nauna ka dito naman dito e," naupo na ako sa harap niya at sinimulang binuklat ang notebook ko.
Nagsimula na akong magbasa at napatigil ako noong nagsalita siya. "Maingay sa loob ng room, no?" natatawang sabi.
Natatawa din akong tumango. "Oo e, hindi ako makapag-concentrate..."
"Mukha namang hindi mo na kailangang mag-review, kayang-kaya mo na 'yong quiz mamaya e," pilyo niyang sabi.
"Ikaw din, mukhang kayang-kaya mo na 'yong quiz mamaya kasi hindi ka na nagre-review," nakakalokong sumbat ko.
Okay... Kailan pa ako nakisabay sa mga ganitong asaran?!
"Hindi no, pero nagreview na ako kagabi kaya tama na 'yon, pero for sure may mga mali ako. Ayoko na sobrang ma-stress, at tsaka hindi naman kita kayang talunin..."
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya. "Pe-pero... matalino ka pa din,"
"Hmmm... siguro pero sa totoo lang nahihirapan din ako. Hindi ako sobrang galing sa mga ilang subjects, inaaral ko talaga siya kahit na hindi ko madalas naiintindihan. Kasi wala naman akong choice kundi aralin, gusto kung bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Hindi ko na kayang makitang nahihirapan si Mama sa pag-aalaga at pagpapa-aral sa amin," nagulat ako sa bigla niyang pagsasabi sa akin ng problema niya.
Malalim siyang huminga. "Gusto ko din gawin 'yong mga normal na ginagawa ng mga ibang kabataan, maging malaya at walang responsibilidad na gagawin. Pero sa tuwing naalala kung sobrang nahihirapan si Mama na itaguyod kaming magkakapatid, gusto kung maging mayaman at bigyan sila ng magandang buhay. Ayokong matulad sa tarantado kung tatay, hinding-hindi ako gagaya sa gagong tulad niya..." may diin sa dulo niyang sabi.
Napaawang ang labi ko, hindi ko alam na may ganito pala siyang pinagdadaanan. He always smile and make everyone laugh, lagi lang siyang nakangiti sa harap ng mga tao. Aakalain mong masaya ang buhay niya at walang hinaharap na problema, pero sa likod pala ng mga ngiti ay puno ng lungkot at sakit...
BINABASA MO ANG
Chased By Perfection
General FictionShe used to be an achiever, but she never got anything. She excels in all areas... when it comes to studying and a variety of other things. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang magulang at kinaiinggitan ng lahat. In a word, she is perfect. Because she po...