Chapter 2

3 1 0
                                    

Cute

After our lunch break pumunta na kami ni Jaylen sa office ni Ma'am, we need to prepare a special number for Science Festival, every grade is required to perform kaya no choice. Wala pa naman akong talented sa pagsasayaw, but thankfully talented 'tong kasama kung lalaki.

Hindi muna namin sinabi sa mga kaklase namin dahil deserve naman muna nilang magpahinga kahit saglit, at tsaka mag-iisip muna siya nang anong pwedeng sayawin at mga steps. 

Umuwi na din ako nang matapos ang lahat ng subjects namin sa araw na 'yon. Hindi naman ganon nakakapagod dahil kakaunti lang ang pumasok na tecaher sa amin.

"Ma, nandito na po ako..." bati ko pagkapasok ko sa bahay. Agad kung binaba ang bag ko sa upuan at pumunta kay mama para magmano.

"God bless you, nak," tinigil niya mun ang paghiwa at saka tinanggap ang kamay ko. "Kumusta ang school?" 

"Ayos naman, Ma... wala pa naman kami masyadong ginagawa dahil kakatapos lang ng 1st sem," sagot ko naman.

Napatango naman siya. "Mabuti naman, isang taon nalang at magka-college kana. Ano ang balak mo? Saan mo gusto mag-aral?"

Napaisip ako, saan nga ba? "Sa ngayon Ma, wala pa akong desisyon tungkol dyan..." I honestly said. 

"Ayos lang 'yan, nak... 'Wag muna natin 'yang problemahin, mag meryenda ka muna dahil may binili akong banana cue natakapan lang ng plato sa lamesa..." kinuha ko naman 'yon at agad na kinain. Kinuwentuhan ko lang si mama tungkol sa mga nangyari sa school.

Nang matapos akong kumain ay agad na akong tumayo para gawin ang mga gawain ko sa bahay. 

"Mag-iigib kana, nak?" tanong sa akin ni Mama. Tumango naman ako, "Opo, Ma... bakit?"

"Ah sige pagkatapos mo dyan tulungan mo ako dito sa pagluluto, ha? Mamaya pa ang dating ng papa mo..." tumango naman ako at agad na nag-igib.

Mga alas sais ng gabi ay nakauwi na din si Papa, kumain an din kami at gaya ni mama tinanong din lang ni Papa kung kumusta ang araw ko. Nagpahinga na din ako, wala naman ginawang mga assignments kaya natulog nalang ako.

Pagkapasok ko ay agad ko kinausap si Jaylen, sinabi na din namin sa mga classmates namin ang tungkol doon at ang plano ni Jaylen sa sayaw.

After ng klase namin, pumunta na kami sa covered court ng school. We're now practicing for our performance this coming Science Festival. 

At dahil sa wala naman akong alam sa pagsasayaw ay hinayaan ko analng si Jaylen ang magturo, sasabay nalang ako at for sure ako naalng ang susuway sa mga puro chismis at kuwentuhan lang ang gagawin sa practice.

"Ang napili kung song is "Piliin mo ang Pilipinas", since related naman ito sa Science. May nagawa na akong steps sa ibang part, pero need ko din ng help sa ibang part at kung may pwedeng ayusin ay mag-suggest lang kayo,"

"Special Number lang naman 'to, diba?" tanong ng isang classmate namin. "Oo, kaya hindi naman need na gumastos pa ng props, kailangan lang na may mai-perform tayo dahil lahat ng section ay meron," sagot naman ni Jaylen.

"Simulan na natin para makauwi na din tayo... turo sa inyo 'yong steps..." isa-isa niyang tinuro 'yon sa amin.

"Go, pre.. galingan mo!"

"Igiling mo 'yan!"

"Dancerist yarn? Woah! Tropa namin 'yan!"

"Proud kami sa'yo, tol.. naiiyak ako,"

Pang-aasar ng mga kaibigan ni Jaylen, nagsitawanan naman ang mga kasama namin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, ang kukulit nila...

"Gago talaga kayo, tigil niyo 'yan..." binato ni Jaylen ang towel niya sa mga kaibigan niya. Sinalo naman ito ng kaibigan niya at mas lalo pa siyang inasar, "Ang bago ng pawis ni Fafa Jaylen.."

Chased By PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon