Everytime
Para sa subject namin ngayon sa History ay pinag-group kami ng subject teacher namin para sa reporting. Pumili na ang subject teacher namin ng limang leaders, at ako ang isa 'don. Pinuntahan ko na ang mga kagrupo ko at binigyan sila ng part sa topic namin.
"Ito 'yong mga kailangan niyong i-research..." inabot ko sa kanila isa-isa 'yong sinulat ko. "Bali, pangatlo tayo kaya kailangan bukas ay meron na kayong ibibigay para iaayos ko nalang,"
Tinignan ni Kim ang papel na binigay ko, at saka binaling ang tingin sa akin. "Why do we need pa to research, e nandyan ka naman. You're so matalino, I know you can do it..." conyong sabi niya.
"Hindi naman pwede 'yon, Kim. Kailangan lahat tayo ay may gagawin.. ganoon ang group activity," mahinanon kung tugon.
Natawa naman si Jacob, isa din sa mga ka-group ko. "Sus, pa-humble pa si Anna. Kaya mo na 'yan, ikaw na bahala..." sabi niya saka prenteng umupo sa upuan niya.
"Cheer ka nalang namin, Anna. Sabihin mo nalang kapag tapos mo na at ibigay sa'min 'yong parte ng report namin," sabat naman ni Aiki.
Naibagsak ko ang kamay sa ilalim ng table, naikuyom ko ang aking kamao ko. Ayokong magalit sa kanila, pero hindi mapigilan lalo na't ganyan ang mga ugali nila.
Pinakalma ko ang aking sarili. "You still need to do something para may masasabi akong nagawa niyo kapag tatanungin na ako ni Ma'am..."
"That's a piece of cake, Anna. Sabihibin mo nalang kay Ma'am na may ginawa kami. Ano ka ba, alam naming madali lang sa'yo 'yan, hindi mo na kami kailangan..."
"Ibigay niyo nalang sa akin 'yong mga na-research niyo bukas. Salamat." pinal kung sabi. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa upuan ko.
Pero bago ako makalayo sa kanila ay narinig ko ang mga pinag-uusapan nila.
"What's wrong ba kay Anna? She is so bossy and madamot!" maarteng sabi ni Kim.
"Oo nga, madamot kasi ayaw maabutan. Takot kasi siya mauhan..." sabat naman ni Aiki.
"Dapat ginagamit niya 'yon g katalinuhan niya para buhatin tayo... kahit matalino pala tatanga-tanga din," si Jacob naman ang nagsalita.
"So totoo.. I hate her. Grr!" inis na sabi ni Kim.
Hindi nalang sila papansinin, kasi alam ko namang sila ang mali. Hindi naman sila pinag-aral ng mga magulang nila para lang mag-chill at tumunganga dito sa school. Nandito sila para matuto, hindi porket mayaman sila ay babalewalain lang nila ang mga paghihirap ng mga magulang nila sa kanila.
'Yong mga ganong klaseng pag-iisip ang hinding-hindi ko makakasundo...
"Uy sis, ayos ka lang? Mukhang badtrip ka ha.." tanong kaagad sa akin ni Justin pagkaupo ko.
Bago ako makapagsalita ay si Jane naman ang nagsalita. "Badtrip kasi nga mga pabuhat mga members niya..."
Napabuntong hininga naman ako. "Hoy, true ba?" gulat na tanong ni Justin.
"Hindi mo pa kasi nararanasang makasama 'yang mga 'yan sa groupings. Tatanda ka din ng maaga kapag naranasana mo," natatawang sabi ni Jane.
Ako naman ang nagsalita. "Binigyan ko sila ng kanya-kanya nilang task, pero ayaw nilang gawin. Gusto nilang ako na lahat ang gumawa, pero kailangan ko pa din silang isama sa grouping kahit na wala naman silang tulong sa akin kung ako 'yong gagawa..."
"Grabe naman sila mga teh, so ano na ngayon ang gagawin nila dito sa school? Tamang tambay lang, ganoon?" sabi ni Krisha.
"Baka para magpalipas lang ng oras, mga teh," natatawang sabi ni Justin.
Sayang ang paghihirap na ginagawa ng mga magulang nila, dapat ay sinusuklian nila iyon hindi pinagsasawalang-bahala lang. Kung ako 'yon ay sobra talaga akong matutuwa pero hindi 'yon magiging dahilan para tumigil na ako sa pag-abot ng mga pangarap ko. Kailangan ko ding ibalik sa kanila lahat ng sakrispisyon nila sa'kin.
"Mamaya na tayo mag-chikahan dahil nandyan na si Sir. Mamaya mo nalang din sila problemahin, Anna.. If you need help, don't hesitate to ask us..." she said while while smiling sincerely to me.
"Thank you..." galing sa pusong sabi ko.
Nakinig nalang kami sa discussion ni Ma'am, mamaya ko nalang siguro ito poproblemahin. Mukhang ayaw talaga nolang tumulong kaya ako nalang ang bahalang maghahanap ng mga pwedeng isama pa sa report namin. Ibibigay ko nalang sa kanila 'yon at bahala na silang mag-aral doon. Sasabihin ko nalang kay Ma'am ang totoo...
Nang matapos ang last subject namin ay dumiretso na ako kaagad sa library sa school. Medyo maaga pa naman kaya sasaglit lang ako dito, kailangan ko nang simulan magbasa para mas maging maayos ang report namin.
Halos pauwi na din ang lahat pero maliwanag pa naman, bibilisan ko lang para matapos din ako kaagad. Baka magtaka na si Mama kung bakit matagal akong umuwi...
Hinanap ko na ang kailangan kung libro at naupo para magbasa. Hindi ko na namalayan ang oras, marami pa akong dapat basahin kaya hihiramin ko nalang ito para ipagpatuloy ang sa bahay ang pagbabasa.
Lumabas na ako sa library at nagulat na madilim na pala, tinignan ko ang relo ay malapit na mag-alas sais. Naku, paniguradong hinahanap na nila ako!
Mabilis akong naglakad palabas sa school, pero hindi ko maituloy-tuloy dahil sa bigat ng libro na dinadala ko. Hindi ko na maaaring ilagay pa sa bag ko ito dahil puno na din kaya wala akong choice kundi bitbitin na.
Kaso hindi ko na kayang buhatin kaya nalalag siya, napabuntong hininga akong lumuhod at pinulot ang mga libro. Nagulat nalang ako ng may paa na nasa harap ko at lumuhod din kasama ko. Tinulungan niya akong pulutin ang mga librong hiniram ko.
"Tulungan na kita, Miss..." sabi niya. "Salamat," maliit na boses kung sabi.
Tumayo na ako ng matapos kung pulutin ang mga libro at sumabay naman sa pagtayo ko 'yong lalaking tumulong sa akin. Magpapasalamat sana ako ulit, pero nabigla ako ng makita ko si Jaylen. Siya pala 'yong tumulong sa akin...
"Ikaw pala 'yan, Anna.." gulat na bati sa akin ni Jaylen. "Bakit ngayon ka pa lang uuwi?"
"Salamat, Jaylen. Hmm, kumuha kasi ako ng libro sa library para sa report natin," saad ko sabay pakita ng libro.
"Tulungan na kitang magbitbit niyan..." sabay kuha ng librong buhat ko. "Bakit mukhang ginabi ka naman na?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad.
"Ah, madami kasi ako kailangang basahin..." sagot ko sa tanong niya.
"Pero mukhang napadami ha?" sabi niya sabay tingin sa librong hawak niya. "Ikaw lang ba ang gumagawa ng lahat para sa report niyo?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Hindi no," maang-maangan kung sagot.
"Really, Anna? Hindi ka magaling magsinungaling..." huli naman niya sa akin. Mariin akong napapikit saka tumingin sa kaniya.
"It's okay, ayaw nila kaya ako nalang ang gagawa,"
Umiling naman siya kaagad bilang hindi pag-sang ayon sa sinabi ko. "No, hindi 'yon okay, Anna. Dapat maging responsible sila, malalaki na kaya sila,"
"Hindi naman ako pumayag noong una, syempre dapat ay may gagawin sila dahil group report nga ito pero hindi ko na sila mapilit ng ilang beses. Hindi ko naman pwedeng gawin ko lang ang parte ko at hayaan ang ibang parte na sa kanila nakaatas na hindi naman nila gagawin? I can't risk my grades, kaya kung kaya ko naman, ako nalang..."
"Hay, sabagay. But stress yourself too much, okay?" payo niya sa akin. Tumango naman ako at nginitian siya. "Oo naman, Jaylen."
If comfort could be a person, siguradong si Jaylen na 'yon. He is always there to help and support you. Napakaswerte ng pamilya, kaibigan, at maging ang magiging girlfriend niya kung sakali. Bilang nalang ang lalaki ganito.
Habang iniisip ko kung gaano ba kabait na tao si Jaylen, biglang pumasok sa isip ko na sa tuwing nahihirapan at naguguluhan ako ay lagi siyang nandyan para tulungan akong ayusin ang isipin ko. We are not even close, pero lagi siyang nandyan pasa sa'kin.
BINABASA MO ANG
Chased By Perfection
General FictionShe used to be an achiever, but she never got anything. She excels in all areas... when it comes to studying and a variety of other things. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang magulang at kinaiinggitan ng lahat. In a word, she is perfect. Because she po...