This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of my imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-
"Hulaan ko, wala ka na naming mahanap na trabaho?" bungad sa akin ni Mama na nakatayo habang nagluluto.
Umupo ako para tanggalin ang sapatos ko. "Sinabihan akong hintayin ang tawag nila, Ma..." sagot ko naman.
Padabog niyang inilapag ang sandok sa lamesa. "At naniwala ka naman? Hindi na tatawag ng mga 'yon!"
"Wala naman pong masama kung maghihintay tayo, Ma..." pagpapakalma ko sa kaniya.
"Punyeta naman, Annalise! Puro nalang ako paghihintay. Kala ko ba matalino ka? Bakit wala ka manlang mapasukang trabaho? Kasimple-simple lang 'yan e, napakawalang kuwenta naman!"
Bumuntong hininga ako at pinipigilang sagutin si Mama. Pagod ako sa kakahanap ng pwedeng pasukan na trabaho... pero wala tumatanggap. Hinihintay ko lagi ang tawag nila, pero dumating na ang ilang linggo kaso wala pa din. Maayos at maganda naman ang mga background ko... saan pa ang kulang?
Hindi ko na alam!
"Ma, hahanap po ako ng trabaho... 'wag kayong mag-alala," sabi ko naman.
"Ilang beses ko pa maririnig sa'yo 'yan? Paulit-ulit nalang. Pero may trabaho ka ba ngayon? Napunta lang sa wala 'yong mga pinaghirapan namin ng papa mo sa'yo. Binigay at sinakripsiyo namin sa'yo lahat... halos magkanda-kuba kami para itaguyod ang gusto mo! Hanggang sa mawala ang papa mo dahil sa mga gusto mo... tapos ito isusukli mo? Walang trabaho at wala man lang maitulong sa'kin?!"
Halos araw-araw ko na itong naririnig pero bakit masakit pa din? Bakit ang hirap pa ding palabasin sa kabilang tenga ang mga sinasabi ni Mama?
Ang sabi sa akin ni Papa bago siya mawala ay wala akong kasalanan dahil bukal sa puso niya ang pagtataguyod sa akin at gagawin niya ang lahat para makapagtapos ako ng pag-aaral. Kaya dapat ay 'wag akong mag-iisip ng kung ano-ano... Pero 'di ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari tulad din ng pagsisi sa akin ni Mama sa lahat...
Kung hindi lang ako naging makasarili edi sana kasama pa namin si Papa ngayon... sana masaya pa kami, at buo pa. It is all my fault!
"Ma... hahanap po ako ng trabaho kahit ano na dyan. Gagawa po ako ng paraan... Ibibigay ko po sa inyo lahat ng suweldo kapag nakahanap ako. Ma.. sobrang nasasaktan po ako dahil sa pagkawala ni Papa.. Katulad mo sinisisi ko din ang sarili ko sa pagkawala niya. Naging sobrang makasarili ko na hindi ko na kayo naisip... lalo na si Papa.
Hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "Pero, hindi naman po ako manhid.. masakit sa akin, sobra. Walang araw na hindi ako umiiyak at laging sinisi ang sarili ko. Hindi din ako makatulog ng maayos dahil sa nangyari. Kaya naman naiintindihan ko kayo... Tatanggapin ko lahat ng galit niyo, kahit mahirap, patuloy ko kayong iintindihin," I said while crying hard. Pinilit kung mag-mukhang matapang sa harap ng lahat, pero hindi ko na kaya.
Lumipas ang ilang minuto pero nakatingin pa din siya sa akin... wala siya naging sagot sa sinabi ko. Kaya naman kinuha ko nalang ang mga gamit para pumunta na sa kwarto ko at magpahinga. "Kumain na ako sa labas kanina kaya naman busog pa po ako... Matutulog naman po ako," sambit ko bago pumasok sa kwarto ko.
Pagkatapos kung isara ang pinto ay agad akong napaluhod at umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilang nakagawa ng anumang ingay...
Namatay si Papa ilang taon na ang nakalipas dahil sa cancer. Ang sabi ng doktor niya ay matagal nang alam ni Papa ang tungkol sa sakit niya. Sinabihan niya din itong kailangang agapan na gamutin ito para hindi na lumalala. Pero, wala ni isang ginawa si papa, dahil sa akin.
Maayos ang pagpapalaki nila sa akin. Kahit na mahirap kami ay naibibigay nila sa akin ang mga pangangailangan ko. Nag-iisa lang akong anak nila, kaya siguro ganon. Sobrang swerte ko sa kanila... pero bakit hindi ako nakuntento?
Gusto kung mag-aral sa Maynila ng kolehiyo, dahil sa tingin ko 'yon ang makapag-aahon sa amin sa hirap. Alam kung may kakayahan ako, alam kung kaya ko. Kaya sinabi ko sa kanila ang gusto.. noong una ay hindi sila pumayag dahil wala kaming sapat na pera para doon. Pero kinausap ko si Papa... pinilit ko siya, alam kung mapagbibigyan niya ako. Hindi ko naman sila bibiguin, 'yon ang sabi ko kay papa kaya siya napapayag.
Walang ibang nagawa si mama kundi pumayag na din. Nakapasok ako sa school na gusto ko at nakakuha din ako ng scholarship. Malaking tulong para mabawasan ang bayarin nila mama at papa. Everything is fine, lahat ay umaayon sa plano. Kaunti nalang ay makaka-graduate na din ako ng biglang mawalan ng malay sa harap namin si papa. Noong pinunta namin siya sa ospital ay dineklara na siyang patay.
Wala kaming alam tungkol sa sakit niya noong panahon na 'yon, wala siya ni isang pinagsabihan. Kinimkim niya lahat ng iyon dahil paniguradong ayaw niya kaming mag-alala. Hindi siya nagpagamot o anuman dahil mas inuna niya ako. Sinakripisyo ni papa 'yong sarili niya para sa akin. He will do anything and everything for me, even if it means sacrificing his life.
Kaya naman ganoon nalang ang galit sa akin ni mama. Kahit naman ako ay galit na galit sa sarili ko...
Masaya naman kami, maayos naman lahat. Kaya lang hindi ako nakuntento... walang naging sapat sa akin. Kung pinili kung maging makuntento at sumaya kasama sila ay hindi mangyayari ito.
My heart feels like bursting because of too much pain.. How can I escape this nightmare?
-
Hi! This is my second stand alone story. Please bare with my wrong grammars, spellings, punctuations, etc. I'm still exploring, so please understand. Support me and my stories. I will do and give my best to finish it. Stay safe and enjoy reading. Thank you!
BINABASA MO ANG
Chased By Perfection
Ficção GeralShe used to be an achiever, but she never got anything. She excels in all areas... when it comes to studying and a variety of other things. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang magulang at kinaiinggitan ng lahat. In a word, she is perfect. Because she po...