Chapter 5

5 1 0
                                    

Malice

Even if I don't want to, I have to talk to my group mates about our report. Natapos ko nang gawin ang lahat ng explanation para sa bawat parte ng report namin. 

Malalim akong huminga, at naglakad na sa desk kung saan sila magkakatabi.

"Ito na 'yong parte niyo sa bawat report..." sabay abot sa kanila ng papel. "Nandyan na din ang explanations, ang kailangan niyo nalang gawin ay aralin niyo dahil hindi niyo 'yan pwedeng basahin sa oras ng reporting," tuloy-tuloy kung sabi.

"We need to memorize it?!" gulat saad ni Kim.

Tumango namna ako. "Yes, wala kayong ibang choice kundi i-memorize 'yan kung hindi niyo aaralin ang bawat part ng report natin. Pero kung ayaw niyo pa din ay hindi ko na 'yon kasalanan. Kaya ko naman sigurong sagutin ang mga tanong na ibabato sa inyo, pero baka maapektuhan naman ang mga grades niyo dahil don..."

Tatlo silang napanganga dahil sa sinabi ko. You are afraid that your grades will fail, but you don't even study hard?

"Bukas ay tayo na ang magre-report sana ay ma-memorize niyo. Galingan natin bukas. Salamat," pagtatapos ko sa pag-uusap namin at agad na tumalikod at naglakad pabalik sa desk ko.

Bumalik na ako sa desk ko dahil ayoko nang makatanggap pa ng reklamo galing sa kanila. Tama na ang ako na ang umako ng dapat na parte nila sa report. Malalaki na sila, kailangan alam na nila ang mga responsibilidad nila.

"Nakausap mo na sila?" biglang sulpot sa harap ko si Jaylen na ikinagulat ko. "Sorry, nakita ko kasing nilapitan mo sila. At alam ko ding bukas na ang report niyo..."

"Ayos lang. Hmm, oo. Binigay ko na sa kanila 'yong kailangan nilang aralin, nasa kanila na 'yon kung ayaw nilang bumagsak..." pero kahit ano pang pagma-matapang ko ay kinakabahan pa din ako. Gusto kung maging maayos ang report namin at maging ang relasyon ko sa mga ka-grupo ko. 

Ginulo naman niya ang buhok ko. "Tama, tama. Kaya naman 'wag kana magpaka-stress dyan, siguro naman ay ayaw din nilang pagalitan sila ng mga magulang nila..." Hindi ako kaagad nakapag-react sa sinabi niya dahil ginawa niya sa akin. 

"Hala, sorry. Feeling close na ba ako? Nagulo ko pa buhok mo, pasensya na..." sabi niya habang inaayos ang buhok ko. 

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko habang inaayos kung 'yong buhok ko. 

Umiling-iling naman ako. "Ah- eh, hindi naman.. Nagulat lang ako. Pero, salamat sa advice..."

"Wala 'yon..." sagot naman niya.

"Ngayon ang report niyo, di'ba?"

"Hmm, oo..." 

"Kumusta naman? Good luck ha!" pagche-cheer ko sa kaniya.

Nginitian niya naman ako. "Salamat. Ayon, ayos naman dahil madadaling kausap ang mga kagrupo ko..." muli akong huminga ng malalim. Sana ganoon din ang mga ugali ng kagrupo ko sa mga kagrupo ni Jaylen.

"Puro ka hingang malalim dyan, 'wag mo na masyadong problemahin. Tiwala ako sa'yo. Alam kung kaya mo," dahil sa mga salita ay medyo gumaan din naman ang pakiramdam ko. 

"Salamat..." sabi ko, sabay binigyan siya ng matamis na ngiti. "Balik kana sa upuan mo, nandyan na si Sir. Good luck ulit para mamaya..." nakangiting umalis sa harapan ko si Jaylen at bumalik na sa upuan niya. Ang mga kaibigan ko namang napunta sa likod dahil sa pakikipag-kuwentuhan ay bumalik na din sa tabi ko. 

Sabay-sabay naming binati ang guro sa harapan namin, at agad din naman siyang nagsimulang magturo sa harapan.

"Nakita ko si Jaylen kanina dito, anong pinag-usapan niyo?" bulong ni Justin. 

Chased By PerfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon