CHAPTER 1

19 5 1
                                    

"Ay palaka!" Hiyaw ko ng biglang hablutin ng dalawang bruha ang hawak hawak kong bulaklak pag pasok na pag pasok ko sa gate.

Si Danicca at Jona. My best friends since elementary.

Danicca has long brown hair at mala porselana ang kutis niya. Jona on the other hand has short dark brown hair with highlights. Mas maputi si Jo pero mas matangkad naman si Dani. Pareho silang maganda kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nagkaka gusto sa kanila.

Napasulyap ako sa dalawa na hawak hawak parin ang bulaklak, may pa singhot singhot pa.

Teka. Yung bulaklak! Hindi ko pa pala nakuha ang card roon!

"Hoy! Akin na yan!" Pano kapag nabasa nila yun? Gosh! Nakakahiya!

"Patahimikin mo nga yan, Jo." Belat ni Danicca. Dani nalang for short.

"Aye aye boss!" Sumunod naman si Jona sa kaniya at agad akong hinablot para salsalan ang bunganga ko.

Yung totoo? Aso ba toh sa past life niya? O baka naman utusan?

Mga yawa.

"Titirisin kita Jona-- hmmp!" Nakagat ko pa ang dila ko ng bigla niyang takpan ang bunganga ko. Di talaga maka intay? Walang pasintabi? Kingina talaga nila.

Binasa nilang dalawa ang sulat habang hawak hawak padin ako ni Jona na parang hostage.

Pinagmasdan ko lang ang mga reaksiyon nila habang nagbabasa at pinigilang matawa ng umaktong maduduwal si Dani. Jo rolled her eyes and gave me a disgusted look.

"Pwe. Sobrang sweet naman. Dapat na kayong ipa-tumba." Sambit ni Dani at nangulangot.

Oh no.

"Yuck Dani! You're so kadiriiii!" Matinis na sigaw ni Jo at binitawan ako.

Sabi ko na nga ba eh. Tarantado talaga tong si Danicca.

Nginisihan lang ako ni Dani pagkatapos niyang lagyan ng kulangot ang card at binigay iyon sakin.

Tinignan ko sila ng masama dahilan para agad silang kumaripas ng takbo.

"Mga bruha! Yung bulaklak ko! Tangina niyo!"

*****

"Rie! We don't have pasok daw bukas. Ano, tara? Let's eat samgyeop tomorrow?" Hirit ni Jo at sinabayan akong mag lakad.

"Hoy Jona Frei, anong walang pasok? Gaga ka talaga. Napaka bad influence mo. May meeting daw kasi."

"Ganon na rin yon, Dani. We sleep lang din naman kapag may meeting kaya don't me."

Marahan akong natawa sa bangayan nilang dalawa. Ewan ko ba, eto yata kumo-kumpleto sa araw ko eh. Nakasanayan ko na din ata. Simula ba naman elementary eh.

"Ano sayo, Rie? Are you going? Sigeh na sama ka na. Yie sasama na yan." Pangungulit ni Jona.

"Wag ka sumama, hayaan mo mag isa yan si Jona." Bulong ni Dani na narinig naman ni Jo.

Parang tanga.

"Don't listen to her! I'm sure sasama naman siya pag kasama ka, pleaseee. Come with me??"

I bit my lower lip when she started pouting. Ayan na. Nagpapa cute na.

Napa tango na lang ako at pumasok na sa classroom. As if naman may choice ako noh? Paniguradong di ako tatantanan niyan pag hindi ako um-oo.

Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga ni Dani at ang hagikhik ni Jo.

"Good thing din pala na marupok ka, Kivarielle."

Natawa nalang ako at tinaasan siya ng gitnang daliri. "Pakyu."

*****

"Babe? Hey. Gising na. Yuie..." Namulat ang mga mata ko ng maramdamang may marahang tumapik sa pisngi ko.

Tumingala ako para malaman kung sino yun at di ko naiwasang ngumiti ng makita ang pamilyar na mukhang nakatitig sakin. Naghihintay na magising ako.

Ang pogi. Shet.

"Steffan."

He smiled playfully and pinched my nose. "Yes, Yuie. Good thing you're finally awake. Kanina pa natapos ang klase ninyo. Naghihintay na sina Dan at Jo sayo sa labas. Hindi ka na muna nila ginising dahil pagod ka daw. Ano bang pinag gagawa mo, babe?"

"Easy there, babe. Kakagising ko lang nag rap ka nanaman." Ginulo niya ang buhok ko at tumawa kaya inirapan ko siya.

I combed my messy hair after putting my things inside my bag and held his hand.

"Tara?" I gave him a light kiss on his lips and pulled him outside.

"Too quick." He whispered.

"Rinig ko yun, Steffan."

"Ahuh. Give me another kiss then. Hinintay kaya kitang magising."

I smirked at his remark and held his face.

"Asus. For sure nag eenjoy kanaman titigan ako noh."

Hahalikan ko na sana siya ng biglang may sumapok sa ulo ko.

"Kaya pala ang bagal bagal ninyong dalawa, nag lalandian pa pala kayo dito. Mayghad! Ayos lang sana kung walang naghihintay sa inyo noh?" May bahid ng pandidiri na turan ni Danicca.

"Sus. Bitter ka lang." Tawa ko habang si Steffan naman ay napakamot sa batok niya. Mukhang nahihiya. Haha. Ang cute.

Pinag cross ni Danicca ang dalawang braso at sinulyapan si Jo na kumakaway kaway na sa gate. Ang liit niya tignan. "Yohoo! Matagal pa ba kayo dyan? Kanina pa me nagugutom ha! So bagal!" Sigaw niya.

Sabay sabay naman kaming tumawa at binilisan na mag lakad.

"May pupuntahan pa ba kayo?" Tanong ni Steffan ng makarating kami sa gate.

Tumingin ako sa dalawa at agad naman silang umiling.

"Uhm, wala naman na babe. Bakit?" Baling ko dito.

"Tara, hatid ko na kayo. Medyo madilim na din eh. Baka mapaano pa kayo."

"Hala gago, wag na. Nakakahiya." Biglang sagot ni Dani.

Sus. Pakipot pa yan.

"Ano ka ba, Dani. Wag umayaw sa grasya! Sure, Steffan! Where's your car ba? Let's buy food sa Jollibee muna so we can eat it on the way. My treat since hindi naman na ako magbabayad for transpo." Pangumbinse ni Jona.

Ang bilis talaga um-oo nito. G lang kahit saan eh. Magkaibang magkaiba sila ni Dani.

Now I'm wondering bakit close parin sila?

Well, I guess negative really do attracts.

"Medyo malapit lang dito naka park yung sasakyan ko, hintayin niyo nalang ako." Tumango naman agad ako sa sinabi niya.

Mabilis na lumapit si Danicca sa akin ng maka alis si Steffan.

"Grabe, rie. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Steffan noh? Parang noon lang--" Hindi ko na pinatapos pa si Danicca sa sasabihin niya.

"Don't mention it Dan. He's still the same. He's... really good to me." I smiled.

"Basta rie, sabihan mo kami kapag sinaktan ka niyan ah. Physically, mentally, verbally o emotionally man yan. Sabihin mo lang samin, patay siya samin."

"Oo nga, rie. Promise us you'll tell us if he does anything to hurt you. I will not forgive him if he really does hurt you talaga nakuuu!"

Natawa ako sa mukha ni Jo. Mukhang gigil na gigil talaga. Parang tanga.

I'm really lucky to have friends like them. No other friend can ever replace this two.

"Oo naman." Sagot ko at niyakap sila.

"Promise?" Sabay na tanong nila at itinaas ang mga hinliliit. "Pinky swear?"

I'm sure he won't do that to me. Steffan loves me so much. Sooo so much. I'm confident that he won't do such things.

Taas noo kong ikinabit ang magkabilang hinliliit ko sa kanilang dalawa.

"Promise."

DEJA VUWhere stories live. Discover now