"Anak... Kiva..." Pilit akong nag talukbong ng maramdaman kong may yumugyug sa mga paa ko.
"Mmm." Mas ibinaon ko ang mukha ko sa unan para hindi na marinig ang panggigising sa akin ni mama.
"Nak anong oras na oh, bumangon ka na. Baka ma late ka pa niyan." Pag ulit niya.
Hindi ako kumibo at akmang babalik na sa pag tulog pero napabalikwas ako ng bigla niyang hinablot ang kumot na naka pulupot sakin dahilan para gumulong ako sa kabilang parte ng kama.
"Ma naman! Gusto ko pa pong matulog." Makdol ko.
"Oh siya sigeh, bahala ka. Matulog ka ulit. Hay nako, ikaw na bata ka Kivarielle." Rinig ko ang mga yapak ni mama na palabas ng kwarto ngunit sandaling huminto iyon.
"Nga pala, 7:18 am na." Napa bitaw naman ako ng malalim na buntong hininga nung tuluyan ng lumabas si mama.
Ilang ulit ko pang kinusot ang mga mata ko hanggang sa nag sink in sakin ang sinabi niya.
7:18!?? Gago, 7:30 pasok namin!
Mabilis akong bumangon at tarantang pumasok sa banyo at naligo.
Binilisan ko ang pag ligo at agad na lumabas habang pinupulupot ang tuwalya sa buhok ko. "Ay kinginamo!"
Napa ngiwi ako ng hinimas ang puwet kong sumpalpak sa sahig.
Ke aga-aga nabubwiset ako. Badtrip. Agang kay nega naman oo!
Pagtapos kong magbihis ay nilagay ko na lang ang suklay sa bag at pumunta sa sala.
"Ma! Alis na ako!"
"Oh? Akala ko hindi ka na babangon eh. Hindi ka ba kakain?" Tinignan ko si mama na naglilipit ng pinagkainan nila kanina. Nauna na pala si papa umalis. Maaga kasi palagi ang pasok niya.
"Wag na po." Kinuha ko ang cellphone ko at akmang lalabas na ng makita ko ang oras. "Mamaaa!"
Agad na tumawa si mama ng makita ang reaksiyon ko.
"Ayan. Ayaw mo kasi bumangon eh." I rolled my eyes and sat on the chair.
"Kakain nalang pala ako. Umaga pa pala eh! Wala pang 7! Mama talaga. Alam niyo bang masakit parin yung pwet ko kasi nadulas ako kanina? Baliw ka ma. Nagmana nga ako sayo." Turan ko at natawa nalang din.
"Alangan naman sumunod ka sa papa mo? Alam mo namang KJ yun. Ay tama ba yun nak? Ano nga ulit ibig sabihin nun?"
Parang tanga si mama. Feeling teenager talaga.
"Kilikili joker yun ma."
"Ah kilikili-- ano? Anong kilikili ka diyan? Wala namang sense yun anak eh. Niloloko mo nanaman ata ako."
Bumelat ako at umilag ng hinubad niya ang tsinelas niya at tinira ako.
"Kivarielle!!"
Agad kong kinuha ang bag ko at kumaway habang tinatawanan parin ang uto uto kong nanay.
Kung ganito ba naman bungad sakin na eksena araw araw bago ako pumasok eh, hinding hindi na talaga ako mawawalan ng gana pumasok sa eskwelahan.
*****
Ngitingiti akong bumaba sa jeep at naglakad papunta sa gate.
"G*go!!" Akmang manlalaban pa ako ng may biglang humila sakin pero umurong ng makita ko kung sino ang may gawa.
Ang mga bruha.
"Hoy ano ba. Bakit nandito pa kayo? Letse aatakihin ako sa puso dahil sa inyo eh."
Tinawanan naman nila ako at agad inakbayan.
YOU ARE READING
DEJA VU
Teen FictionWe all may or may not have experienced the thing they call 'deja vu'. We have different ways of entertaining it, different ways of accepting it. We feel different emotions. Either it is sad? happy? weird? Or, is it maybe... Traumatic? A lot of pe...